Episode 6

1096 Words
Chapter 6 Mike Naiisip ko naman si Jasmine. Na miss ko agad sila ng mga anak namin. Parang isang minuto ko lang sila hindi makita ay parang nalulungkot na ako, kaya tenext ko si Jasmine, dahil nami-miss ko na ito. _______________________________ Me: Good night Hon, I miss you. Sent.. ______________________________ Saka inilapag ko na ang cellphone ko at pumikit ng mata. Maya pa ay tumunog ang cellphone ko at may text message na galing kay Jasmine. __________________________________ Jasmine: Baka may babae kang inuwi riyan sa condo mo, ha? Kapag nalaman ko lang puputulin ko 'yang sa 'yo at ipakain sa aso! Natawa naman ako sa reply niya. Ibig sabihin may gusto pa siya sa akin kaya alam kong naguguluhan lang siya. Kaya nag-reply ako sa kaniya. ___________________________ Me: Kung may iuwi man akong babae rito sa condo walang iba kundi ikaw lang, kaya huwag ka mag-isip na ipagpalit kita sa iba dahil ikaw lang ang gusto ko iuwi rito. ____________________________ Maya pa ay nag-reply ulit ito. __________________________________ Jasmine: Good night. ________________________ Napasimangot ako dahil 'yon lang ang reply niya sa akin. _______________________ Me: good night rin. I Love You. ____________________________ Jasmine: I heat you (-.-) Napapailing na lang ako sa sagot niya sa akin, kaya hindi ko na lang siya nireplayan at baka maboyset na naman ito sa akin. Natulog ako na masaya dahil nakausap ko sa text ang asawa ko bago natulog. *** Kinabukas ay maaga akong nagising dahil papasok na ako sa opisina. Hindi na ako nakapagluto ng almusal dahil wala pa akong nabiling grocery. Kaya pagkatapos ko makipag-meeting sa mga shares holder at board member ay dadaan ako sa mall para mag-grocery. Pero bago pa ako pumasok sa office ay nag-text ako sa asawa ko. Me: Good morning my sunshine. Good morning sa mga anak natin. Pagka-send ko ng message kay Jasmine ay pumasok na ako sa Conference room. At naroon na ang mga board member at mga share's holder kasama si Lance Altamirano at si Christian Jay Garcia. Ang mga kaibigan ko rin. Si Reynald Montemayor lang ang wala dahil sa Amerika ito. Pagkapasok ko ay binati na ako ng lahat. "Good morning! Mr. Buenaventura." "Good morning every one!" bati ko at umupo na ako sa upuan ko. Sa kabilang bahagi ko ay naroon si Stevan at sa kabila ko naman ay si Miss Erica Madrigal ang secretary ko na pinopormahan ni Lance Naroon rin ang mga iba na hindi ko na babanggitin pa. "Ano ang pag-uusapan natin Mr. Buenaventura at nagpatawag ka ng emergency meeting?" tanong ni Mr. Tan. "Gusto ko sabihin sa inyo na bibitaw na ako bilang ceo ng kumpanya," direkta kong sabi sa kanila na walang paligoy-ligoy pa. "What!?" halos sabay naman nilang tanong at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Kahit si Stevan ay nagulat rin. "Pero bakit naman Mr. Buenaventura?" pormal na tanong ni Lance. "Paano ang kumpanya? At sino ang magiging ceo?" tanong naman ni Christian. "Ipapalit ko ang anak ni Mr. and Mrs Delatore na si Jasmine Delatore," seryoso kong sagot. "What? Seryoso ka, Bro?" agad na tanong ni Lance. "Yes Mr. Altamirano. Si Jasmine ang papalit sa akin bilang ceo ng kumpanya," wika ko sa kanila. "Pero bakit naman Mr. Buenaventura? May experience na ba si Miss Jasmine sa paghawak ng negosyo? Baka mamaya malugi ang kumpanyang pinaghirapan mo?" sabat naman ni Mr. Perez na kasing edad ito ni Daddy. At ama ito ni Samantha Perez ang may ari ng Pereza Hacienda na malapit lang sa hacienda namin. "Hindi naman ako mawawala dahil alalayan ko naman ang asawa ko na humawak ng kumpanya. Isa pa malaki ang shares ng mga magulang niya sa kumpanya kaya karapat-dapat siyang maging ceo ng kumpanyang ito. Dahil sila ang may pinakamalaking shares sa Emphire Silver company," sabi ko naman sa kanila. "Kung gayon ay nais kung italagang President ng kumpanya ang anak kong si Samantha dahil magre-resign na ako bilang President ng kumpanyang ito," sabi naman ni Mr. Perez. na pang-apat sa pinakamalaking shares sa company. "Akala ko ba nasa ibang bansa si Samantha?" tanong naman ni Stevan. "Well, dumating siya kahapon at iyon rin sana ang nais kong sabihin sa inyo, kaya tamang-tama na nagpatawag si Mr. Buenaventura ng meeting kaya sinabi ko na rin sa inyo na gusto ko ang anak ko ang maging President ng kumpanya," sabi naman ni Mr. Perez. "Hindi ako tutol sa kagustuhan mo Mr. Perez. What about sa inyo guys?" tanong ko sa kanila. "Well, wala naman problema sa akin. Tungkol naman sa business ang tinapos ng anak ninyo Mr. Perez, right?" sabi pa ni Lance. "Yes! Kaya wala naman kayong problemahin sa anak ko," sabi ni Mr. Perez. "May tumututol ba sa kagustuhang italagang President ng kumpanya ang anak ni Mr. Perez?" tanong ko. "Taas ang kamay!'' Ngunit ilang sigundo ay wala namang nagtaas sa kanila. "Okay, sa sunod na meeting ay ipakilala natin ang bagong ceo at bagong President ng kumpanya. Well, ako nga pala ang magiging personal secretary at mentor ni Jasmine, kaya matutukan ko rin naman ang pagpatakbo ng kumpanya," sabi ko pa sa kanila. "Sir, paano po ako? Hindi na ako ang magiging secretary mo?" tanong naman ni Miss Madrigal. "Magiging assistant secretary pa rin kita, kaya huwag ka mag-alala dahil walang matatanggal na empleyado sa kumpanya," sabi ko naman. "What if kunin kong secretary si Miss Madrigal, Mr. Buenaventura?Kkailangan ko kasi ng Secretary dahil nilayasan ako ng secretary ko," sabi naman ni Lance. "Wala namang problema sa akin. Tanungin mo si Miss Madrigal, kung papayag siya?" wika ko. May pinapatakbong negosyo rin kasi si Lance na mga construction supplies at may shares rin siya rito sa Emphire Silvers Company. "Aammh.... Hindi po ako makapagdisiyon niyan Sir Altamirano, si Sir Mike, pa rin po ang masusunod kasi siya ang amo ko," sabi naman ni Miss Madrigal. "Well, okay lang sa akin Miss Madrigal na kay Lance ka muna magta-trabaho. As long as na pareho ang bigay ni Lance na sahod sa binibigay ko sa 'yo," wika ko. "Don't worry, Miss Madrigal! Taasan ko ang sahod mo." wika naman ni Lance sa secretary ko. "Sige, po Sir Lance! Kayo po ang bahala," sang-ayon ni Miss Madrigal. "Any question? Kung wala the meeting is over," sabi ko. "Kailan pala magpapakilala ang bagong ceo ng kumpanya Mr. Buenaventura? tanong ni Mr. Tan. "Maybe the other day. Basta mag-send na lang ng email si Stevan sa inyo," sabi ko naman. "Okay." sagot naman nila at natapos na rin ang meeting. Kaya excited na akong ibalita sa asawa ko na siya na sa susunod na araw ang magiging ceo ng kumpanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD