Epilogue

2536 Words
REESE' POV There's so many unexpected things that happened in my life. Sa paglipat namin ng pamilya ko sa Maynila ay may mga bagong tao akong nakilala at nakasama. Nag-iba ang takbo ng buhay ko at maraming mga masasaya at masasakit na pangyayari ang naganap sa akin. Pero hindi ko kailanman pinagsisisihan ang biglang pagbabago ng takbo ng buhay ko dahil napatunayan ko na hindi lahat ng mararanasan mo sa buhay ay palagi na lang masaya at walang problema. You need to understand, cry, sacrifice, love unconditionally and be strong for yourself. Sa mga nangyayaring ito ay hindi ko man lang nagawang maipagtanggol ang sarili ko but how can I fight kung unexpected at hindi ko naman inaasahan ang mga mangyayari? I know that I'm a weak character in this story. Hindi ako katulad ng ibang bidang babae na lumalaban at walang takot sa mga makakasagupa nila. Some of their antagonists are girls samantalang ako ay puro mga lalake ang nakakalaban ko at wala na rin sa tamang kondisyon ang pag-iisip nila. Hate my character or not but I did what's my best on this part. We're already graduated in YG Academy as a 2nd year turns to a 3rd year college students. Sky and I are now in a relationship. We've been together for 3 months at masaya kami sa relasyon naming dalawa although hindi pa rin maiaalis kay Sky ang pagiging possessive niya sa akin but in a good way naman. Sometimes we argue at ang kadalasan naming pinag-aawayan ay ang mga lalakeng nakakasalamuha ko sa YGA. He's very jealous type of guy kaya para hindi na kami mag-away pa ay limitado na lang ang pakikipaglapit ko sa ibang lalake. Sky graduated as his 1st honor degree. Nagchampion rin sila nila Raven, Niccolo, Jedus at Ivo sa basketball competition noong School Fest. He got the looks, brain and being a sporty guy so what can I say to my boyfriend? Ryu in the other side was still in jail. Nang malaman namin na pinatay niya si Warren ay nagsampa na ng kaso ang pamilya ni Warren laban sa kanya. I can't believe that in an early age ay magagawa niyang pumatay ng isang tao nang dahil sa akin. He's obsessed with me but I'm still hoping na magbabago siya. Ailah and Niccolo are still in a relationship. Tinotoo nga ni Niccolo ang sinabi niya na babawi siya sa mga pananakit at pambabaliwala niya noon sa mga effort ni Ailah para lang mapalapit sa kanya. Nalaman ko na kaya pala siya dapat magpapakasal noon kay Lian ay dahil papalugi na ang negosyo ng pamilya niya at kailangan niya ang pera ng pamilya nila Lian para maipagamot ang mama niya sa sakit nitong Leukemia. How good son he is. Talagang mahal na mahal niya ang mama niya at gagawin niya ang lahat para dito. Ailah is still doing good. Masaya siya at sila pa rin Niccolo and we're still best buds. Raven graduated as a 2nd honor student next to Sky. He's a handsome and very intelligent too katulad rin ni Sky. Sa aming magkakaibigan ay siya ang pinaka kalmado at pinakaseryoso sa amin. Ngayon ay hindi siya makakasama sa outing namin ng barkada sa Subic dahil pupuntahan niya sa probinsya ang mahal niyang si Serene. Hindi man niya aminin sa amin pero alam namin na mahal niya ang bestfriend niya. Nalaman ko na kaibigan pala ni Sky ang dating boyfriend ni Serene na Vince ang pangalan. That guy is also an obsessed person that's why he used force para lang mapasakanya si Serene at may mangyari sa kanila. Good thing that he's now in jail kaya hindi na niya magugulo pa si Serene. Jedus and Lian are in a relationship goals. Still dating pa ang dalawang naunang nabigo sa pag-ibig kina Ailah at Niccolo. I didn't expect na sa simpleng dare nila na magdate sila ay unti-unti na silang nagkakagusto sa isa't-isa. Bagay naman silang dalawa. They are both good looking and hot persons. Ivo confess to me that he is gay. Matagal na raw siyang may ibang nararamdaman sa sarili niya pero ngayon lang siya naglakas ng loob na umamin ng nararamdaman niya. He was 7 when he felt that way pero itinago lang niya ito para hindi mapahiya ang mga magulang niya na sikat sa larangan ng broadcasting. Let's say na hindi naman raw siya totally na bakla talaga. He's a 50/50 o tinatawag na bisexual. Pwede pa raw siyang magkagusto sa isang babae. Mabuti naman at sayang ang kagwapuhan niya kung wala siyang mabibihag na chicks, 'di ba? And about Carlo, he say sorry sa ginawa niya sa akin noon. Nadala lang raw siya ng sobrang affection niya sa akin kaya niya ako pinadukot at gagawan sana ng masama. Mabuti na lang at hindi pa pala niya ako nagalaw noon. Nakiusap ang parents niya sa pamilya ko na iurong na ang kaso laban sa kanya kapalit na sa ibang bansa na lang pag-aaralin si Carlo at para hindi na rin ako nito guluhin pa. Kahit ayaw ng pamilya ko ang agreement na iyon ay pumayag pa rin sila dahil iyon ang desisyon ko. I want Carlo to change for himself. He's my friend after all at naniniwala ako sa sinasabi niyang magbabago na siya. Kasama ko ngayon sa outing ng barkada mula dito sa Subic sila Sky, Ailah, Niccolo, Jedus, Lian at Ivo. Nakasakay na kami ngayon sa van papuntang airport sa Subic. Nasa may pinakalikod kami ni Sky nakapwesto. Nakayakap siya sa akin habang nakalagay naman ang ulo ko sa balikat niya. He's kissing me every second na nakakahiya na sa mga nakangising nakatingin sa amin. "Sky, baka dito pa mismo sa van ay mabuntis mo na si Reese dahil diyan sa kakahalik mo sa kanya!" Kantyaw ni Jedus na ikinatawa rin ng iba pa naming kaibigan. "Oo nga. Pwede namang sa beach resort sa Subic niyo na lang gawin 'yan." Sabi pa ni Ailah habang nakayakap sa kanya si Niccolo na nakatulog na. "Respeto naman sa aming mga single, oh?" Napapailing na sabi ni Ivo at nginisian kami ni Sky. Napa facepalm na lang ako sa hiya at pilit inaangat ang ulo ni Sky para hindi na niya ako mahalikan pa. "Isa pang halik at sasapakin na talaga kita?" Pagbabanta ko. He just chuckled at hinalikan na naman ako na ikinapula ng buong mukha ko. Pesteng lalake 'to! Monster kisser na. "Sige, sapakin mo lang ako ng mga halik mo at gaganti ako." Nakangiting sabi niya at nakipag-apir pa kay Jedus na malapit lang sa pwesto namin. "Nice one, Sky! Nai-apply mo na talaga ang mga itinuro ko sa'yo." Sabi ni Jedus na ikinatawa lang ng kaakbay niyang si Lian. "Kaya pala ang corny ng banat ni Sky kasi sa'yo mismo nanggaling." Masungit naman na sagot ng kanina pang bitter na si Ivo. Kaagad namang nagreact si Jedus sa sinabi ni Ivo. "Hoy, Ivo! Lahat ng mga itinuturo ko kay Sky ay pang da best moves 'yon sa isang babae. Baka gusto mong sampolan kita diyan? Bakla ka, 'di ba? Kaya baka kiligin ka lang sa banat ko." Mayabang na sabi niya. Umirap lang si Ivo sa sinabi ni Jedus at tinaasan siya ng kilay. "Bakla nga ako pero kahit kailan ay hindi ako kikiligin sa'yo. May taste pa naman ako pagdating sa mga lalake and you are not belong in my list." Sabi niya at isinuot ang shades niya. "Aba't! Sumosobra-" Akmang lalapitan na sana ni Jedus si Ivo nang pinigilan naman siya ni Lian. "Hep! Baka mag-away pa kayo niyan. This is our summer vacation kaya walang mag-aaway." Bumagsak na lang ang mga balikat ni Jedus sa sinabi ni Lian at hinapit ito sa baywang saka hinalikan. "Okay, hon. Sabi mo, e." Nakangising sabi ni Jedus. Ngumiti na lang si Lian at sumandal sa balikat ni Jedus. Wow, they look so happy with each other. When I look at Ailah ay nakangiti rin ito habang nakatingin kina Jedus at Lian. Maybe she's happy too dahil nahanap na ni Jedus ang babaeng magpapasaya at magmamahal sa kanya ng totoo. After a long hour of riding in a different transportations ay narating na rin namin ang beach resort sa Subic na pag-aari nila Sky. Nagtungo muna kami sa tutuluyan namin na resthouse saka kumain at nagpahinga. Kaming mga girls ay nasa iisang malaking kwarto at ang mga boys naman ay ganon rin. "Bigtime ka talaga sa boyfriend mo, Reese. Ang ganda ng resort nila, ha? Ang yaman-yaman talaga ng pamilya nila Sky!" Sabi ni Ailah sa akin. "Kaya nga, Ailah. Wala ka na talagang maipipintas pa kay Sky. Parang hari lang siya at lahat ay nasa kanya na kahit nga si Reese ay napasakanya na." Bigla namang sabat ni Lian at tinusok niya ang tagiliran ko. Ngumiti na lang ako at napakamot sa ulo ko nang dahil sa hiya. "Kayo talaga," "Uyyy, nagba-blush siya!" Pang-aasar pa sa akin ni Ailah. "Ayieee! Inlababo na talaga ang Diyosang si Reese!" Sabi naman ni Lian. "Kayo, ha? Kanina niyo pa ako tinutukso." Sabi ko nang may halong pagbabanta at bigla na lang silang kiniliti sa tagiliran nila. Natatawa naman silang gumanti sa akin hanggang sa nagharutan na kami. Masaya pala kapag may kaibigan kang babae. Malaya mong mai-eexpress ang sarili mo dahil alam mo na pareho kayo ng mga hilig at gusto. I'm glad that Ailah and Lian came into my life as my friends. Dahil sa sinang-ayunan naming lahat ay night swimming at inuman ang mangyayari sa unang araw namin dito sa beach resort sa Subic. Lumabas kaming mga girls na nakasimangot kasama ang mga boys na nasa likuran lang namin. Dahil ayaw ng mga boyfriend namin na isuot namin ang mga binili naming bikini at baka raw ay pagpantasyahan pa kami ng mga lalakeng turista na nandito rin sa resort instead we're only wearing a short-shorts and sando. "Ang KJ talaga ng mga lalakeng 'yan! Ano tayo, mga bata para magsuot lang ng sando at shorts sa beach?" Pagmamaktol ni Lian at tinitigan ng masama si Jedus na nginisian lang siya kasama ang mga lalake. "Ang dami pa namang mga papablelicious dito. Sayang at hindi nila makita ang mga alindog natin!" Sabi naman ni Ailah na nakasimangot rin. "I heard you, Ailah!" Sabat naman ni Niccolo na nasa likuran lang namin habang naglalakad kami sa beach. Bawat mga taong nadadaanan namin ay napapatingin sa amin especially sa mga boyfriends namin. The girls here in resort are looking with admiration to Sky, Niccolo, Jedus and Ivo. Sa gwapo ba naman nilang iyan ay sinong babaeng hindi mapapatingin sa kanila? Sandaling napahinto si Ailah sa paglalakad kaya napahinto rin kami. Humarap naman siya sa mga lalake at nagpameywang. "Since nasunod na ang gusto niyo na 'wag kaming pagsuotin ng bikini ay pwedeng kami naman ang masunod ngayon?" Nakangising sabi niya at nagtaas ng kilay. "So what?" Sabi naman ni Sky at humalukipkip ito. Inirapan lang siya ni Ailah. "May lakad kaming mga girls at may lakad rin kayong mga boys. Bukas na tayong lahat magkita-kita dahil isang linggo pa naman tayo dito sa Subic. Deal?" "No way!" React kaagad ni Niccolo. Ngumiti lang si Ailah sa boyfriend niya. "Yes way, Niccolo." Tumingin ulit si Ailah kay Sky at bumaling siya dito. "Ano na, Sky?" Sky sighed. "Okay. As long na wala kaming ibang lalakeng makikitang kasama niyo lalo na sa girlfriend ko." Then he look at me na parang sinasabi na 'wag kang gumawa ng kalokohan kundi patay ka sa akin' look. "Vice versa rin dahil sa oras na may makita kaming mga girls na kasama niyo ay goodbye na kayo sa mga forever niyo!" Masungit na sabi Lian at bago pa makapagreact ang mga boys do'n ay hinila na niya kami nila Ailah papalayo sa kanila. "At last, we're free!" Masayang sigaw ni Lian nang makarating na kami sa isang outdoor bar. Tumatawa naman kami ni Ailah na tumango. "Nakakatakot ang mga kumag na 'yon. Ginagawa na tayong mga keychain nila na ayaw malayo sa kanila kaya hindi na natin magawang mag-enjoy sa resort na 'to." Sabi naman ni Ailah at umupo kami sa isang bench. "Mabuti na lang talaga at naisip mo ang deal na 'yon, Ailah." Sabi ko naman. Tumawa lang siya at itinuro ang sarili niya. "Ako pa ba?" Then we all laugh. Nagsimula na kaming umorder ng mga drinks namin sa outdoor bar ng resort na pinuntahan namin. Maingay ang paligid at maraming mga nagsasayaw na nagpaparty-party. May mga samut-saring ilaw na nagmumula sa disco lights at mga bilihan o stores ang nasa paligid namin. Maganda ang ambiance ng resort na ito at halatang may mga kaya sa buhay ang mga taong nandito. Tumayo muna ako at nagpaalam kina Ailah at Lian na aalis muna ako saglit at pupunta sa tahimik na lugar para sagutin ang tawag sa cellphone ko. Tumango naman sila at sinabi na bumalik kaagad ako. Umalis muna ako sa outdoor bar na iyon saka nagpunta sa tahimik na parte ng dagat. Sinagot ko naman ang tawag ni Kuya Red. Tinatanong nito kung okay lang ba ako at kung nakarating raw ba kami ng maayos dito sa Subic. Sinabi ko naman na okay lang ako dahil nandito naman sila Sky at ang barkada namin. Pagkatapos nun ay sinabi niyang mag-ingat kami at ibinaba na niya ang tawag. Pagkababa ko ng tawag ay akmang aalis na sana ako nang mapahinto ako sa paghakbang nang makita ko mismo sa harapan ko ang lalakeng hindi ko na nakita pa ng ilang buwan. Pagkatapos ng pagkidnap sa akin ni Carlo ay hindi ko na siya nakita pa sa YGA at ang balita ko na lang ay nagtransfer na siya ulit sa dati niyang school. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. His looks changed a lot. Kung noon ay palaging magulo at bagsak ang buhok niya, ngayon ay naka clean cut na ito na mas lalo pang nagpabagay sa itsura niya. Mas lalong nagbuilt ang katawan niya sa suot niyang white sando at beach black shorts. He looks more taller than before kahit matangkad naman talaga siya at hindi pa rin nawawala ang earrings niya sa kanyang kaliwang tenga. "Austin?" I almost whisper. Lumapit siya sa akin habang seryoso pa rin ang mukha niya. Kaagad naman akong kinabahan sa klase ng pagtitig niya sa akin kaya napaatras ako ng kaunti sa kinatatayuan ko. "Congrats sa inyo ni Sky. Kayo na pala." He suddenly said at nginitian ako. I felt relief at nginitian rin siya. Ang akala ko ay may mangyayari na namang masama. "Salamat. Bakit ka nga pala biglang nagtransfer sa dati mong school? Ang akala ko ba ay magkaibigan na tayo niyan? Hindi mo man lang sinabi sa akin na aalis ka na pala sa YGA." Malungkot kong sabi. Hinawakan naman niyang bigla ang balikat ko at bumulong ito sa tenga ko. "I'm sorry pero may pinagpaplanuhan kasi ako para hindi ako matalo sa laban na sinalihan ko. Gusto kong makuha ang premyo ko pero hindi pa muna sa ngayon dahil hahayaan ko muna na magpakasaya ang taong kumuha ng premyo ko. Di bale, sisiguraduhin ko na mapapasaakin pa rin ang gustong-gusto kong makuhang premyo." Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinilabutan sa mga sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD