Chapter 7

1209 Words
REESE' POV And I didn't expect what he did next. He kissed me. My bestfriend kiss me on my lips! Halos hindi ako makapagsalita dahil sa ginawa niya. Mulat na mulat ang mga mata ko dahil sa pagkabigla. B-bakit niya ako hinalikan? I didn't response on his kisses at nang matauhan ako ay itinulak ko siya na ikinabigla niya. "W-Why did you k-kissed me?" Nauutal kong tanong. Umiwas naman siya ng tingin sa akin. "Sorry. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko." he said and combs his hair. Napatawa ako ng pagak sa sinabi niya. "Hindi mo napigilan ang sarili mo? Ryusuke, we're bestfriends! and bestfriends don't kissed each other! Alam mo naman na bestfriend lang ang turing ko sa'yo 'di ba?" I said. Biglang natigilan si Ryu sa sinabi ko at tumayo ito saka pumalakpak. What the? "Bestfriend? Oh yeah, a bestfriend only. Bestfriend lang ba talaga tayo, Reese? We've been together for almost 13 years tapos hanggang ngayon ay bestfriend pa rin ang tingin mo sa akin?" Mapait niyang sabi. Ako naman ang natahimik sa sinabi niya. "What do you mean?" Sumeryoso ang mukha ni Ryu saka ito lumapit sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Reese, mahal kita. Matagal na kitang mahal. Mga bata pa lang tayo ay alam kong ikaw na ang gusto ko. Pero dahil wala ka namang nararamdaman para sa akin ay nanatili na lang akong bestfriend mo kahit hindi ko gusto ang ideya na 'yon. Mahal na mahal kita..." pag-amin niya. Hindi ako makapagsalita dahil sa pagkabigla. Mahal ako ni Ryu? Si Ryu na bestfriend ko? Umiling ako at yumuko. "Nagbibiro ka lang," Hinawakan niya ang baba ko at inangat ito para tignan ko siya. He looks so serious. "Hindi ako nagbibiro. I want to be your man, Reese. Ayokong magkaboyfriend ka dahil gusto ko na ako ang maging first boyfriend mo. Hindi ba mas mabuti na ako na lang ang makatuluyan mo kaysa sa ibang lalake diyan na hindi mo naman lubusang kilala? I can give anything that you want na hindi kayang ibigay ng ibang lalake diyan. You know me, I will not hurt you." He desperately said. Anong nangyayari kay Ryu? Bakit sinasabi niya sa akin ngayon ito? Ang dating kasi sa akin ay sinisigurado niya na kami na ang magkakatuluyan. So, all this time kaya pala hindi niya kinaklaro sa ibang tao na magbestfriends lang kami ay dahil gusto niyang isipin nila na kami na nga talaga? I can't believe this! I feel betrayed. Ang akala ko ay si Ryu lang ang makakaintindi sa akin pero nagkakamali pala ako. Binitawan ko ang mga kamay niya at tinignan siya ng masama. "All this time ay may gusto ka nga talaga sa akin at payag ka na ipakasal tayo?" I asked. He nodded. "Oo naman. Bakit hindi? Bagay naman tayo at-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang sinampal ko siya na ikinabigla niya. Nangilid na ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala na pati si Ryu ay kasabwat rin ng pamilya ko. Tinatanggalan na nila ako ng kalayaan at kung anuman ang gusto kong gawin sa buhay ko. Alam naman niyang hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya pero sa ginagawa niya ay gusto niya na rin akong akuin at angkinin. "Hindi. Hindi ako papayag na ikasal tayo. Trinaydor mo ako Ryu, akala ko ay ikaw lang ang makakaintindi ng nararamdaman ko pero hindi pala. Pinagkakaisahan niyo ako!" Naiiyak kong sabi at tumayo na. Ginulo naman niya ang buhok niya at huminga ng malalim. "Kahit naman hindi mo ako gusto o hindi kita gusto ay ipapakasal pa rin tayo, Reese at dahil 'yan sa merging business ng pamilya natin. We're arranged marriage. Mga bata pa lang tayo ay alam na natin 'yon kaya kung ako sa'yo ay tanggapin mo na lang ang kapalaran nating dalawa dahil wala na tayong magagawa doon." He frankly said. Umiling ako. "Ayoko. Kahit kailan ay hindi niyo ako mapapasunod sa mga gusto niyo!" Naiiyak kong sabi. Akmang aalis na sana ako nang biglang magsalita ulit si Ryu. "Well, goodluck na lang sa pagmamatigas mo." madiin niyang sabi. Hindi ko na lang siya pinansin pa at lumabas na ng bahay. Parang hindi si Ryu ang nakausap ko kanina. Nag-iba ang tono ng boses at pananalita niya. Para magpalipas ng galit at sama ng loob sa nangyari kanina ay lumabas ako ng Subdivision namin at nagtricycle na lang papunta sa parke na malapit sa YGA. Nadiscover ko ang lugar na iyon dahil sa bagong kaibigan ko na si Ailah. Doon kami madalas na tumatambay bago mag-uwian. Nang makarating na ako sa parke ay umupo ako sa bermuda grass at pinagdikit ang dalawang tuhod ko at nirest ang ulo ko dito. Naiiyak ako. Pati si Ryu ay tatraydurin rin ako? Mahal niya raw ako pero pinipilit niya ang sarili niya sa akin. Anong klaseng pagmamahal ba iyon? Bakit ang selfish niya? Napaangat ako ng tingin nang may maramdaman akong taong hingal na hingal na tumabi sa akin. Nang tumingin ako sa taong iyon ay isa itong chinitong lalake na nagpunas pa ng pawis sa noo niya habang hinihingal pa rin. Ni hindi pa nga yata niya ako napapansin sa tabi niya. Sino naman kaya ang tinataguan nito? At nang mapatingin siya sa gawi ko ay napaawang ang bibig niya at natulala sa akin. Anong nangyari sa kanya? Napayuko tuloy ako dahil naiilang ako sa mga titig niya. Tumikhim naman siyang bigla nang matauhan sa pagkakatulala niya sa akin. "Ahm.. hello?" Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na sa ibang side. He chuckled. "Ang taray mo naman. Binabati ka lang, e." he said. This time ay humarap na ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Ano bang problema mo?" tanong ko. Nakita ko naman ang pagkamangha sa mukha niya sa sinabi ko saka siya napatawa. Baliw na yata 'to. "Wala naman akong problema, Miss. Maganda ka sana kaso ang taray mo pala." he teased. I glared at him. Sumosobra na yata siya. "Edi 'wag mo akong kausapin kung mataray pala ako at pwede ba, nananahimik ako dito kaya 'wag mo na lang akong pansinin. Ikaw 'tong bigla-bigla na lang sumusulpot sa pwesto ko." Naiinis ko nang sabi. He laughed again at umiling. "Kakaiba ka. Ikaw pa lang ang nagtataray sa akin ng ganyan. Hindi ka man lang ba nagagwapuhan sa akin o nacucute-tan man lang?" Ang yabang ah? But I stared on his face. Gwapo siya, mga kalevel niya siguro sa kagwapuhan si Ryu. Maputi at matangkad rin ang lalakeng ito. 'Yung tipong pangmodel na dahil sa pagiging matangkad pero hindi ko aaminin na gwapo siya dahil sa taas ng confidence niya sa sarili. Hays.. kaya nga ako nagpunta sa parke ay para magrelax at magpalipas ng sama ng loob pero may dumagdag pang nakakapagstress! Ang malas ko nga naman, oh! "Hindi. Umalis ka na nga dito!" pagtataboy ko. Pero imbis na umalis na siya ay mas lalo pa siyang lumapit sa akin kaya napaatras ako. "Hindi naman sa'yo nakapangalan ang lugar na 'to kaya pwede ako ditong tumambay." Sabi niya at humiga pa sa tabi ko habang ipinatong ang dalawang kamay niya sa ulo niya. Napairap na lang ako at hindi siya pinansin. "Ako nga pala si Austin." He said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD