Chapter 7
Jasmine
Kinabukasan ay nagkita kami ni Cristy sa isang restaurant sa Makati. Iniwan ko ang mga anak ko kina Tita Ann at kay Yaya Lourdes at Roshel.
Sina Mommy ay madaling araw umalis. Balak ko pagkatapos namin magkita ni Cristy ay bibisita ako sa mansyon namin sa Green Meadows. Excited na akong makita ulit ang kaibigan ko dahil ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita.
Pumasok ako sa isang Restaurant sa Makati kung saan kami magkikita ni Cristy. At habang nasa entrance pa lang ako ng Restaurant ay tanaw ko na ito. Halatang malungkot ito dahil nakatanaw sa malayo at parang ang lalim ng iniisip.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at tinakpan ko ng kamay ko ang kaniyang mga mata. "1, 2, 3 hulaan mo kung sino ako?"
Hinawakan niya ang mga kamay ko na nasa kaniyang mga mata.
"Hahaha.. Jasmina!" tawa pa niya.
Tinanggal ko ang kamay ko sa mata niya. "Hahaha.. I miss you," sabay halik ko sa kaniya.
"I miss you, too. Uhumm... mukha yatang lalo kang gumaganda, ah? Kamusta ka na, ha?" aniya saka yumakap sa akin at kumalas rin.
Naupo ako sa tapat niya. "Hito at hindi na luka-luka. Medyo may pagkaaning-aning lang minsan, pero kunti na lang," ngiti kung wika sa kaniya.
"Hahaha... Ikaw talaga kahit kailan hindi nagbago. Kamusta kayo ni Mike? Ang mga bata kamusta?" tanong nito habang pumipili ako ng menu sa mesa.
"Okay lang ang mga bata. Nasaan pala si Janzel at Troy?" tanong ko naman habang tinuturo ko sa waitress ang order kung pagkain.
"Nasa bakasyon sila ni Troy sa Davao," malungkot nitong sagot.
"Hindi ka isinama?" tanong ko.
"Hindi na ako sumama dahil ayaw ko naman masira ang bonding nilang mag-ama," sabi naman ni Cristy at pumili na rin siya ng pagkain sa menu at itinuro sa waiter ang order niya.
"Himala at ngayon ka lang niya hindi isinama," sabi ko.
"Ayos lang iyon. Atleast nakakalabas ako mag-isa. Gusto mo mag-unwine tayo mamaya?" tanong pa niya sa akin.
"Oo, ba! Kamusta na pala sina Bioly at Kristine? May mga asawa na rin kaya sila?" tanong ko.
"Si Bioly kakahiwalay lang raw sa asawa niya. Si Kristine naman may asawa naman kaso bantay sarado rin siya kaya hindi rin siya makakalabas minsan," sabi naman ni Cristy.
"Ay? Na miss ko pa naman ang mga lukarit na iyon!" sabi ko.
"E-text ko si Bioly na magkita tayo. Para naman magkita-kita ulit tayo," ani Cristy.
"Sige,sige at na miss ko na ang bruhang iyon," excited kong sabi kay Cristy.
Agad naman niyang tenext si Bioly. Maya-maya ay dumating naman ang order naming pagkain. Pagkatapos mailapag ng waitress ang pagkain ay kumain na kami.
"Mabuti at pinayagan ka ni MIke umalis mag-isa," si Cristy.
"Hindi niya naman alam na umalis ako. Isa pa humingi muna ako sa kaniya ng space. Pansamantala muna kaming magkahiwalay," sabi ko kay Cristy habang kumakain.
"Ano? May gano'n drama na naman kayo?" taas kilay ni Cristy.
"Oo, hindi ko nga alam itong nararamdaman ko, Cristy. Akala ko napatawad ko na si Mike, pero hindi ko maiwasan minsan na hindi maisip ang ginawa niya sa akin noon," sumbong ko kay Cristy.
"Gaga! Magpatingin ka kaya ulit sa doktor! Bka may trauma ka pa sa nangyari noon sa inyo ni Mike," wika naman nito.
"Gaga, ka rin! Ano ang akala mo sa akin baliw?" wika ko.
"Eh ano pa nga ba?" sabay taas ng kilay nito sa akin. Saka nagtawanan naman kami.
"Hahahaha.... Mas baliw ka! Dahil magaling na ako no! Saka ayaw ko na maging mahina, Cristy, kaya kahit ano pa ang pagsubok sa buhay ko hindi na ako madi-depress dahil nagiging matatag na ako. And gues what? Magta-trabaho na ako sa kumpanya namin!" Pagyayabang ko kay Cristy.
"Weee? 'Di nga? Seryoso? Hindi niya makapaniwalang tanong sa akin.
"Yap! At magiging ceo ako ng kumpanya. Kinuha ko lang naman ang posisyon ni Mike, dahil gusto ko maramdaman niya kung paano ang mawalan," wika ko.
Napahinto naman si Cristy sa pagkain at tumingin sa akin. "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya.
"Gusto ko lang naman maramdaman ni Mike kung paano ang masaktan. Gusto ko iparanas sa kaniya ang ginawa niya noon sa akin. Ah basta! Kumain ka na nga lang!" sabi ko pa.
Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko. "Dont tell me gumaganti ka kay Mike? Pero, 'di ba? Okay naman na kayo? Saka, 'di ba? Napatawad mo na siya?" ani Cristy.
"Akala ko nga rin napatawad ko siya, pero ang bigat sa puso ko dahil sa isang taon mahigit naming pagsasama ay naiinis ako sa kaniya. Kaya nga nakipaghiwalay muna ako sa kaniya para hanapin ang sarili ko. Gusto ko maibalik ang dating ako. Ang dating buhay ko noong dalaga pa lang ako," sabi ko kay Cristy.
"Gaga! Nariyan lang ang sarili mo, Jasmine. At iba na ang mundo nating ginagalawan ngayon kaysa noong nag-aaral pa lamang tayo. Jasmine, hindi naman nawala ang sarili mo, eh. Kundi ang puso mo ang nawawala. Kaya ituon mo na lang ang sarili mo sa mga anak mo." Sabay pisil nito sa kamay ko.
"Kung maghihiganti ka sa asawa mo baka mas lalo lang maging kumplikado sa inyo ni Mike at ng mga bata, kaya kung ano man 'yang iniisip mo na paghihiganti itigil mo 'yan at baka sa huli pagsisihan mo. Mahal ka ni Mike kaya tama na. Maging masaya na lang sana kayo," payo pa sa akin ng kaibigan ko.
"Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi mo napagdaanan ang pinagdaanan ko. Nasabi mo 'yan dahil pareho kayo nagmamahalan ni Janzel." sabi ko.
Malungkot naman ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Kung alam mo lang Jasmine. Kung alam mo lang kung anong mayroong relasyon kami ni Janzel sa loob ng anim na taon. Baka masabi mo kung paano ako nagtagal sa relasyon namin " malungkot na sabi ni Cristy.
Kaya napakunot noo naman ako. "May hindi ka ba sinasabi sa akin Cristy?"
"Wala, ay tika lang basahin ko lang ang text ni Bioly!" pag-iwas niya pa sa tanong ko. Saka kinuha niya ang cellphone sa tabi ng plato niya.
Binasa niya ang text ni Bioly. Saka tumingin ito sa akin na nakangiti. "Oy!! Magkita raw tayo sa Pores Bar. Naroon raw siya " sabi naman ni Cristy.
"Hayyzz.. Huwag niya sabihin ang aga-aga umiinom siya!?" sabi ko.
"Magtatanghali na rin 10:45 na kaya ng umaga!" ani Cristy.
"Baliw! Ang aga pa ng 10:45, noh?"
"Hayaan na natin alam mo naman broken hearted ang tao. Kahihiwalay niya lang sa asawa niya," sabi naman Cristy.
"Sige na nga! Bilisan na natin at puntahan na natin ang lukarit na 'yon!" sabi ko ay binilisan ang pagkain.