JANE POV
Inubos niyang bigla ang wine at para bang nasasarapan ito base sa expression ng kanyang mukha. Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Kung ano yung mga weird na pagkain na hindi masasarap para sa amin, ay siyang masasarap para sa kanila?
"Ubusin mo ang wine para mawala ang kaba mo sa akin," pag uutos niya.
Napatingin ako sa baso ko at walang pag aalinlangan ko itong ininom sa kanyang harapan kahit na gusto ko itong iduwal.
Nang maubos na ang wine sa baso ko, lumapit siya at muli itong nilagyan.
"Siya nga pala Jane, kamusta ang papa mo?" tanong niya, pero wala itong emosyon sa mukha.
"Nasa hospital pa rin... hanggang ngayon, wala pa rin kaming makita na kidney donor para sa kanya."
Tiningnan niya ako ng seryoso sa mukha, "May boyfriend ka na ba?"
"Wala po. No boyfriend since birth ako," mabilis kong sagot sa kanya.
Lumapit siya akin at halos magkalapit na ang aming mga mukha. Ramdam na ramdam ko ang kanyang mainit na hininga.
"I would like to join you in the bath. Ubusin mo ulit ang wine at sabay tayong maliligong dalawa."
Napangisi lang ako, nakipag cheers siya sa akin at sabay kaming dalawang uminom hanggang sa maubos parehas ang mga baso namin. Hindi nagbago ang lasa ng wine, mapait pa rin ito at gusto kong iduwal.
Kinuha niya ang baso ko at nilapag ito sa table katabi ng baso niya. Tinanggal niya ang twalya na nakatapis sa kanya at tsaka siya tumabi sa akin. I did not bother na tumingin sa kanyang buong katawan, diretso lamang ang tingin ko habang naka sawsaw ang kalahati ng katawan ko sa tubig.
Naramdaman ko na lamang ang kanyang kamay sa balikat ko kaya napalingon ako sa kanya dahil sa pagkagulat. Ngumiti siya sa akin at tsaka niya ako hinalikan sa noo.
"Atin ang gabing ito," bulong niya sa tenga ko, punong puno ng pananabik ang boses niya.
Binigyan ko ulit siya ng tipid na ngiti.
"Wag kang kabahan, magiging gentle naman ako sayo," bulong niya ulit. "Anyway, my name is Charles and I am already forty years old married. Ako ang nakahanap sayo online and to think na nagpunta ka rito, it only means you trusted me."
Subalit kabaliktaran naman nito ang nararamdaman ko. The more na naririnig ko ang boses niya, mas lalong kumakabog ang dibdib ko sa kaba. At ngayon na nakilala ko na siya, nawala na ang ilang katanungan sa aking isipan.
Napakagat ako sa labi ko ng halik halikan niya ako sa aking pisngi. May halo itong pang gigigil at lalong humihigpit ang paghawak ng kamay niya sa balikat ko. Pumikit ako, kailangan ipakita ko sa kanya na interesado akong gawin ito kaya inisip ko na lamang na para ito sa pamilya ko.
Hinawakan niya ang baba ko at nilingon nito ako sa kanya. Sa sobrang lapit naming dalawa, halos magkadikit na ang aming mga ilong. At walang sali salita, sinunggaban niya ako ng isang halik.
Nanlaki ang mga mata ko sa tindi ng pagkagulat ko. Ikinuyom ko ang dalawa kong kamay, hindi ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Hindi ako gumanti ng halik sa kanya, bagkus ay hinayaan ko lamang siya na pagsawaan ang bibig ko.
Ang gentle niyang humalik. It was as if mayroon akong kakaibang naramdaman. Kumakabog ang puso ko na para bang nananabik ito sa ganitong klase ng eksena. Nag init siya at tuluyan na akong pinaliguan ng halik sa aking pisngi at leeg.
Nag init siyang bigla at dinala na niya ako sa kwarto kung saan namin itinuloy kung ano man ang ginagawa namin.
Kinabuksan, nagising ako ng taaman ang mga mata ko ng sikat ng araw. Pagod na pagod ako at tanging mga mata ko lamang ang kaya kong igalaw dahil wala pa akong masyadong lakas. Ilang saglit lang, nakarinig ako ng yapak ng paa at papalakas ito ng papalakas.
Nang magbukas ang pintuan, sinalubong ako ng ngiti ni Charles. May dala siyang tray ng pagkain na inilapag nito sa lamesa.
"Good morning Jane," masigla niyang pagbati pagkatapos niyang maupo sa kama.
"Good morning," inipon ko muna ang lakas ko bago ako sumandal sa kama. Tsaka ko lamang napansin na wala pa rin akong saplot sa katawan at maraming tag iisang libog na naka kalat sa kama.
"Kagaya ng napag kasunduan nating dalawa, sinagot ko na ang hospital bills ng papa mo at naghahanap na rin ako ng tao na pwedeng mag benta ng kidney para sa kanya."
Mas lalo akong nabuhayan ng dugo sa narinig ko sa kanya. Para sa akin, sobrang worth it ng pag bibigay ko ng virginity ko sa kanya dahil may pag asa nang mabuhay.
"Thank you Mr. Charles," sambit ko. Napatingin ako ulit sa mga perang naka kalat sa kama subalit sa tingin ko ay wala pa itong isang milyon.
"Good, pwede ka nang kumain. Pagkatapos ay kuhain mo lahat ng pera na nakalagay sa kama. Extra pay ko yan dahil sobra mo akong nasatisfied kagabi. Kapag ready ka na, nasa baba ang driver at pwede ka nang bumalik ulit sa hospital."
Hinalikan muna niya ako sa noo pagkatapos ay tumayo siya. Palabas na siya ng pinto, kailangan ko siyang kausapin tungkol sa perang kasunduan naming dalawa.
"Saglit lang Mr. Charles, ang akala ko po ba ay million ang halaga ng kontrata nating dalawa?"
Lumingon siya ng may seryosong mukha, "Tsaka ko na ibibigay sayo ang kabuuan ng sahod mo kapag nabuntis na kita. Sorry, pero sigurista lang kasi akong tao."
Umalis na siya at napayuko na lamang ako, ang akala ko noong una ay instant money ang pagpasok sa ganitong klase ng trabaho subalit nagkamali ako. Sana ay makabuo kami kaagad para maoperahan na ang papa ko bago pa mahuli ang lahat.
Kumain ako at pagkatapos ay pinulot ko ang pera na naka kalat sa kama. 20 thousand lang itong lahat, kulang na kulang pa sa pambili ng maintenance ni papa. Nang bumaba ako, hindi ko na nakita si Mr. Charles.
At ang sinabi pa sa akin ng driver, umalis raw ito kaagad at tawagan ko ito after two weeks para masigurado na may nabuo kaming dalawa.