REID ANTHONY DELA SILVA
Ang sumunod na tatlong araw ay naging makabuhulan sa akin. Tumutulong ako sa gawain nila Aling Melba. Gumagawa siya ng espesyal na bukayo at nilalako ng mga bata sa palengke sa bayan.
Minsan naman ay tumutulong din ako sa paghahanda ng pagkain para sa mga nagsasaka sa kanilang bukirin. Napag-alaman ko na bukod pa pala sa sariling sakahan nila, ay pumupunta rin pala sila sa Dela Silva Ranch and Farm para magtrabaho din doon.
Ayon sa kwento nila, ang pag-aaring ito ng Dela Silva ay isa sa pinagkukunan ng supply ng halos buong Mindanao. Mapakarne, bigas, mais, kopra ay halos dito nanggagaling. Kaya walang duda na ang pamilya Dela Silva ay isa sa pinakamakapagyarihan sa buong Mindanao.
"Isay, di ba nurse ka kamo sa Maynila ang sabi mo?" Isang araw na tanong sa akin ni Aling Yolly. Andito kami ulit sa bahay at tumulong sila sa paglalagay ng mga kasangkapan na inorder ko sa bayan.
"Opo, bakit nyo naitanong?" Nakita kong siniko nito si Aling Melba. Mukhang nagtutulakan ang dalawa kung sino ang sasagot sa tanong ko.
"Uhm." Tikhim ni Aling Yolly. "Eh kasi Hija, galing kami sa rancho kagabi. Nalaman namin na inatake ulit sa sakit sa puso ang donya at nangangailangan sila ng taga-pangalaga nito. Baka kako kasi gusto mo at irerekomenda ka namin. Baka naiinip ka na kasi dito. Tska maayos ang pasweldo sa mansyon kaya hindi ka lugi."
"Yun nga lang may konti tayong problema." Medyo napangiwi pang sambit ni Aling Melba. "May kagaspangan ang ugali ni Reid. Ang ibig kong sabihin, ay mabait siya sa mga tauhan niya pero pagdating sa Mama niya ay mahigpit siya. Marami na ang nag-apply noon kaso hindi nakatagal kay Reid. Maselan kasi yun lalo na pag ang kalusugan ng ina ang pinag-uusapan."
Tumango si Aling Yolly. "Tama at may chismis din na kaya napalayas ang ibang na-hire nila dahil daw kasi, nagkakagusto kay Reid. Kaya pag nakaramdam ang batang yun na may pagtingin yung nurse eh pinapatalsik na niya agad. Pero hindi ka naman siguro mahuhulog sa isang tulad niya di ba, Isay?"
Humalakhak ako. “Opo naman tsaka marami na akong nakilalang mga gwapo sa siyudad, Aling Melba, Aling Yolly. Pangkaraniwan nalang po sa akin siguro ang hitsura ng Reid na iyon. Tungkol naman po sa pagiging personal nurse ng donya, wala pong problema. Gusto ko pong subukan at wala naman sigurong masama doon." Ngiti ko sa kanila. Why not? Malawak na ang experience ko pagdating sa pag-aalaga ng pasyente at mukhang makakaya ko naman siguro ihandle ang donya. At isa pa, I was my mother’s personal nurse noong mga panahong hindi na nito kayang alagaan ang sarili. Pinilig ko ang aking ulo. Presko pa sa aking alaala ang ni Inay. Kumikirot pa rin talaga ang puso ko sa lungkot. Napailing ako nang bahagya. Ayoko munang alalahanin pa. Ibinalik ko ang aking isipan sa sinabi nila Aling Melba sa akin na trabaho.
Kung sa kay Reid naman, madali lang dedmahin ang lalake. Hindi naman madaling mahulog ang loob ko sa isang gwapong lalake. Ang tanong, gwapo nga ba ang Reid na ito? Isang lalake pa lamang ang sumakop ng buong atensyon ko sa tanang buhay ko. Masama man magkompara, but Richard doesn’t even stand a chance. Isang lalake lang talaga mula sa kahapon.
Kumuha ako ng basahan para punasan ang mga bagong bili kong gamit na nakapwesto na. Salamat at naiayos na rin lahat at nagmukha na talagang bahay. Mayroon na rin akong linya ng tubig at kuryente at hindi na ako magtatyaga sa lampara tuwing gabi.
"Sige Isay at sasabihin namin kay Reid bukas pagpunta namin sa mansyon." Ginagap ni Aling Yolly ang aking palad at tuwang tuwa.
"O sya kami ay magpapaalam na at dumidilim na rin." Tumayo na silang dalawa at hinatid ko hanggang pinto. Hindi ko na ata mabilang kung ilang beses akong nagpasalamat sa kanila mula nang dumating ako dito sa Sta. Cruz.
Pagkaalis nila ay dumungaw ako sa bintana. Tiningala ko ang kalangitang puno ng nagkikislapang mga bituin.
I sighed. It's been six years.
Six years and yet, I still couldn’t get him out of my mind. There were nights that I dreamt of him. It's always so dark. And all I could see was his handsome face whenever the lightning appeared from nowhere. The face that haunted me for the last six years. Ano bang mayroon sa lalakeng yun at hindi ko siya malimut-limot?
Whenever Richard started to kiss me, it was always Anthony's face that I saw. It's his kiss that I felt. It's his arms that embraced me. Pilitin ko man ang sarili kong tumugon at magpatangay sa mga advances ni Richard ay hindi ko pa rin kayang iwaklit si Anthony sa isipan ko.
I think I betrayed him subconsciously. I was being unfair to Richard. Ramdam ko naman na mahal niya ako, it's just that I know myself better. I know that I can't give back the love he wants me to give. And never will be. Because deep inside, may isang tao ang pumipigil sa akin.
I promised to myself that my body was for Anthony only. Pero hindi ko alam ay kung may tsansa bang magkrus pa ang aming landas. Makikilala niya kaya ako? Kasi ako, sigurado akong makikilala ko siya.
Nakatingin ka kaya sa mga tala ngayon Anthony? Pareho lang kayang butuin ang tinitignan natin?
My feelings for him have grown as the year passed by. It's not infatuation anymore. This is love. And this is the craziest feeling a person could feel. How did a girl fall in love with a man she does not even know and just met him once, in the most awkward moment? Silly, right?
But loving him was also the most honest feeling I've ever felt. This is love, after all.
Kinabukasan ay naggagayak ako ng lulutuin. Naisipan kong magluto ng pakbet dahil marami-rami rin ang gulay na bigay sa akin ng aking iba pang kalapit-bahay.
Hindi ako marunong magpaningas ng apoy na gamit lamang ang kahoy kaya bumili na rin ako ng stove at eso. May alamang din akong sangkap na binili ko kahapon sa palengke sa bayan.
"Isay!!!!!"
Susme muntik ko ng mahiwa ang daliri ko dahil sa gulat. Kailangan talagang tumili Aling Yolly?
Pinagbuksan ko ito ng pinto at tagaktak pa ang pawis nito. "Ano pong nagyari sa inyo? May sunog po ba o hinahabol kayo ng rapist at kung makatili kayo ay wagas?" Natatawa kong sabi.
Marahan niya akong hinampas at umirap. "Lokong bata. Gumayak ka, dadalhin kita sa rancho, now na!" Sabi nito.
"Teka nga po. Bakit? Anong gagawin ko po doon?" Nagtatakang tanong ko.
"Gusto kang makilala ng Donya. Nakausap na namin siya at interesado siya sa'yo. Gusto ka niyang interbyuhin. Wala si Reid at lumuwas. Kaya si Donya Elizabeth ang kakausap sa'yo. Dali na ineng. Bihis ka na. Dalhin mo mga dapat mong dalhin." Nahihingal pang sabi nito. Inabutan ko ito ng baso na may tubig at baka himatayin na si Aling Yolly dahil sa pagkahapo.
"Eh. Ngayon na po ba talaga?"
"Ay Oo ngayon na! Sabi nga dun sa TV, now na!" Bulyaw pa nito.
"Eto na po magbibihis na." Umiiling-iling na natatawa na lamang ako. Nakalagay naman lahat na sa isang folder ang lahat ng credentials at documents na kailangan sa pag-aapply ng trabaho. May resume na rin akong nakahanda na.
Isang puting bestida ang napili kong suotin na hanggang tuhod ang haba. Nag aaply ako ng bahagyang make-up at plain black strap sandals na two inches ang aking suot sa paa.
Paglabas namin sa bahay ay may naghihintay ng tricycle sa gilid ng kalsada. Sumakay kami ni Aling Yolly doon. Habang umaandar at palayo sa bahay ay hindi ko mapigilang mamangha sa paligid. Maraming baka at kalabaw kaming nadadaanan sa malawak na talampas. Sumunod naman ay ang maisan at tingin ko ay nagkulay ginto ang paligid. May dinaanan din kaming niyugan at ang panghuli ay ang malawak na hardin bago huminto ang tricycle.
Literal na nalaglag ang panga ko. Nasa paraiso ba ako at ang mansyon na nakikita ko ay ang kaharian? Hindi ito masasabing kalakihan pero ang pinaghalong puti at abo na kulay nito ay sadyang kay sarap sa mata. Walang gate ang mansyon at tanging mga pananim na nakapalibot dito ang nagsisilbing bakod mula sa daan.
"Ang ganda noh. Halika ka na. Hinihintay tayo ng Donya."
Hindi ako makapagsalita at hinayaan na lamang ang sariling magpahila kay Aling Yolly.
Kung ano ang ikinaganda sa labas ay mas lalong doble sa loob. Pinaghalong luma at makabago ang mga kasangkapan dito. Nakakalula ang ganda at ang mga kasangkapan ay sumisigaw ng karangyaan.
Isang babae na nakaupo sa wheelchair na nakatalikod ang naabutan ko sa veranda. Ako na lamang kasi mag-isa ang pumasok dahil si Aling Yolly ay bumalik na sa kanyang trabaho.
"Senyora andito na po ang bisitang hinihintay nyo." Sabi ng katulong na sumalubong sa amin kanina.
Kumilos ito paharap sa akin. Isang maaliwalas at magandang mukha ang nasilayan ko.
"Magandang tangahali Hija. Ako si Elizabeth." Ngumiti siya sa akin. Naglahad ito ng palad at kumilos ako para abutin iyon.
"Magandang tanghali po Senyora. Ako naman po si Ysabel pero maaari nyo po akong tawagin sa palayaw ko. Isay na lang po." Ngiti ko rin pabalik. Tingnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos ay tumutok sa mukha ko.
"Dahil diyan ay tawagin mo na lamang akong Auntie." She said. Isang tingin ko pa lamang sa kanya ay batid ko na ang kanyang kabaitan. Mukhang magkakasundo kami. Hawak-hawak niya pa rin ang aking palad.
"Mama nakasalubong ko si Aling Yolly sa labas. May nag-aaply nga ba?"
Isang boses ng lalake ang biglang nagsalita sa likuran ko. Biglang nanindig ang balahibo ko. Dahil ba sa lalim at lamig ng boses nito? O dahil ito ay pamilyar sa akin?
Gumalaw ang ulo ng Ginang para silipin ang taong nakatayo sa aking likuran. "Hijo mabuti at napaaga ang uwi mo. Halika at ipapakilala kita. Isay, siya ang aking nag-iisang anak. Si Reid Anthony dela Silva. Anak, siya naman si Isay. Tanggap ko na siya bilang personal nurse ko." Wika ng Ginang sa malumanay na tinig.
Gusto ko mang magtaka kung paano ako agad-agad na natanggap ay binalewala ko iyon. Dahil mas nagkainteres ako sa pangalang binnggit niya. Anthony?
Kumilos ako paharap sa lalake. Nakahanda na ang maganda kong ngiti sa kanya but when the moment our eyes met, my heart skipped a beat. My jaw dropped on the floor and my knees suddenly shook. Malakas na singhap ang aking pinakawalan.
This can't be!
"Anthony?" I whispered like an air.
His piercing, arrogant eyes darted on me. Tumalim ang tingin nito at nagtangis ang bagang. Then a sexy, formidable grin formed on his natural red lips.
"Nice to meet you Ysabel...." He breathed and spoke my name like he meant danger.
I know. Danger is coming on my way. It's payback time.