REESE' POV
"Reese, maagang natapos 'yung-"
Napatingin naman kami ni Sky sa nagsalita at nagulat na lang ako nang makita si Ryu na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa amin. Napatingin siya sa kamay ni Sky na nakahawak sa kamay ko.
Paano ba ako mag-eexplain nito?
Nataranta akong bigla saka binitawan ang kamay ni Sky na nakahawak pa rin sa kamay ko. Lumapit naman sa akin si Ryu na nagtatakang nakatingin sa amin ni Sky.
"Bakit kayo magkahawak ng kamay ng lalakeng 'yan?" Tanong niya na parang naiinis na.
I heard Sky chuckled pero hindi ko na lang iyon pinansin pa.
Ang lakas ng loob niyang makipagkaibigan sa akin matapos niya akong saktan at muntik nang pagsamantalahan? I will never accept his friendship! Baka strategy niya lang ang maging mabait sa akin ngayon tapos kapag nakuha na niya ang tiwala ko ay saka niya ulit gagawin ang ginawa niya sa akin noon sa Storage Room. Kinuha niya rin ang importanteng bagay sa buhay ko na iniingatan ko. Ang first kiss ko.
Ang halik na dapat lang ay sa lalakeng mamahalin ko nang habangbuhay.
"W-wala lang 'yon, Ryu. Hinawakan lang niya 'yung kamay ko dahil may tinatanong siya sa akin about sa diniscuss kanina ni Prof." Sabi ko na lang.
Tumaas naman ang isang kilay si Sky sa sinabi ko at pinagkrus nito ang kanyang mga kamay.
Ano bang problema ng lalakeng ito? Hindi ko na talaga siya maintindihan!
Ryu just nodded habang nakakunot-noo pa rin saka siya bumaling na sa akin. "Uwi na tayo?" tanong niya.
Tumango na lang ako. Kinuha naman ni Ryu ang mga gamit ko at siya na ang nagdala nito.
Aalis na sana kami palabas ng classroom nang biglang magsalita si Sky.
"You're challenging me, Reese? Hmm.. let's see."
Kinilabutan at nagsitindigan ang mga balahibo ko dahil sa lalim at lamig ng boses niya pero mas pinili kong dedmahin na lang iyon at lumabas na ng classroom. Sinundan naman ako ni Ryu na mukhang nagtataka dahil sa sinabi ni Sky.
"What does he mean? Is there something wrong between you and that guy, Reese?" Ryu asked.
Umiling lang ako. "Nothing."
Mabuti na lang at hindi na siya muling nagtanong pa pero nakita ko sa mukha niya na parang nagtitimpi lang siya nang galit.
Nagagalit ba siya sa akin o kay Sky? Si Ryu kasi iyong tipo ng lalake na hindi mo alam kung nagagalit ba o hindi.
Hindi ko pa siya lubusang kilala kahit na matagal na kaming magkakilala at pakiramdam ko ay may itinatago siya sa akin. Darating naman siguro ang araw na mailalabas niya ang lahat ng gusto niyang sabihin sa akin. Baka hindi pa siya handang sabihin iyon sa ngayon.
Bakit ba kasi malihim si Ryu?
AUSTIN'S POV
"Austin Fajardo Jimenez, 22 years old ka na pero hanggang ngayon ay 2nd year college ka pa rin? Kailan ka ba talaga magtitino sa St. Claire? Puro pakikipag-away, pambubully at pambababae na lang ang ginagawa mo! Nagcucutting classes ka pa raw sabi ng mga Proffessors mo. Hindi ka na ba talaga magbabago? Alam mo na ikaw ang magmamana ng lahat ng business namin ng daddy mo at kailangan mo nang grumaduate para makapagtrabaho ka na sa kompanya natin pero wala pa rin pala kaming maaasahan sa'yo!"
Mahabang sermon ni Mom habang nandito ako sa entertainment room ko at naglalaro ng Xbox. Nakakarindi na ang unlimited na panenermon niya sa akin.
I just groan in frustration at padabog na sinara ang Xbox ko. Mas lalo namang namula sa galit si Mom at napasigaw na ito dahil sa inis niya.
"Argghhh! I can't handle you anymore, Austin. Kahit kailan ay napaka pasaway mo! Parehong-pareho talaga kayo ng kapatid mong si Oliver!" She shouted at me.
Mom is referring to my younger brother, Oliver. Mas matanda ako sa kanya ng 5 years. He's 17 at sa St. Claire rin nag-aaral.
"Mom, can you just shut up for a while? Mabibingi na ako sa lakas ng boses mo, e!" Naiiritang sabi ko.
Halata naman ang pagpipigil ni Mom ng inis niya sa akin at napapikit na lang ito.
"I have no choice but to transfer you in another school."
Napatayo naman ako sa sinabi niya.
"What? No! Ayokong magtransfer sa ibang school. Sa St. Claire lang ako." Matapang kong sabi.
Ayokong iwanan ang St. Claire Academy. Ako ang hari doon at ayoko na mapunta sa karibal kong si Iverson ang lahat ng atensyon ng mga estudyante ng St. Claire. Ako ang hinahangaan at tinitingalaan ng mga taga St. Claire kaya hindi ako papayag na ilipat ako ni Mom sa ibang school.
"Kung nagtitino ka lang sana ay hindi sana kita ipapalipat sa ibang school pero talagang matigas ang ulo mo kaya wala ka nang magagawa." Then she smirk at me.
"You can't do that!" Sabi ko saka umiling at napakuyom ng kamao ko.
"I will do that, Austin," she declared. I groaned.
"Bwisit! Saan mo naman ako i-tatransfer?" Inis kong sabi.
Ngumiti lang si Mom ng mapang-asar at tinapik ang balikat ko. I glared at her pero tumawa lang siya.
She's a witch! An old witch.
"Sa YG Academy na lang siguro? Alam ko kasi na takot na takot ka nang pumunta sa school na 'yon simula nang may binastos kang estudyanteng babae doon at binugbog ka pa ng boyfriend niya." Napatigil naman ako sa sinabi nito at sinigawan siya.
"Hindi! Kahit kailan ay hindi mo ako mata-transfer sa school na 'yon!" I shouted at her again at napatiim ang bagang.
6 years ago ay naalala ko pa nung 4th year high school ako na nilapitan namin ng mga kaibigan kong sina Hendrick at Collins 'yung napakagandang estudyanteng babae ng YGA na nagtitinda ng Milkshake sa booth nila. Annual event noon ng ibang schools at doon namin naisipan ng mga kaibigan ko na pumunta ng YGA dahil marami raw magaganda at sexy na babae doon at tama nga sila. Isa na doon si Alanis.
I still remember her name at kung paano ako bugbugin ng possessive at obsessed niyang boyfriend. Pasalamat talaga ang lalakeng iyon at hindi ko na siya sinampahan pa ng kaso dahil sa pambubugbog na ginawa niya sa akin. Nakiusap na lang si Mom na huwag ko nang sampahan ng kaso ang lalakeng iyon dahil leksyon daw iyon para tumino na ako.
Ako? Magtitino? Asa pa siya! Kasalanan naman nila ni Dad kung bakit ako nagkakaganito.
"Wala ka nang magagawa, Austin. Kung magmamatigas ka pa rin ay wala na rin akong ibang choice kundi ibigay na lang ang mga kotse mo sa pinsan mong si Earl at putulin ang connections ng credit cards mo. Ano? Ayaw mo pa rin?" Then she smiled devilishly.
Sumama lalo ang tingin ko sa kanya at binasag ang Xbox ko dahil sa inis. Wala namang reaksyon doon si Mom. Sanay na siya sa pagwawala ko at pagbabasag ng mga gamit ko kapag hindi ko nakukuha ang gusto ko.
"Ang sama mo talaga!" Sigaw ko at napasabunot na ng buhok ko.
Shit lang talaga! Hindi ako mabubuhay ng walang luho. Alam na talaga niya ang kahinaan ko.
"Ano, payag ka na?" she asked while smirking.
I shrugged at padabog na lumabas ng entertainment room ko.
I heard my Mom laugh dahil alam na niyang hindi ko na siya makokontra pa.
What an evil mother.