Chapter 8
Jasmine
Pagkatapos naming kumain ni Cristy ay nagtungo kami sa bar na kung saan naroon si Bioly.
Sumakay kami sa kotse ni Janzel at si Cristy ang nag-drive.
"Hanep! Marunong ka na pala mag-drive?" ngiti kong wika kay Cristy habang nagmamaneho siya.
"Shunga! Huwag ka maingay kay Janzel, dahil ayaw niyng ginagamit ang kotse niya!" sagot nanman ni Cristy.
"Grabe siya, ha? Pinagdadamutan ka niya? Makutusan ko 'yon!"
"Hindi naman, pero ayaw niya lang na nagda-drive ako," ani Cristy.
"Kailan pa sa Davao si Janzel?" tanong ko.
"Isang linggo na!" sagot naman ni Cristy.
"Marunong pa kaya ako mag-drive? Dahil noong last drive kong mag-drive ng sasakyan noon 3rdyear collage pa lang ako. Muntik na ako mabangga noon kaya simula noon hindi na ako pinapayagan ni Daddy mag-drive," wika ko kay Cristy.
"Eh, bakit hindi mo subukan mag-drive muli? 'Di ba, may-ari ng mga sasakyan ang asawa mo?" sabi pa nito sa akin.
"Why not!? Hummmm... Mamaya ako mag-drive nito, ha? Nami-miss ko na kasi magamaneho," nakangiti kong wika kay Cristy.
"Okay, basta huwag mo lang ibangga. May driver license ka ba? " tanong pa nito sa akin.
"Oo naman! Gusto mo makita?" excited kong sagot kay Cristy.
"Huwag na! May tiwala naman ako sa'yo, eh!" aniya habang nagmamaneho ng sasakyan.
Hanggang sa nakarating na nga kami sa Pores Club sa Taguig. Nag-park ng sasakyan si Cristy saka kami bumaba.
pagkatapos ay pumasok kami sa loob at mellow songs ang pinapatugtog. Nilinga namin ang mga mata namin ni Cristy upang hanapin si Bioly.
"Nasaan na ang, bruha?" tanong ko.
Tiningnan naman ni Cristy ang cellphone niya at may binasa ito. "Nasa taas raw siya sa vip room."
"Gage! Baka may kasamang lalaki ang lukaret na iyon," wika ko.
"Mag-isa lang raw siya nagvi-video ok," ani Cristy.
"Tara puntahan na natin," saka pintuntahan naman namin ang kinaroroonan ni Bioly.
Pagdating naman namin sa taas ng bar ay nakita kaagad namin ang silid na kinaroroonan ni Bioly.
Pumasok kami sa loob ni Cristy at nakita namin na kumakanta ito mag-isa.
"Nasaan na ang pangko mo! Noong sinuyo mo ako. Anong tamis! Anong lambing binibigkas ng labi mo!!
Ngunit bakit nagbago pa sa akin ang damdamin mo hoooo hoooo.." kanta ni Bioly na parang mabutas ang eardrum ko dahil wala na ito sa tono ng pgkanta niya.
"May hugot ba 'yang kanta mo, Te?" ani Cristy.
Tumigil naman ito sa pagkanta nang makita kami ni Cristy. "Cristy! Jasmine!" tuwa nitong wika at ibinaba ang mice at yumakap sa aming dalawa ni Cristy. "I miss you, guy's."
Agad naman itong kumalas sa pagkayakap sa amin. "Na miss ka rin namin, bruhilda!" ngiti kong sabi.
"Lalo yata kayong gumaganda?" ngiti niyang papuri sa amin saka nagtagis ng alak sa kopeta.
Naupo kami ni Cristy sa Sofa at iniabot naman ni Bioly ang dalawang kopeta na may lamang alak sa amin ni Cristy.
"Oh! Pampatanggal lamig sa katawan!''
"Mukha yatang may pinagdadaanan ka, girl? Kamusta ang love life mo, humm?" tanong ko.
"Wala na akong love life! 'Yong love ko, ayon iniwan ako. Kaya hayaan mo siya kung ayaw niya sa akin," aniya sa malungkot na mukha.
Medyo lasing na ito dahil sa pananalita nito.
"Tama ka Bioly. Hayaan mo sila kung saan sila masaya," sabi naman ni Cristy.
"By the way, kayong dalawa kamusta na ang mga love life ninyo, humm? Ikaw Cristy, nakuha mo na ba ang puso ni Janzel, humm?" tanong ni Bioly kay Cristy at uminom. Uminom na rin si Cristy kaya uminom na rin ako.
"Paano ko makuha ang puso niya kung pilit naman niyang iniiwas sa akin?" makahulugang sagot ni Cristy kay Bioly.
"Don't tell me na mahal pa rin ni Janzel si Jasmine?" sabay taas ng kilay ni Bioly.
Nagkatinginan kami ni Cristy sa sinabi ni Bioly, kaya ako na ang sumagot kay Bioly.
"Ano ka ba? Mahal naman talaga ako ni Janzel, noh? Bilang isang kapatid. Saka mahal niya si Cristy, 'di ba, Best?" sabay siko ko kay Cristy.
Nagsalin ulit naman ito sa baso ng alak at ininom. "Mahal niya lang ako kapag may mga kaharap na tao, pero kung kaming dalawa lang. Masasabi ko na he is my coldest husband. Pretense love lang ang ipinapakita namin kapag kaharap ang mga taong malalapit sa amin," sabi pa ni Cristy.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na nagpapanggap lang sila na mahal nila ang isa't isa.
"Pero, 'di ba, ang sweet niya nga sa 'yo noong nasa Tierfly Island tayo?" tanong ko kay Cristy.
"Ay nako, Jasmine! Kaibigan ka ba talaga ng bruhang ito? Eh, halos gabi-gabi noong nasa ibang bansa sila ay umiiyak 'yan sa akin dahil iniiwan lang naman siya mag-isa ng asawa niya at hindi man lang siya magawang ipakilala sa mga pamilya ng asawa niya. Si Doctor Maurine lang naman ang pamilyang pinakilala ni Janzel kay Cristy, pero sa mga kaibigan ni Janzel at kapag may mga event sa kumpanya nila hindi niya manlang nga maipakilala si Cristy!" dal-dal pa ni Bioly.
Tumingin ako ka Cristy, ngunit hindi ito makatingin sa akin ng deretso.
"Totoo ba ang sinabi ni Bioly?" tanong ko kay Cristy.
"Huwag mo intindihin ang bruhang 'yan. Ang daldal talaga, noh?" pinaglakihan pa ni Cristy ng mata si Bioly.
Uminom ulit ako ng alak at humarap kay Cristy. "May problema pala kayo ni Janzel, pero bakit hindi mo sinasabi sa akin? Kaibigan ba talaga ang turing mo sa akin, Cristy? " maluha-luha kong tanong sa kaniya.
"I'm sorry, Jasmine. Ayaw ko lang makadagdag sa problema mo. Isa pa nahihiya ako sa 'yo at sa sarili ko." ani Cristy sabay pagpatak ng luha nito sa mata.
"At bakit mahihiya ka sa akin? Dahil ba may depression ako noon kaya hindi mo sinabi sa akin ang nangyayari sa inyo ni Janzel? Sana sinabi mo man lang sa akin kung kaibigan talaga ang turing mo sa akin!" panunumbat ko kay Cristy.
"Jindi lang iyon ang dahilan, Jasmine! Kundi nahihiya ako sa sarili ko dahil sa kagustuhan kong mapa sa akin si Janzel. Inagaw ko siya sa 'yo, remember! Inakit ko siya at pinikot! Nahihiya ako dahil hindi man lang niya ako minahal ng tulad ng pagmamahal niya sa 'yo noon," iyak niyang wika sa akin.
" Hohoohoho.. Bakit ba ang lupit ng mga lalaki? Ako pinangakuan ng asawa ko na mahalin, pero iniwan niya ako. Matapos niyang malaman na ako ang dahilan ng paglayo nila ng girlfriend niya. Nalaman niya na walang kasalanan ang girlfriend niya at ako ang may pakana ng lahat, kaya ang gago iniwan ako Hohoho..." atungal naman ni Bioly.
Para kaming tanga na umiyak sa loob ng vip room at kung may nakakarinig man sa amin ay tiyak na pagtatawanan kami dahil mukha mga sira kami na umiiyak dahil lang kaniya-kaniya naming mga asawa.
Ilang sandali pa ay kumanta naman si Bioly na masakit na nga sa tainga ay masakit pa sa dib-dib.
Pagkatapos niyang kumanta ay agyakapan kaming tatlo na pareho na rin mga lasing. Alas tres na kami ng hapon lumabas sa bar saka naman nab-ring nang ring ang cellphone ko, pero hindi ko ito pinapansin.