KEVIN POV
"Teka lang mga brad," nilabas kong bigla ang cellphone ko.
"Naks! Mukhang nahimasmasan ka rin ah? Ano yan tatawagan mo na ba si Jane at manghihingi ka ng sorry sa kanya?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Carlo, "Ha? Anong pinagsasabi mo, ite text ko ang girlfriend ko at sasabihin ko sa kanya na break na kaming dalawa."
Nag tinginan ang dalawang mokong sa narinig nila sa akin.
"Ha? Gago ka talaga Kevin! Dapat sa personal ka nakikipag break at hindi sa text."
"Gago, syempre sa text lang kami nagkakilala, sa text ko rin siya niligawan kaya sa text ko rin siya ibe break Carlo! Ganito naman talaga ang mundo ngayon."
"Kita mo na? Halatang rebound lang ang babaeng yan sa relasyon ninyong dalawa ni Jane."
Ngumisi lang ako at sa text message, nakipag break na ako kaagad sa girlfriend ko.
"Break na tayo hindi kita mahal kasi panget ka!" ang sabi ko sa text sabay block ng number niya upang hindi na niya ako magawang kulitin pa.
"Na send mo na?" tanong ni Jared ng makita niya akong napangisi ulit.
"Wala nang problema! Single na ulit ako," sambi ko sa kanya pagkatapos kong ilagay ang cellphone ko sa bulsa.
Iniangat ko ang bote ko, "Cheers! Lahat tayo ngayon rito ay single na!" pag pupunyagi ko pa, "Pero bukas taken na ulit ako!" dagdag ko pa.
Sa aming tatlong magto tropa, ako naman talaga ang pinaka hyper at makulit. Sagot ng mga kaibigan ko ang beer at pulutan, pero ang sagot ko naman ay ang kasiyahan at tawanan. Kaya kahit tulog ako sa bahay, niyayaya talaga ako ng dalawang ito para lamang mayroon silang kainuman.
Lumalim ng lumalim ang usapan naming tatlo hanggang sa lumalim na rin ng lumalim ang gabi. Malakas na rin ang tama ng alak sa akin. Napatingin ako sa orasan ko 10 pm na, siguro naman ay umuwi na si Jane sa kanyang bahay.
Napatayo akong bigla.
"Oh teka lang saan ka pupunta?" tanong ni Carlo.
"Saan pa eh di sa bahay ni Jane! Gusto kong makipag balikan sa kanya dahil mahal ko naman talaga siya. Sadyang tanga lang din ako kasi ipinag palit ko siya sa iba ng may mababaw na dahilan," sagot ko sa kanya, napatakip pa nga ako ng bibig dahil hindi ko inaasahan na magiging madaldal ako.
"Di ba sabi ko sayo alak lang ang katapat niyan eh! Gusto mo samahan ka na namin?" tanong pa ni Jared.
Hindi ko siya pinansin, bagkus ay naglakad lamang ako kahit na pagewang gewang na ako sa daan. Maya maya pa, bigla na lamang akong inakay nila Jared at Carlo.
"Pare, iuuwi ka na namin sa bahay mo. Wag kang haharap kay Jane ng lasing, baka isipin niya kaya ka lang nakikipag balikan sa kanya ay dahil lasing ka."
"Ano ka ba Jared, sa tingin mo ba sa tatlong taon naming relasyon ni Jane ay hindi pa namin kilala ang isa't isa? Alam nama siguro niya na kapag lasing ako, doon ako nagiging totoong tao. Kaya kung hindi niyo ako sasamahan sa bahay ni Jane, umuwi na lang kayong dalawa. Ako lang naman ang kailangan ng syota ko eh."
"Dibdiban kita jan Kevin eh! Sana pala noong nakaraang araw ka pa namin niyayang mag inom para mas mabilis kang matauhan," sambit ni Jared.
"Eh ikaw eh! Alam mo naman na wala akong ginagawa sa bahay tapos minsan niyo lang akong tawagin. Kaya nga minsan nagtatampo ako sa inyo eh."
"Sorry na brad, busy rin kasi kaming dalawa ni Jared at alam mo naman siguro na hindi na tayo mga teenagers dito. Pero seryoso ang tanong ko sayo Kevin, wala itong halong biro at wag ka sanang magagalit kahit na magtropa tayong dalawa, wala ka bang plano na lagyan ng direction ang buhay mo? I mean, sa ating tatlo kasi, ikaw lang ang tambay."
"Bakit suma sideline naman ako ha? At tsaka high school lang naman ang natapos ko kaya hindi ako makakahanap ng disenteng trabaho kagaya ninyong dalawa. Sino ba ang gugustuhing maka trabaho ako? Wala naman eh! Kaya maswerte na ako kung may opening ng construction sa susunod na araw doon pinapasukan ko dati. Kaya pag nagkataon, magiging busy na rin ako kagaya ninyong dalawa."
Masakit sa akin ang sinabi ni Jared, mahirap lang naman kasi kami at masasabi ko na naging hadlang talaga ang kahirapan para makapag tapos ako. Kaya kapag nakakakita ako ng mga college students na nakasuot ng uniforms, hindi ko talaga maiwasan na magkaroon ng inggit sa kanila.
Lalo na kay Jared at Carlo na parehas graduate ng two years course. Ako naman, nananatiling stupido. Sa aming tatlo, ako ang pinaka gwapo pero pagdating sa buhay, ako talaga ang literal na pinaka kolelat.
"Wala naman sigurong aso sa bahay nila diba? Buto't balat pa naman itong si Jared, baka mamaya habulin pa yan ng aso eh."
"Gago ka talaga Carlo! Hindi naman ako takot sa aso, baka nakakalimutan mong may pet shop kami at sanay na sanay akong humawak ng aso kahit na yung may galis."
"Wag na nga kayong magtalong dalawa jan! Wala namang aso sa bahay ni Jane, ilang beses na akong nakapunta doon. Hindi naman sila mahilig mag alaga ng aso kaya wag kayong matakot. Kung gusto ninyo, pagkarating natin doon, pwede na kayong umuwi kaagad eh."
"Wag ka ngang ganyan Kevin... syempre lasing ka at hindi ka namin pwedeng iwan kasi baka gumapang ka papauwi sa inyo. Tapos kinabukasan, sugurin na naman kami ng mama mo at sabihin niya na pinabayaan ka na naman namin."
"Oo nga!" pag sang ayon ni Carl, "Medoy magpagka masungit pa naman ang nanay mo pare. Baka kaming dalawa ni Jared ang malintikan. At tsaka kilala naman kami ni Jane kaya hindi naman siguro ma a awkward yung tao kapag nakita niya kami na kasama ka. Baka nga papasukin pa niya tayo sa loob ng bahay nila kapag nakita niya tayo eh."
"Ah ganun? So gusto ninyo na wag kaming bigyan ng privacy ni Jane?"
"Para saan pa ang privacy na sinasabi mo brad? Eh sasabihin mo rin naman sa amin ang kwento niyan kapag nagsama sama tayong tatlo ulit."