Chapter 50

3093 Words
REESE' POV Nagising ako na nasa ospital na pala ako. Bigla ko nalang naalala ang mga nangyari sa akin. Hindi ko akalaing magagawa ni Carlo na ipadukot ako at pagsamantalahan. Ang akala ko ay isa siyang mabuting kaibigan pero hindi pala. I don't know what he did to me dahil bigla na lang ako nawalan ng malay nang sinuntok niya ako sa sikmura ko. Bakit ba wala akong lakas para ipagtanggol ang sarili ko? Bakit ba napakahina ko at hindi makalaban sa kanila? Bakit sa sitwasyon ko ay puro mga lalake nalang ang nakakalaban ko? If I have a chance to defend myself ay matagal ko na iyong ginawa pero kung kayo ang nasa sitwasyon ko ay mai-dedefend niyo rin ba ang sarili niyo kung ang mga taong nasa paligid mo ay tila wala na sa katinuan? Sky, for the 2nd time ay iniligtas na naman niya ako. How ironic it is? Bakit ba kahit anong pilit kong kalimutan siya ay hindi ko pa rin magawa? Bakit ba mahal na mahal ko siya? Patawarin sana ako ni Warren pero mas lalo ko nang minamahal si Sky. I'm sorry, Warren pero magiging masaya ka naman siguro kung may iba nang lalakeng magmamahal sa akin at mamahalin ko, 'di ba? "Thanks and you're now awake, my baby girl!" Lumingon ako sa nagsalita and it's my Mom. Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako. I hugged her back hanggang sa tuluyan na siyang umiyak saka ako iniharap sa kanya. "Okay ka na ba? Wala na bang masakit sa'yo?" Nag-aalala niyang tanong. Ngumiti lang ako at umiling. "Okay na po ako, Mom. You don't need to worry." I said. "Are you sure, Reese? Tatawagin ko ang Kuya Reevo mo kung may masakit pa ba sa'yo." Nag-aalala namang tanong ni Dad na katabi si Kuya Red na mukha ring nag-aalala sa kondisyon ko. "Okay lang po talaga ako, Dad. Nasaan po pala si-" I look around at hinanap siya pero wala siya dito sa loob ng confine room ko. Bigla na lang akong nalungkot do'n na napansin naman ni Kuya Red. "If you're looking for Sky, umuwi muna siya sa kanila. Ayaw pa nga niyang iwanan ka dito sa ospital hangga't hindi ka nagigising pero pinauwi na muna namin siya dahil kagabi ka pa niya binabantayan pero mamaya ay pupuntahan ka niya dito. He cares about you, sis." Nakangiti namang sabi ni Kuya Red. Sa unang pagkakataon ay ngumiti na ng tunay ang kuya kong masungit s***h suplado. Napangiti ako sa sinabi ni Kuya Red. Kahit sinaktan ko si Sky at nireject sa harapan ng mga estudyante ng YGA ay iniligtas niya pa rin ako at nag-aalala siya para sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na sila Carlo at ang mga tauhan nito ang dumukot sa akin. "Pupunta rin kasama ni Sky ang iba niyo pang mga kaibigan dito." Sabi naman ni Mom. Tumango ako at ngumiti. "Pwede na po ba akong ma-discharge mamaya? Mabuti naman na po ang pakiramdam ko at malakas na rin ako." sabi ko. "But, Reese-" "Please, Mom, Dad, Kuya? Nagsasawa na po akong maospital kaya gusto ko na pong umuwi." Pagmamakaawa ko sa kanila. Bumuntong-hininga na lang sila sa sinabi ko at tumango pagkaraan. "Okay. Kakausapin ko lang ang Kuya Reevo mo para ma-discharge ka na mamaya." Sabi ni Dad at nilapitan ako. "Thanks, Dad!" Sabi ko at niyakap siya. Tumawa lang siya sa ginawa ko at niyakap rin ako pabalik. Napapailing na nangiti na lang si Kuya Red at lumapit rin ito sa akin kaya napabitaw na kami ni Dad sa yakapan namin. "Baby girl, I'm sorry kung nagalit man ako sa'yo kahit hindi mo naman gusto na maikasal ka kay Ryu. Hindi mo na siya kailangang pakasalan pa dahil may nahanap na kami ni Dad na papalit para makipag-invest sa business ng pamilya natin." Sabi niya at hinawakan ang isang kamay ko. "Ayos lang, Kuya Red. Naiintindihan naman kita. Sino pala ang makikipag-invest sa business natin?" Tanong ko naman. "Ang mga Jimenez. Mabuti na lang at tinanggap nila ang business proposal namin ni Dad. Wala ngang kaangal-angal si Mrs. Jimenez nang inalok namin siyang maging business partners namin." Sabi niya. Jimenez? Mukhang pamilyar ang apelyido na iyon, ah? Saan ko nga ba iyon narinig? "Talaga kuya? Ang bait naman po pala niya." Sabi ko. He nodded. "Oh, sige na at kumain ka na ng breakfast mo para mamaya ay may lakas ka na para madischarge dito. Aasikasuhin pa namin ni Mom at Kuya Red mo ang business partnership natin kina Mrs. Jimenez kaya ang Kuya Reevo mo na lang at sila Sky ang maghahatid sa'yo pauwi. Okay?" Dad said. Tumango ako at ngumiti. "Okay po, Dad." Kanina pa umalis sila Mom, Dad at Kuya Red dito sa ospital. Nakapagbihis na rin ako ng damit ko pauwi na dala nila Mom. Kasama ko ngayon si Kuya Reevo na tapos nang i-check ang kalagayan ko. Nakayuko lang siya at mukhang nahihiya sa akin. Siguro ay dahil ito sa nalaman ko kay Ryu na minsan na rin pala siyang na obsess sa naging girlfriend niyang si Ate Hazel. "Kuya, may rason ka naman siguro para magawa mo 'yon kay Ate Hazel, 'di ba? Saka na natin pag-usapan 'yon kapag handa ka na." Sabi ko. Tumingin naman si Kuya Reevo sa akin at nginitian ako ng malungkot. "Ryu is right. Na-obsessed ako kay Hazel noon kahit hindi niya ako mahal, Reese. I force her to be my girlfriend dahil sobrang mahal na mahal ko siya at ayoko siyang mapunta sa iba but Hazel is a strong woman. Sinunod niya ang tinitibok ng puso niya. May mahal siyang iba at 'yon ay ang pinsan ni Ryu na si Akihiro. Nakipaghiwalay sa akin si Hazel at sumama sa taong mahal niya. You know how much I suffered simula nang nakipagbreak sa akin si Hazel, di ba? She didn't love me and I realized nang nakaka move-on na ako na sobrang mali pala ng ginawa ko sa kanya. I'm sorry for lying to you, baby girl." Kuya Reevo said. I hugged him. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Mahal lang talaga ni Kuya Reevo si Ate Hazel kaya niya nagawa ang bagay na iyon pero napagtanto naman niya na mali siya kaya kahit masakit sa parte ng kapatid ko ay hinayaan niya nang maging masaya si Ate Hazel sa taong mahal niya. "Wala na 'yon, kuya. Pinagsisisihan mo naman na 'yon saka hinayaan mo nang maging masaya si Ate Hazel sa taong mahal niya kaya kalimutan na natin ang mga nangyari sa inyo noon." Sabi ko. He nodded and kiss my forehead. "Ang understanding talaga ng little sister ko. Kaya mahal na mahal ka ni Sky e," Panunukso niya. Bigla naman akong natahimik at namula sa sinabi nito na ikinatawa niya. "Dalaga na talaga ang prinsesa ng pamilya Santillan!" Sabi pa ni kuya Reevo at nginisian ako. I pouted dahil sa hiya. "Kuya naman, e!" Inakbayan niya lang ako at tumawa ito. Magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pintuan ng confine room ko at doon pumasok sila Ailah, Niccolo, Raven, Ivo at ang lalakeng kanina ko pa hinahanap. Si Sky. Nang makita niya ako ay nginitian niya ako kaya napangiti rin ako na napansin naman ni Ailah. "Ay sus! Nagngitian na ang lovebirds!" Panunukso niya. Napangiti naman si Niccolo na nasa tabi lang niya. "Okay na kayo ni Niccolo?" Tanong ko kay Ailah nang makalapit na silang lahat sa akin. Yumuko na lang si Ailah sa hiya nang hapitin siya ni Niccolo sa baywang niya. Napanganga ako sa gulat dahil hindi ko ine-expect na ang masungit at snob na si Niccolo ay kasama ngayon ni Ailah. "Ailah is now my girlfriend." Baliwalang asabi ni Niccolo. Ailah slightly nodded habang ako ay gulat na gulat sa mga nalaman ko. "Papaano nangyari 'yon?" Tanong ko sa kanilang dalawa. "Long story pero sasabihin ko rin sa'yo ang dahilan soon." Ailah said. Ngumiti na lang ako at tumango saka bumaling kay Niccolo. "Congrats sa inyo pero sa oras na sinaktan mo na naman si Ailah ay ako na ang makakalaban mo." Pagbabanta ko. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Sky na nasa tabi ko na pala kaya sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. "Anong tinatawa-tawa mo diyan?" masungit kong tanong. Umiling lang siya habang pinipigilan pa rin ang pagtawa niya. "Wala, ah." He answered. I glared at him once again saka ulit bumaling kay Niccolo na nakangiti lang sa amin ni Sky. "Ano namang nginingiti-ngiti mo diyan? Narinig mo ba 'yung warning ko sa'yo?" masungit ko pa ring sabi. Bigla naman siyang sumeryoso at tinanguan ako. "I won't promise na hindi ko masasaktan si Ailah pero gagawin ko ang lahat para lang ingatan siya, mahalin at alagaan. Babawi ako sa mga masasakit na bagay na ginawa ko sa kanya noon." He sincerely said. Natahimik naman ako at tumango pagkatapos. "Dapat lang." Bigla naman akong nilapitan ni Raven. "Reese, pasensya ka na sa ginawa ni Carlo sa'yo. Hindi namin akalain na magkakaganon siya nang dahil sa'yo. Sanay naman kaming marami siyang nagugustuhan na mga magagandang babae pero hindi namin alam na lumalalim na pala ang pagtingin niya sa'yo." Malungkot niyang sabi. Huminga ako ng malalim at ngumiti ng malungkot. "Okay lang, Raven. Hindi niyo 'yon kasalanan. Nasaan na pala si Carlo ngayon?" Tanong ko. Si Sky na ang sumagot sa tanong ko. "He's now in jail at mabubulok siya doon nang panghabang buhay." Nakatiim-bagang niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. I see how much he cares for me. Why I'm so lucky to have a Sky Avenido in my life? I hold his hand too and I look at him straight to his eyes. "Thank you for saving me, Sky." I said. Tumitig siya sa mga mata ko hanggang nasa labi ko na ang mga titig ng mata niya. Akmang hahalikan na sana niya ako nang bigla akong hinila ni Kuya Reevo palayo kay Sky. "Ooppsss! Hindi mo pa pwedeng halikan ang kapatid ko, sorry ka na lang." Nakangising sabi ni Kuya Reevo na ikinatawa naman ng mga kaibigan ko. "Pasimple ka pa, Sky ha?" Pang-aasar ni Ivo kay Sky. "Shut up, gay!" Sky glared at Ivo na ikinatahimik naman nito. Gay? Si Ivo? Sa gwapo niyang iyan? "Alam kong nagtataka ka sa sinabi ni Sky pero gay nga 'yang si Ivo. Sasabihin namin sa'yo ang dahilan once na pumasok ka na ulit sa YGA." Nakangiting sabi ni Raven. Tumango na lang ako at nagtanong ulit. "Nasaan pala si Jedus?" Si Ailah ang sumagot sa tanong ko. "Nagdi-date kasama si Lian." Halos manlaki naman ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. Ilang araw ko lang silang hindi nakasama pero may mga nangyari nang hindi ko inaasahan? Nagpaiwan muna sa ospital si Kuya Reevo dahil may mga pasyente pa siyang kailangang asikasuhin at ang sabi nito ay si Sky na lang muna ang maghahatid sa akin pauwi. Sila Ailah naman ay nauna nang umuwi para raw makapagsolo kami ni Sky na biro niya. Lumabas na kaming dalawa ng ospital ni Sky at nagtungo sa parking lot kung saan nakapark doon ang kotse na sasakyan namin pauwi nang bahay. Nang nasa parking lot na kami ay nagulat na lang ako nang makita ko mula sa malayo ang isang lalakeng minsan ko nang nakasama sa matagal na panahon at itinuring na isang mabuting kaibigan. Si Ryu. He's still wearing his tuxedo. Magulo ang buhok niya at halatang wala pang tulog dahil sa nangingitim niyang mga eyebags. Nanginig na ako sa takot nang makita kong may hawak siyang baril habang papalapit sa kinaroroonan namin ni Sky. Hinawakan naman ako ni Sky sa kamay ko at tinignan ako. "Ako nang bahala. Walang mangyayaring masama sa'yo." Paninigurado niya sa akin. Napaiyak na lang ako at tumango. Nang tuluyan nang makalapit sa amin si Ryu ay nginisian niya kami at bigla na lang niyang itinutok kay Sky ang hawak niyang baril. "Sky Avenido, mukhang kinukuha mo na naman ang pag-aari ko. Kailangan mo na talagang mamatay dahil tatapusin na kita!" Mula sa pagkakangisi ni Ryu ay bigla na lang dumilim ang mukha niya at galit na galit na tinititigan si Sky. Naluluha kong tinignan si Sky. Walang emosyon ang mukha niya at tila hindi ito natatakot na iputok ni Ryu ang baril nito sa kanya. Ngumisi lang si Sky kay Ryu. "Sa tingin mo ba na kapag napatay mo na ako ay mamahalin ka ni Reese? Hindi rin dahil alam mo sa sarili mo na ako ang mahal niya!" Sigaw niya. Napasabunot na lang bigla si Ryu sa buhok niya at umiling ito ng paulit-paulit. Nababaliw na siya. "Hindi! Hindi! Hindi!" Sigaw ni Ryu at mas lalo pa niyang itinutok kay Sky ang baril na hawak niya. Dahil hindi ko na kayang manahimik sa nangyayari ngayon ay kinausap ko na si Ryu. "Ryu, 'wag mong gawin 'to.. please? Pwede naman nating pag-usapan 'to..." Naluluhang pakiusap ko. Napatingin siya sa akin at sa hindi ko inaasahan ay tumulo na lang bigla ang mga luha niya. "Reese, bakit ba hindi mo ako magawang mahalin, ha? Mga bata pa lang tayo ay mahal na kita pero hanggang bestfriend lang talaga ang tingin mo sa akin. Tiniis ko na maging bestfriend mo sa mahabang panahon dahil umaasa ako na balang araw ay mamahalin mo rin ako pero hanggang ngayon ay isang bestfriend pa rin ako sa paningin mo. Ano bang mali sa akin, Reese? Gwapo naman ako, matangkad, matalino, mayaman at higit sa lahat ay kilalang-kilala kita pero bakit hindi mo pa rin ako magustuhan?" Lumuluhang sabi niya. Nararamdaman ko ang paghihirap ng kalooban ngayon ni Ryu. Ginagawa niya ang bagay na ito dahil mahal niya ako pero kung talagang mahal niya ako ay rerespetuhin at gagalangin niya ang mga desisyon at gusto ko. At kung mahal niya ako ay hahayaan niya akong maging masaya sa taong mahal ko. Kay Sky. "Kung mahal mo ako ay hahayaan mo akong maging masaya sa taong mahal ko. Hindi naman ako mawawala sa'yo, Ryu. Kaibigan pa rin kita sa kabila ng lahat." Sabi ko at nginitian siya ng mapait. Bigla siyang natahimik dahil sa sinabi ko pero 'di kalaunan ay humalakhak siya ng malakas na ikinagulat ko. "Do you think that I'm stupid to let you go? Kaya ko nga pinatay si Warren noon para wala nang humadlang sa atin, e." Natulala ako at napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Napalingon naman sa akin si Sky na may pagtataka sa mukha niya. "Y-you killed.. W-Warren?" Nauutal kong tanong kay Ryu. I lost my mind. I lost my hope. I was shocked. I was devastated. Ryu nodded devilishly. "Yes. I killed him. Ang akala niyo ba ay namatay siya dahil sa isang car accident? Palabas lang namin 'yon ng parents ko para hindi niyo malaman na ako mismo ang pumatay sa manliligaw mo. Isa siyang malaking hadlang sa pagmamahalan natin, Reese kaya pinatay ko siya katulong ang mga kaibigan kong Yakuza sa Japan." Nakangising sabi niya at itinaas niya ang hawak niyang baril. "Ang sama-sama mo, Ryu! Hindi ko akalain na kaya mong pumatay ng tao. Napakasama mo!" Naiiyak kong sigaw sa kanya. He just laugh. "Nakikita mo ba 'tong baril na hawak ko? Ito mismo ang baril na ginamit ko sa pagpatay kay Warren na magagamit ko naman ngayon kay Sky." nakangisi niyang sabi saka nito itinutok ulit ang baril niya sa nakatulalang si Sky. "M-manliligaw ni Reese y-yung.. Warren?" Tanong ni Sky na gulat pa rin. "Oo, Sky. Siya ang first love ni Reese. Ang unang lalakeng nanligaw sa babaeng pinakamamahal mo. Ano bang akala mo, na ikaw ang first love ni Reese? Hindi dahil may mas nauna pang lalake kay Reese sa puso niya at 'yon ay si Warren Benitez." Nakangising sagot ni Ryu kay Sky. Tinignan naman ako ni Sky. "Totoo ba 'yon, Reese? Hindi ako ang unang minahal mo?" mahina niyang tanong. I nodded while still crying. He nodded na walang emosyon ang mukha saka ulit ito bumaling kay Ryu. "I don't care if I'm not her first love but I will reassure to you that I will be her last love forever." Napatigil ako at napangiti sa sinabi ni Sky. I thought that he's mad at me dahil nalaman niyang hindi siya ang una kong minahal. He loves me so much. Nagdilim naman ang mukha ni Ryu doon. "Then I will kill you now!" Sigaw niya at ipuputok na sana ang hawak niyang baril kay Sky nang biglang may isang nakaitim na lalake ang tumalon mula sa bubong ng isang kotse na malapit sa kinaroroonan ni Ryu saka mabilis nitong kinuha ang hawak na baril ni Ryu at itinulak siya sa sahig. May kinuha ang nakaitim na lalake mula sa suot niyang pantalon, its a cuff pagkatapos ay mabilis niyang pinosasan ang mga kamay ni Ryu. Namangha naman ako sa bilis ng galaw nung lalake. Niyakap akong bigla ni Sky at iniharap sa kanya. "Maayos na ang lahat. 'Wag ka nang matakot, Reese." Malambing niyang sabi sa akin. Tumango naman ako doon at ngumiti. Ilang minuto lang ay may dumating bigla na isang Police Car sa kinaroroonan namin. "Ahhhhh! Who the heck are you? Papatayin ko pa si Sky! Bitawan mo ako!" sigaw ni Ryu habang pilit siyang ipinapasok sa dumating na Police Car nung nakaitim na lalake. "I'm Zeke and you'll be living now in jail so you better shut up and behave." Sabi nung lalaki nang naipasok na niya si Ryu sa Police Car. The guy salute at Sky pagkatapos ay sumakay na rin ito sa Police Car hanggang sa makaalis na sila kasama sa loob si Ryu. "Kilala mo pala 'yung gwapo na 'yon?" Tanong ko kay Sky. Kumunot naman ang noo niya sa tanong ko at sinamaan ako ng tingin. "He's only my Private Investigator at mas gwapo kaya ako kaysa sa kanya." Naiinis niyang sabi at pinagkrus ang kanyang mga kamay. Napangiti na lang ako at para makabawi sa mukhang pagseselos niya ay hinatak ko siya paharap sa akin at hinalikan siya sa labi na ikinagulat niya. He kissed me back after. "I love you, Sky..." Napahinto na lang siyang bigla dahil sa sinabi ko. He looks so happy and shock dahil sa sinabi ko. "Say it again," "Yung ano?" Maang-maangan kong tanong. "Na mahal mo ako." Nakangiting sabi niya. Napanguso na lang ako sa hiya. "I-I love you, Sky." "Say it again," "I love you, Sky." "Isa pa." "I love-" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ulit ako. "I love you too, Reese..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD