Chapter 6

1147 Words
REESE' POV Sabado ngayon at natapos na ang isang linggo kong klase sa YGA. Hindi ko masabing mapayapa o kung ligtas pa ba ako sa kalagayan ko ngayon dahil palagi ko na lang napapansin na nakatitig sa akin si Sky. Nakakatakot siyang tumitig dahil parang may ipinapahiwatig siya doon. Maging si Ryu at ang iba ko pang mga kaklase ay napapansin na ang madalas na pagtitig niya sa akin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa akin na gusto niya ako. Napakahirap paniwalaan nun lalo pa't bago pa lang ako sa YGA at sigurado akong marami pang mas magagandang babae ang nagkakagusto sa kanya. Ang isang almost perfect at ang tahimik na si Sky ay magugustuhan ang isang katulad ko? Baka sinabi niya lang iyon para magkalapit kami at magawa niya ulit ang ginawa niya sa akin noon. Idagdag pa ang pagtatangka niya sa buhay ni Ryu. Kahit biro lang iyon ay hindi pa rin maganda ang ginawa niya. Napakamisteryoso ni Sky, hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o kung tunay ba ang ipinapakita niya sa akin o hindi. Tahimik lang siya at halos wala man lang na kinakausap na mga kaklase namin. Maraming nakikipagkaibigan sa kanya pero siya ay wala lang pakialam doon at dinededma lang sila. Parang ako nga lang yata ang kinakausap nun. Kasama ko si Ryu sa living room ng bahay namin habang nanonood kami ng Jackie Chan Movie Marathon. Noong mga bata pa lang kami ay mahilig na kaming manood nito. When it comes to action movies at lalo na kay Jackie Chan pa na idol naming pareho ay nagkakasundo kami ni Ryu. "Kare ga shinu yō ni shi nasai. Baka!" [Let him die. Idiot!] Nanggigigil na sabi ni Ryu habang nanonood kami sa part na tatalon na sa building ang kalaban ni Jackie Chan. Natawa na lang ako. Nagni-nihonggo language na naman ang bestfriend ko kapag naiinis na siya. "Relax Ryu, kalma lang. Baka maaga kang madeads niyan!" Natatawa kong sabi habang nakafocus pa rin siya sa pinapanood namin. Nagpout lang siya at inis na tumingin sa akin. "Arigatō, watashi wa anata o aishiteimasu." [Pasalamat ka at mahal kita.] Sabi niya nang halos pabulong saka ito tumingin ulit sa pinapanood namin. "Ha? Anong sabi mo?" Anong sinasabi niya? Hindi ko naman maintindihan ang sinabi niya. "Tsk. Wala!" Sabi niya at nagpahalumbaba na lang na nanood. Hindi ko na lang siya pinansin at nanood na lang ulit. Ang weird talaga ni Ryu kahit kailan. Magsasalita ng Japanese na hindi ko naman maintindihan. Baka mamaya ay minumura na pala ako nito, e. Nang matapos na kaming magmovie marathon ni Ryu ay humiga ako sa mga hita niya habang siya naman ay hinahaplos ang buhok ko. I feel secure and safe kapag kasama ko ang bestfriend ko. Siya lang kasi ang nag-iisang kaibigan ko na masasabi kong totoo at laging nandiyan para sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko siya magustuhan as a lover dahil ubod naman siya ng sobrang bait pero hanggang brother-sister lang talaga ang turingan namin sa isa't-isa. Hindi rin naman niya sinasabi sa akin na gusto niya ako kaya baka ganon lang rin ang turing niya sa akin. "Ahm.. Ryu," Napatingin siya sa akin at nginitian ako. "Ano 'yon, Reese?" "Kapag nagkaboyfriend ba ako, papayag ka?" Tila natigilan siya sa tanong ko at umiwas ito ng tingin sa akin. Umupo naman ako mula sa pagkakahiga ko sa mga hita niya at hinarap siya. "Ryu.." Sabi ko. He faced me pero nagulat ako sa naging ekspresyon ng mukha niya. Nakatiim-bagang na siya at nakakunot ang noo. "Sa tingin mo ba ay papayag ako? Siyempre, hindi. Maraming mga manlolokong lalake diyan at sasaktan ka lang kaya ayokong magkaboyfriend ka. Bakit, may nagugustuhan ka na bang iba?" May bahid ng pagkainis na sabi niya sa akin at sumama pa lalo ang tingin. "Wala. Tinatanong ko lang naman." I heard him cussed kahit mahina lang. Napataas naman ako ng kilay. "Bakit nagmumura ka diyan?" He suddenly held my hand. "Kung gusto mo lang rin naman magkaboyfriend. Bakit hindi na lang ako?" Napaawang naman ang bibig ko dahil sa sinabi niya. S-Si Ryu ba talaga ang nagsabi nun? I sighed. "Ryu, magbestfriend tayo 'di ba? And bestfriends are bestfriends forever at wala nang magbabago doon." Hindi naman siya nakapagsalita sa sinabi ko at binitawan na ang kamay ko. Nakita ko na naglalakad papasok dito sa loob ng bahay ang mga kuya kong sina Kuya Red at Kuya Reevo na mukhang kakauwi lang nila galing sa mga trabaho nila. Naka suit attire pa rin kasi si Kuya Red at si Kuya Reevo naman ay naka white shirt at pants na lang. Xyred Santillan is my second brother. 22 years old na ito at nagtatrabaho sa kompanya ng pamilya namin. Demitreevo Santillan is our eldest brother. 27 years old na siya at isa nang Doctor. My brothers are really handsome and nice too at hindi na maipagkakaila iyon. Si Kuya Red ay tahimik lang habang si Kuya Reevo naman ay palaging nakangiti at magiliw. When I saw them coming ay lumapit ako sa kanila at nagbeso. "Welcome, my kuyas! I miss you both!" Sabi ko habang nakangiti. Kuya Red smiled at me habang si Kuya Reevo naman ay pininch ng mahina ang pisngi ko. "We missed you too, baby girl. May iba ka pa bang kas-" Napahinto naman si Kuya Reevo sa pagsasalita nang makita niya si Ryu na busy na sa paggamit cellphone niya. Ganyan si Ryu, alam niya kasing hindi siya gusto ng mga kuya ko kaya hindi na lang rin siya namamansin sa kanila. "Oh? May kasama ka pa lang mapagpanggap at sinungaling. Makaalis na nga at baka masuffocate pa ako sa hangin dito sa paligid." Sarkastikong sabi ni Kuya Red saka na ito nagmadaling umalis. Umiling lang si Kuya Reevo doon at bumaling naman sa akin. "I'll go ahead. I need to take some rest. See you later na lang, baby girl." Kuya Reevo smiled. Ngumiti na lang rin ako pagkatapos nun ay umalis na siya at hindi pinansin si Ryu. Nang makaalis na ang mga kuya ko ay nilapitan ko si Ryu na nakasimangot at nakatiim ang bagang. "Ryu, I'm sorry dahil sa inasal ng mga kuya ko sa'yo." I apologized. Tumango lang siya doon. "Okay lang. Sanay na ako. Alam ko namang ayaw nila sa akin dahil iniisip nila na inaagaw ko ang atensyon na dapat ay ibinibigay mo sa kanila." Hindi ko alam kung dahil nga ba doon kung bakit ayaw ng mga kuya ko kay Ryu. Hindi rin naman nila sinasabi sa akin ang dahilan kahit ilang beses ko na silang kinukulit doon. "Sorry talaga." Paumanhin ko na lang. Ngumiti lang si Ryu hanggang sa bumaba ang tingin niya at napatitig siya sa labi ko. And I didn't expect what he did next. He kissed me. My bestfriend kiss me on my lips!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD