CRUSH
"Saan ka kumuha ng ganitong kalaking halaga Isay?" Mabalasik na tanong ni ate Andrea. Ibinigay ko sa kanya ang makapal na sobre pagkarating niya mula sa trabaho. Sabay na kaming tutungo sa ospital mayamaya lamang. Gulat at panggigilalas ang nakita kong reaksyon niya. Sino ba naman ang hindi magugulat sa ganun?
Tumungo ako at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Hindi ako pwedeng magsinungaling dahil hindi ako sanay sa ganun at malalaman din ni ate pag nagsinungaling ako. She knew me and she could read me like the letters of the alphabet.
"I'm sorry, ate. Napasubo lang naman ako. I'm sorry, ate, sorry talaga." Nagtakip ako ng palad at umiyak. Ayokong magalit si ate sa akin.
"Umamin ka sa akin! Ysabel, anong ginawa mo para makakuha ng ganito kalaking kantidad! Magsabi ka kung ayaw mong magalit ako ng tuluyan sa'yo!" She said furiously. Tinampal niya ako sa kamay kaya lalo akong napaiyak.
At ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kagabi. Hindi ko pa natatapos ang buong kaganapan ay humalinghing na ito ng iyak.
"Dyos ko naman Ysabel! Paano mo nagawa ang ganung bagay! Hindi tayo pinalaki ng ganun ng magulang natin! Akala ko ba matalino ka! Saan mo nilagay ang utak mo! Dyos ko, saan ba ako nagkulang sa'yo bilang ate, Isay. You, you gave yourself to a stranger just for this money?!" Pasigaw na wika nito.
"Ate gusto ko lang namang makatulong. I felt useless dahil wala akong magawa ate. Naaawa na ako sa'yo at kay Nanay. Pakiramdam ko wala akong silbi. Patawad ate, pero malinis naman ang hangarin ko. Malinis ang intensyon ko. Bahala na kung ano man ang mangyari sa akin basta makatulong lang ako sa inyo ay masaya na ako. Yun lamang ang tanging naiisip ko ng mga oras iyon. Para sa akin isang oportunidad na iyon, de bale ng mawala ang iniingatan kong dangal, basta lang makatulong para humaba ang buhay ni Nanay, gagawin ko.” Sagot ko sa kanya sa nanginginig na boses at nanghihinang napaupo ako sa luma naming sofa.
Lumuhod siya sa harap ko. "Isay, sa tingin mo natutuwa ako ngayon? Etong halagang to kapalit ng sarili mo? Para mo na ring sinabi na wala akong kwentang kapatid dahil nagawa mong ipagkanulo ang sarili mo sa isang lalake! And to make it worse, hindi mo kilala yung tao! Ysabel, dise-sais ka pa lang pero sira na ang buhay mo! Sinira mo ang buhay mo!" Pinaghahampas niya ang aking hita dahil sa galit.
Hindi ko magawang umilag. Hahayaan ko siya kung yan ang makakabuti sa kanya. Kung yan ang paraan para maibsan ang galit niya sa akin.
Pulang-pula na ang hita ko sa kakapalo niya hanggang sa napaupo na siya ng tuluyan sa sahig. Wala akong magawa kundi ang humikbi na rin. I'm sorry ate Andrea.
"Hindi ka na malinis. Ang bata mo pa Isay para maranasan mo ang ganyan. Ang bata bata mo pa bunso. Kasalanan ko ito. Hindi ako mabuting ate sa'yo. Kasalanan ko lahat ng ito kaya naisip mo ang ganyang bagay. Kaya nagawa mong isuko ang iyong dangal dahil walang magawa ang ate para mapaopera agad si Nanay. Yes, tama. This is all my fault." Hilam sa luha ang kanyang mukha at tumango-tango lamang ito na nakayuko.
Umiling ako at inabot ang kanyang nanginginig na mga kamay. "Hindi ate. Walang nangyari."
Nag-angat ito ng mukha at kumunot-noo. "What?"
Tumango ako. "Walang nangyari ate...."
"Walang nangyari? Hindi ka niya nagalaw?"
I nodded and heaved a deep sigh. Nagpahid ako ng luha at kinalma ang sarili. "I will tell you what happened, and you have to listen to me carefully, ate."
Tumigil ito sa paghikbi at sunod-sunod na tumango. Hinahanda ang sarili para pakinggan ako.
****************
Madilim ang kwarto pagkamulat ko sa aking mga mata. Napabalikwas agad ako ng bangon at inaninag ng mabuti ang buong silid. Walang tao.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Ipinilig ko ang aking ulo dahil pakiramdam ko ay maayos ako at walang nararamdaman. Sabi nila, pag first time daw ay masakit ang ibang bahagi ng katawan. Naririnig ko ang usapan ng mga kaibigan ko tungkol sa s*x. Pero bakit ganun? Wala akong maramdamang kakaiba sa katawan ko? Nakaroba pa rin ako at maayos na nakatakip pa ang kumot sa aking katawan.
Nasaan na kaya ang lalakeng iyon? Anthony lamang ang alam kong pangalan nito. Isang nilalang na hindi ko siguro makakalimutan sa buong buhay ko. He was my first kiss, and I must admit, his kiss was passionate. A kind of kiss that you'd definitely ask for more. Yun ang masasabi ko, dahil wala naman akong mapaghahambingan. I never had a boyfriend.
And yes, I was about to give in. But fate take its course kaya hindi nangyari ang dapat mangyari. Nalipasan ata ako ng gutom kaya ako nawalan ng malay. Hindi na kasi ako nakapaghapunan. At bukod pa doon, dala na rin ng kaba at nerbiyos kaya mas lalo akong nawalan ng lakas.
I'm sure na buo pa rin ang p********e ko. He didn't touch me. He didn't take me. He was a gentleman for doing not so. I felt a sudden warmth in my heart. Anthony was good man for not taking advantage of me.
Tumayo ako para magbihis. Mag aalas-dos na ng madaling-araw. Kailangan ko ng makauwi dahil sigurado akong kanina pa nagtetext si ate sa akin para y-check kung nakauwi na ba ako ng bahay.
Habang nagbibihis, napansin kong may kapirasong papel sa side table. Kinuha ko ito at napatigagal ako nang malaman kung anong papel iyon.
Tseke!
Two hundred thousand pesos!
Binayaran niya pa rin ako kahit walang nangyari! Kinuha ko ang isa pang papel na nakatupi ng maayos.
You've lost consciousness sweetheart, and I don't have a heart to wake you up and definitely having s*x to a restless, sleeping beauty isn't my cup of tea. Take this as my advanced p*****t.
Someday, when our eyes met, you must prepare yourself. Kukunin ko ang akin.
I don't want money. I want YOU.
R. Anthony
I took a sharp breath. Tinambol ang puso ko sa kaba. Magkikita pa ba tayo Anthony? Hindi ko alam pero may hungkag akong naramdaman. Dahil ba hindi ko na siya nasumpungan? O dahil ba sa hindi ko nagawang magpasalamat? Or dahil ba pakiramdam kong hindi tamang tanggapin ang pera kahit hindi niya nakuha ang dapat niyang makuha.
Perhaps, one day, makukuha mo rin ang gusto mo mula sa akin Anthony. At hindi ako magdadalawang-isip na ibigay yun sa'yo.
Lumabas ako ng silid pagkatapos kong magbihis. Nakasalubong ko si Madame malapit sa entrance ng bar.
"Oh Hija, nag-enjoy ka ba? Sabi ng customer wag ka daw distorbohin sa pagtulog mo. Mukhang pinagod ka ng taong yun eh noh. Sulit na sulit, di ba Hija?" she chuckled at pinasadahan ako ng tingin.
Tumango lang ako. Kung ano man ang nasa isip niya ay wala na akong pakialam. Hindi na ako babalik sa lugar na ito. Kakalimutan kong nakarating ako dito pero hindi ko makakalimutan na may Anthony akong nakilala. He's an angel for me.
*****************
"Seryoso ka Isay? Walang nangyari sa inyo ng Anthony na yun? Hindi ka niya ginalaw? Imposible! May lalake pa bang ganun sa mundo?" Hindi makapaniwalang sabi ni ate. Tuluyan nang natuyo ang mga luha nito.
I nodded. Yeah, even I could not believe that there's someone like him who could easily give money just like that without taking his part of the deal.
And because of that, he earned my respect. Akala ko nga talbog na tseke ang binigay niya. Pero hindi. Dahil naipa-cash ko ito. Mukhang tinembrehan na nito ang bangko kaya walang pag-alinlangang binigay nila sa akin ang cash without asking any further questions.
"Nakikilala mo ba siya? Natatandaan mo ba ang mukha niya? May iniwan ba siyang number or address na pwede nating puntahan if ever may pambayad na tayo sa kanya?"
I shook my head. Sana nga rin may iniwan siyang bakas para somehow, kaya ko siyang hanapin. "Wala ate. I only know his name. At hindi ko siya masyadong namumukhaan dahil madilim ang lugar." Which is not true dahil kaya ko siyang iguhit sa aking isipan pero gusto kong kung ano man ang memory ko sa lalakeng yun ay sasarinlin ko na lamang.
I heard her sigh. "I'm sorry kung ganun ang reaksyon ko, Isay. Parang nagbitaw ka kasi ng bomba kaya ang lakas ng impact sa akin." Umupo ito sa tabi ko at tumingin sa akin. "Hindi na ito mauulit. Hindi ka na babalik sa lugar na iyon. At kung maaari, kalimutan mo na ring may Anthony kang nakilala. Pag-iipunan ko ang ganitong kalaking halaga dahil may kutob akong babalik yun siya para maningil sa'yo."
Gusto ko mang sabihin na hindi pera ang gusto nitong kabayaran, ay hindi ko magawa. Ayokong mag-alala pa si ate Andrea tungkol dito. At ayokong pigilan niya ako sa gagawin ko. Yes, pinangako ko na sa sarili kong kay Anthony lamang ang aking katawan. I will save my virginity and purity for him. Sa kanya ko lamang iaalay ang sarili. Hindi dahil sa iyon ang kasunduan namin, kundi dahil sa iyon ang gusto ko.
Labag man sa kalooban ni ate ay ginamit pa rin namin ang pera na galing kay Anthony. Naka-schedule na ang operation ni Nanay at nabili namin ang dapat na bilhin para sa kanya.
Lumaon, naging maayos ang lahat ayon sa kagustuhan at hiling namin. Naisagawa ng maayos ang operasyon ni Nanay at mabilis ang kanyang paggaling. Si ate naman ay balik trabaho na. Nabawasan ang mabigat na nakadagan sa aming dibdib.
At tingin ko, isa si Anthony sa mga rason kung bakit. That one night with him, was like a blessing. I feel like I've known him all my life. Sa mga nakalipas na araw, ay lagi siyang nasa isipan ko. I remembered the way he kissed me. I remembered his godly body which makes me blush every time. He's in my dreams more often, caressing me, hugging me. And I can't just get him away from my system.
I think I finally have a crush on someone. And that someone is a stranger.