TWO

1849 Words
MARIA YSABEL GONZALES Maaliwalas na tanawin ang bumungad sa akin. Pagkababa ko ng bus ay huminto muna ako para ilibot ang paningin sa buong lugar. Ah, namiss ko nga ito. Ilang taon na ba ang nakalipas? Sampung taon na nga yata mula ng lisanin namin ni Nanay ang lugar. Nang dumating kami ng Maynila ay magdo-dose anyos na ako noon. Nilukob ng kalungkutan ang puso ko. Isang taon na rin mula nang pumanaw ang Nanay. Akala namin, magiging maayos ang lahat pagkatapos ng operasyon nito ngunit matapos ang ilang buwan ay nagkaroon pala ng kumplikasyon ang kanyang sakit na siyang sanhi ng kanyang kamatayan. At ako'y nandito para sa habilin ni Nanay na balikan ang lugar kung saan niya kami pinanganak ni ate. Sanggol pa lang ako ng mamatay ang Itay dahil rin sa sakit. Si Nanay ang nag-aruga sa amin at itinaguyod niya kami sa abot ng kanyang makakaya. Kaya sa murang isipan ni ate ay naging matatag siya at pinangarap na iahon kami sa simpleng buhay. Kung tutuusin ay nakakaraos kami noon. Simpleng tao lang kami at hindi kami nangambisyon na maging mayaman. Kakaiba nga lang si ate dahil iba ang pananaw niya. At sa tingin ko ay tama naman siya. Bakit nga ba magtatyaga sa simple kung pwede namang umangat sa buhay kung gugustuhin mo. Pero ako, hindi ko hinahangad ang hinangad niya. Gusto ko ng simpleng buhay. Siguro ay depende na rin talaga sa tao. Napasimangot ako ng maalala ang sagutan namin ni ate sa telepono. Gusto niyang ibenta ang kapirasong lupa namin dito pero tumutol ako. Bilin ni Inay ay pagyamanin ang kapiranggot na lupa namin dito sa Sta. Cruz, Davao Del Sur. Ang lupa ay alaala ng aming mga magulang. At hindi ko nanaisin na ibenta ito. Nakapag-asawa ng foreigner ang ate at nasa Canada na siya ngayon. Umuwi lamang siya last year dahil sa pagkasakit at pagkamatay ni Nanay. Gusto niya akong kuhanin para mag migrate na rin sa Canada pero tumanggi ako. Gusto ko dito sa Pilipinas. Isa akong nurse sa isang ospital sa Makati. Maayos ang trabaho ko at tama lamang ang pasahod. Ngunit nang mamatay ang Nanay ay nag resign ako sa trabaho para makauwi dito sa Mindanao. Hahanap na lamang ako ng mapagtatrabahuan dito sa probinsya. Kahit maliit na clinic ay okay lang. Makakaraos din naman tiyak ako dito dahil hindi naman kalayuan ang lugar na ito sa Davao City. Pwedeng mag-apply din ako sa siyudad. At isa pa, sarili ko na lamang ang aking binubuhay. Si ate ay pinapadalhan din ako ng pera kahit di ko naman kailangan. Naipon lang din ang mga iyon sa aking bank account. Wala akong balak na galawin iyon maliban na lamang kung kinakailangan. Sumagi sa isip ko si Richard. Kahit papaano ay nasasaktan pa rin ako sa paghihiwalay namin. Dalawang taon din ang itinagal ng relasyon namin pero sadyang hindi na niya kaya pang makapaghintay sa akin. Ayoko muna ng makamundong pagnanasa na iyan. Kasal muna bago ang gusto niya pero hindi pa rin daw siya handa sa ganung bagay. That's why we decided to call it quits, which is one of the best decisions I've ever done dahil malaya na akong nakakapag-desisyon sa sarili ko. I have loved him in my own way. But I do not think I loved him enough to stay and I think the feeling was mutual. I looked at the entire downtown once again. Naging mas asensado na rin ang bayan. Marami ng establishment akong nakikita. Mga gusali at pharmacies. Convenient stores at shopping centre. Naglakad ako sa paradahan ng tricycle. Narinig ko ang mahina nilang pagpito. Oh please. Gusto kong pagulungin ang aking mga mata. "Manong sa Kalye Dos poh." Wika ko sa driver na nakatitig sa akin. Manong, mukha akong artista pero maniwala kayo, hindi ako celebrity. "Sakay na Miss." Sagot nito nang makitang nagtaas ako ng kilay. Okay, hindi ako mataray. Mataray lang ako sa mga taong halatado masyado ang paghanga. Hindi kasi nakakatuwa kundi nakakairita at nakakabastos. Halos kinse minutos ang itinakbo ng tricycle hanggang sa makarating kami sa Kalye Dos. Hindi ito literal na Kalye lamang. Malayo-layo ang agwat ng mga bahay at ang buong Sta. Cruz ay napapalibutan ng malawak na kagubatan, palayan at bundok. Nagpasalamat ako sa driver bago bumaba. Tumulong din itong magbuhat ng aking bagahe. Balak kong magstay ng dalawa o tatlong buwan dito bago ako makikipagsapalaran sa Davao City. Medyo maayos pa naman ang bahay pero luma na talaga ito. Buti na lamang at sementado ang sahig at haligi kaya matibay pa rin ang pundasyon. Binuksan ko ang pintuan na may padlock. Napangiti ako. Napakasinop talaga ng aking ina dahil pati susi ng bahay ay naitabi niya. Binigyan niya rin ako ng papel kung saan nakasulat doon ang destination papunta dito dahil baka daw maligaw ako. Gumawa ng ingay ang pagbukas ko ng pinto. Puno ng alikabok at agiw. Binuksan ko ang bintanang gawa sa capiz at sariwang hangin ang sumalubong sa akin. Malawak na taniman ang ang naaabot ng aking mga mata. May nakikita akong mga nagsasaka mula sa malayo. Bumuntong-hininga ako. Kailangan ko munang maglinis ng bahay para may matulugan ako mamayang gabi. Nag-bihis ako ng mas komportableng kasuotan bago ako nakipagbakbakan sa gawaing-bahay. I was busy scrubbing the floor nang makarinig ako ng katok sa pinto. Binitawan ko ang lampaso. Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon. "Magandang hapon, Hija." Dalawang may edad na babae ang nabungaran ko.  Ngumiti sila sa akin. I smiled at them too. "Magandang hapon naman po. Ano po kailangan nila?" Magiliw na tanong ko. "Nagtataka lang kami dahil mag nakita kaming tao dito sa bahay na matagal ng walang nakatira. Kaya naisipan naming puntahan at alamin kung sino. Kamag-anak ka ba ni Lagring?" tanong ng isang Ale. Tumango ako. "Opo. Nanay ko po siya." Tumili ang dalawa na ikinagulat ko. "Ikaw na ba si Isay? Yung maliit na bata noon? Ikaw na ba yun?" tanong ng isang ale. Bakas ang saya sa kanilang mukha. Tumango ulit ako. "Ako nga po. Uhm, sino po sila?" Alanganing sambit ko. "Ay nako! Hindi mo na siguro kami maalala! Taga-dyan lang kami Hija kalapit ng bahay na ito. Aba, magkakaibigan kami ng nanay mo noon. Masyado ka pa kasing bata noon kaya siguro hindi mo na kami maalala. Kapit-bahay lang tayo Isay." "Ako si Melba at ito naman si Yolly." Alanganin akong ngumiti sa kanila. “Nako pasensya na po kayo ha, matagal na po kasi mula nang umalis kami dito. Kumusta po kayo?" Binuksan ko ng mas malaki ang pintuan para makapasok sila. Kahit paano ay medyo pamilyar nga sa akin ang mga mukha nila. "Mabuti naman kami, Hija. Ikaw ba? Nasaan si Lagring? Ang ate mo? Ikaw lang ba mag-isang dumating?" Umupo sa lumang upuan na gawa sa kawayan sina Aling Melba at Aling Yolly. "Namatay na po ang nanay nung isang taon po. Si ate naman ay nasa Canada na rin at may asawa na." mahina kong sagot. Tumahimik sila at nagtinginan. Bumalatay ang lungkot sa kanilang mga mata. Kinuwento ko sa kanila ng pahapyaw ang napagdaan namin sa Maynila. "Kebata pa ni Lagring. Magkapiling na sila ngayon ng tatay mo. Sumalangit nawa." Nag sign of the cross si Aling Yolly. "Buti at naisipan mong umuwi dito. Wag mong pabayaan ang bahay at lupa nyo, Hija. Ito na lamang ang magsisilbing alaala ng nanay at tatay mo. Minsan nga pag may bakanteng oras kami, ay nagbubunot kami ng damo sa paligid nito para hindi pamugaran ng ahas o ng iba pang hayop. O sya, dahil sa wala kaming magawa eh tutulong kami sa paglilinis ng bahay na ito. Isang dekada na rin mula ng may tumirang tao, baka kung ikaw lang ang maglinis eh abutin ka rin ng isang dekada." bungisngis ni Aling Yolly. "Ke ganda ganda mong bata Isay. Hindi ko akalaing ang isang paslit noon ay lalaking kasing ganda mo ngayon." bulalas ni Aling Melba at pinasadahan ako ng tingin. Pinamulahan ako ng pisngi. “Salamat po.” Ang babait nila at magaan ang loob ko sa kanila. Nagpatawag ito ng isang binatilyo at inutusang pumunta sa bayan para magtawag ng isang taga water district para magkaroon ako ng tubig sa nawasa. Ganun din sa taga Davao Lights para naman mapagana ang kuryente. Pinutulan na kasi kami noon pang pag-alis namin. Pati mga asawa nila ay nakitulong din sa amin. Lahat ng lumang kasangkapan ay pinalabas ko. Pupunta ako ng bayan bukas para makabili ng bagong kagamitan. Napagdesisyunan kong umuwi dito ng lingguhan kung sakaling palarin na makapagtrabaho ako sa siyudad ng Davao. Malaki-laki rin naman ang naipon ko bukod pa sa padala ni ate sa account ko halos buwan-buwan. Gusto kong baguhin ang bahay, labas at loob at kung maaari ay papinturahan ko na rin ang dingding. Pati ang bubong ay kailangan na ring palitan. Nakakapagtakang nakatayo pa rin ang bahay sa kabila ng karupukan ng mga kahoy. Bibili din ako ng appliances na siyang pinaka kailangan ko. Bandang alas-singko ng hapon nang matapos kami. Nagbigay ako ng pera para sa merienda naming lahat. Pero hindi nila iyon tinanggap. Imbes na bumili ng pagkain sa bayan ay nagluto ng ginataang saging at camote sila Aling Melba. Sobrang busog ko. Napakarami kong nakain. Sobrang namiss ko ang mga ganito. Sa Maynila ay bihira lang ako makakain ng ganito. Hindi na siguro ako maghahapunan dahil mabigat ito sa aking tiyan. Isa-isa akong nagpasalamat sa kanila. “Naku, walang anuman iyon, Hija. Natutuwa kaming lahat dahil sa wakas may tatao na sa bahay na ito. Maligayang pagbabalik, Hija.” Ani ni Aling Melba. “Isay nalang po, Aling Melba.” Ngiti ko sa kanya. “Maligayang pagbabalik sa Sta.Cruz, Isay.” Ani nila sa akin. Hinatid ko sila sa labas nang may dumaang Hummer na sasakyan sa kalsada. Nagtaka ako. Sino ang pwedeng mag may-ari ng isang ganung kamahal na sasakyan dito sa Sta. Cruz? "Nandyan pala si Reid." sambit ni Manong Simeon, asawa ni Aling Melba. "Ay Oo nga ano. Sasakyan niya yung dumaan. Tag-ani na kasi ng maisan ngayon kaya malamang maraming gagawin yung lalakeng yun sa rancho. Ang balita ko ay may buyer din daw ng mga baka niya ang dumating galing pa ata sa Palawan kaya siguro andito siya ngayon." Sagot ni Mang Alyas na asawa naman ni Aling Yolly. "Sino po ang pinag-uusapan nyo?" Hindi ko mapigilang magtanong. "Ah, si Reid Hija. Sila ang may-ari ng Dela Silva Ranch and Farm. Doon pa yun sa pinakadulo ng mahabang kalupaan na ito. Pambihira ka, hindi kaya may amnesia ka? Hindi mo na yun matandaan? Ang alam ko kuya-kuyahan mo yun noong bata pa kayo. Kayo pa nga laging magkalaro sa ilog noon tuwing nagbabakasyon dito si Reid galing Amerika. Sabagay, paslit ka palang noon." Palatak ni Aling Melba sa akin. I frowned. Reid? Pinilig ko ang aking ulo. Wala akong matandaan na may kilalang Reid. Malabo na sa isip ko ang itsura ng batang tinutukoy nila noon. Halos wala nga akong matandaan sa kanila, yun pa kayang Reid na yun? Nagkibit-balikat ako at tuluyang kumaway sa kanila na naglalakad palayo sa aking munting tirahan.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD