8

1004 Words
JANE POV Pabilis siya ng pabilis at literal na nilalaspag niya ako. Pinipilit kong kumawala subalit masyadong madiin ang halik niya sa akin, dahilan para wala akong maisigaw. Hinang hina ako at ilang saglit lamang ang nakalipas, naramdaman ko na lang na parang dumura ang p*********i niya sa loob ko at pahina ng pahina ang pagbayo niya sa akin. Nilapag niya ako ng maayos ulit sa kama at sobrang sakit pa ng buo kong katawan. Ipinikit ko pa nga ang aking mga mata dahil sa hinang hina ako. ----------------------------------------- ---------------------------------------- KEVIN POV Bakit ganun? Naiinis ako sa sarili ko, ang buong akala ko pa naman ay nakalimot na ako kay Jane. Na mabilis akong nakapag move on sa relasyon naming dalawa na umabot ng tatlong taon. Ang akala ko ay madali lang maghanap ng ibang babae subalit bakit parang nako konsensya ako kanina? Akbay ko man ang girlfriend ko kanina na intensyon kong gawin para pag selosin si Jane, pero hindi naman ito magawang tumalab. Ang sakit lang isipin na ang ginawa ko ay karma ko lang pala sa sarili ko. Ngayon, kasama ko ang dalawa kong tropa na nakita ko sa kanto pagkatapos kong ihatid ang girlfriend ko. At dahil sa nagkita kita kaming tatlo, automatic na mayroong inumang magaganap. But this time, si Jared muna ang taya at Carlo. Parehas kasi silang may trabaho samantalang ako, tamang tambay lang at pa raket raket sa buhay. Walang direction ang buhay at hindi ko alam kung may pag asa pa akong magbago. "Brad, ano ang pangalan ng bago mong chicks?" tanong ni Carlo. "Tifanny," mabilis kong sagot. "At hindi naman sa pagmamayabang pero mabilis ko lang na napasagot si Tifanny. Sa katunayan nga, isang araw lang tapos kinabukasan, kami na kaagad. Ganyan ako kalupit sa babae." "Sayang naman si Jane pare! Alam mo naman na crush yun ng mga kalalakihan dito sa lugar natin. Ilang beses pa nga siyang naging muse at nananalo sa pageant. Sigurado ako na maraming mga lalaki ang magkakandarapa na manligaw sa kanya ngayon kasi pinakawalan mo siya." "Wala namang problema sa akin yun! Naalala mo ba na ako pa nga ang nakipag break sa kanya? Kasi nagsawa na rin ako sa kanya. Kaya wala namang kaso sa akin kung mag syota siya ng ibang lalaki pero sa inyong dalawa, kapag nalaman ko na pinopormahan ninyo siya, ibang usapan na yan!" "Ano ka ba? Anong tingin mo sa amin mga aso na pinasahan mo ng buto? Oo maganda naman si Jane pero hindi siya ang type kong babae." "Jared, kilala kita, kahit naman pangit na babae pinapatos mo basta alam mo na may gusto sayo." "Kevin, siyempre babae na ang lumalapit sa akin. Ano bang magagawa ko kung ako ang pinaka gwapo sa ating tatlong magtotropa. Pero seryoso ako, wala tayong talo talo! Hindi tayo dapat nanliligaw kapag ex ng kaibigan natin. Eh yung break up niyo ngang dalawa, halos kalat na kalat na dito sa lugar natin. Ikaw ba naman, taong cctv ang mga kapitbahay mo, sigurado ako na alam na alam nila ang buhay mo kahit ayaw mong sabihin. Ang sabi nga ng isang chismosa kanina, ang bilis mo raw ipagpalit si Jane. Para ka lang daw nagpalit ng damit." "Alam mo Jared, wala naman akong pakialam sa sinasabi sa akin ng ibang tao eh. Hindi ko na rin naman problema kung may girlfriend akong bago samantalang si Jane, halatang bitter pa rin," sambit ko kahit na sa totoo lang, nahihirapan din akong tanggapin ang katotohanan. Masakit lang para sa akin ang ginawa ko kanina pero dahil sa ma pride akong tao, mas pinili ko na ibida ang sarili ko sa mga kaibigan ko. "Normal lang naman siguro sa kanya na maging bitter," pagtatanggol ni Carlo. "Sa relasyon kasi, ipaglalaban talaga ng babae ang lalaki pero kapag napagod na sila, hindi ka na nila mahal. Based on experience yan, tatlong taon pa naman ang relasyon ninyong dalawa. Sa tingin mo ba ay mabilis kang makakalimutan ng tao lalo na kapag nasanay siya na palagi kang nasa tabi niya?" "Oo na!" sambit ko, "Pero dapat lang din siguro na masanay na siya na makita ako na may kasamang ibang babae. Pwede naman siyang umiwas at lumipat ng ibang lugar kung gusto niya." "Pare bakit wala kang puso para kay Jane? Tuloy, ikaw ang nagmumukhang bitter sa relasyon ninyong dalawa. Di ba mayroon sakit ang papa niya?" "Oo, may lupus ang papa niya at ilang araw na ring nasa hospital. Naawa na nga ako sa kanya eh." "Kita mo na? Sa papa niya naawa ka pero sa kanya hindi? Broken na nga siya sa papa niya tapos sinasadya mo pa yata siyang saktan. Wag ganun brad, may kapatid ka ring babae di ba? Mga gago tayong lalaki pero kapag nakipa relasyon tayo, dapat hindi tayo bitter kapag nakipag break. Irespeto natin ang feelings ng ex natin lalo na't sa loob ng tatlong taon ninyong relasyon, naging masaya ka naman sa kanya. Madalas kayong mag date, marami kayong mga napuntahang lugar. Naalala mo pa ba dati noong pageant niya? Di ba nga todo suporta ka pa sa kanya tapos hinahatak mo kaming dalawa ni Jared para manood at may taga cheers. Tapos pag uwi natin, pare parehas tayong mga paos. Marami ka pang ibang memories sa kanya na sigurado kaming kayong dalawa lang ni Jane ang nakaka alam. Kaya sana, wag kang maging ganyan. Kung ako sayo, mas maigi pa na ikaw na ang umiwas sa tao." Halos matahimik ako sa sinabi sa akin ni Carlo, tama nga siya, marami kaming napag samahan ni Jane at kung babalikan ko ang mga alaala naming dalawa, masasabi ko na naging masaya ako sa piling niya. "Ano brad? Parang may na realize ka yata ah?" sambit ulit ni Carlo. Nginisian ko siya, "Tama ka nga sa sinabi mo sa akin, parang feeling ko tuloy nagpapadalos dalos ako sa sitwasyon." "So anong balak mo?" tanong ni Carlo. "Ano pa eh di aayusin ang relasyon nila ni Jane, tinatanong pa ba yan?" pag singit ni Jared.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD