Chapter 49

1766 Words
SKY'S POV Nanginginig ako sa takot, galit at pangamba habang nagmamaneho ako at itinuturo ni Zeke ang daan kung saan naka track sa hawak niyang tracking device ang lokasyon na pinagdalhan ni Carlo kay Reese. Hindi ko akalain na aabot sa punto na pati si Carlo ay magiging desperado na para lang makuha si Reese. Kilala ko si Carlo, kapag may nagustuhan siyang isang bagay ay hindi siya titigil hangga't hindi niya ito nakukuha. Mayaman ang pamilya nila kaya madali na lang para sa kanya na ipadukot si Reese mula sa mga tauhan ng ama niyang isang Senador. Hinding-hindi ko siya mapapatawad kung sakali mang magharap kami. I want him rotted in jail. "Talagang mahal na mahal mo siya, no?" Pag-imik bigla ni Zeke habang nasa biyahe kami. "I love her very much. She's innocent and too fragile to be part of this situation. I will do everything to protect her, Zeke even if it takes my life." I sincerely said. I look at him and amusement was written all over his face because of what I said. "That's true love, Sir." I smiled. Definitely. Reese is my true love. Pagkatapos nang mahigit apat na oras na biyahe namin mula sa Maynila hanggang sa Sta. Rosa, Laguna ay bumaba na kami mula sa kotseng dala ko at huminto ang direksyon ng tracking device ni Zeke sa isang magubat na lugar kung saan ay may nag-iisang malaking bahay ang nakatayo doon na sa pagkakaalam ko ay ang mansyon nila Carlo. Napapalibutan ito ng mga matataas na pader at may malaking pulang gate. "Dito niya mismo dinala si Reese. Sigurado ako doon." Sabi ko at tinignan ang kabuuan ng mansyon. Nabuksan ni Zeke ang gate ng mansyon na ang ibig sabihin ay walang ibang tao ang nagbabantay roon. "Let's go, Sir." Sabi niya. Tumango naman ako at dali-dali naming pinasok ang loob ng mansyon. Pagkapasok namin sa loob ay sobrang dilim ng paligid. Binuksan naman ni Zeke ang switch ng bawat parte ng bahay na may ilaw. Luma na ang mansyon at maalikabok. Nakabalot naman ng mga tela ang furnitures at iba pang gamit sa loob ng mansyon. Halatang matagal nang hindi ito natitirhan. Tumuro na lang bigla ang direksyon ng tracking device ni Zeke sa isang malaking kwarto na may pintuan na itim ang kulay. "Dito niya yata dinala si Ma'am Reese." Zeke said. Wala na kaming pinalampas pang oras at pinasok na ang kwarto na iyon at sa pangalawang pagkakataon ay bumukas ito. Halos manlumo ako sa nakita ko nang nadatnan ko si Carlo na hinahalikan ng marahas ang walang malay na si Reese sa kama nito. Punit-punit na ang suot na wedding gown ni Reese at bakas sa itsura niya ang paghihirap na dinanas niya mula kay Carlo. Mapapatay ko si Carlo. Mapapatay ko siya! "Hayop ka!" Galit na galit kong sigaw at sumugod kay Carlo na hindi inaasahang nasa harapan ko na siya ngayon. Hinatak ko siya mula sa pagkakadagan niya kay Reese saka itinulak siya sa sahig at pinagsusuntok ko siya sa mukha niya. Kulang pa ito sa ginawa niya sa babaeng mahal ko. Demonyo siya at hinding-hindi ko siya titigilan hangga't hindi ko siya napupuruhan ng todo! "Walanghiya ka, Carlo! Itinuring ka ni Reese na kaibigan niya pero ano 'tong ginagawa mo? Pinagsamantalahan mo siya!" galit kong sigaw saka sinuntok ito sa tiyan niya. Ang sakit makita na binababoy lang ng ibang lalake ang taong mahal ko. Hindi na makapagsalita at bugbog sarado na si Carlo. Puro dugo na rin ang nasa kamao ko pati rin ang mukha niya kaya pilit na akong inaawat ni Zeke. "Sir, tama na. Baka mapatay mo na siya." Galit ko namang tinignan si Zeke. "Papatayin ko talaga ang demonyong 'yan sa ginawa niya kay Reese!" Sigaw ko at akmang susuntukin na ulit si Carlo nang bigla ulit magsalita si Zeke. "Sa tingin mo ba na kapag napatay mo si Carlo ay matutuwa si Reese sa gagawin mo? Gusto mo bang kamuhian ka niya dahil nakapatay ka?" Napatigil ako sa sinabi niya habang mabilis pa rin ang aking paghinga. Tinignan ko muna si Carlo na duguan na at walang malay na nakahiga sa sahig bago lumapit kay Reese sa kama at niyakap siya. Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko at umiyak na ako. Si Reese lang ang pangalawang babaeng iniyakan ko ng ganito bukod sa ina ko na iniwan na lang ako noong bata pa lang ako. Reese is my Kryptonite katulad ng sinabi ko noon. Nanghihina ako sa tuwing nakikita kong nanghihina rin siya. This love that now I feel is true love na mahirap nang alisin sa sistema ko. I hurted her before and I force her para lang maging akin siya pero napagtanto ko na hindi ko kailangang gumamit ng dahas para mahalin ako ng babaeng mahal ko. Kailangan kong respetuhin at sundin ang desisyon niya at kung saan siya magiging masaya ay dapat doon rin ako. Loving her is really worth it. Nabago ko ang sarili ko dahil sa kanya. Natuto akong magpakumbaba, maghintay, makipag-usap sa iba at ngumiti na walang iniintinding problema. Ang pagmamahal ay nakakabuti rin pala. Reese is my good influence and now that I already found my Kryptonite, I will definitely end my Dirty Game. "You're safe now. Please wake up, Reese.." Sabi ko at tinapik-tapik ng mahina ang mukha ni Reese na basang-basa na ng luha. Unti-unti naman siyang nagmulat ng mga mata niya at nang makita niya ako ay bigla na lang tumulo ang mga luha niya at nginitian ako. "Y-you saved me again..." Pabulong niyang sabi at hinawakan ang pisngi ko. Ngumiti ako at pinunasan ang mga luha niya. "I will protect you forever, Reese. I love you." Tumitig siya sa mga mata ko dahil sa sinabi ko at may sasabihin pa sana siya nang bigla na lang siyang nawalan ng malay. Nagpanic kaagad ako at bumaling kay Zeke na pinipilit itayo ang walang malay na si Carlo at pinosasan ito. "Zeke, dalhin mo na 'yan sa presinto. Dadalhin ko na si Reese sa Maynila at ipapagamot sa ospital kung saan doktor doon ang kuya niya." I said. Zeke nodded. "Copy that, Sir." Binuhat ko na si Reese papalabas ng mansyon nila Carlo at isinakay na sa loob ng kotse ko. "Ligtas ka na, mahal ko." Sabi ko at hinalikan siya ng mabilis sa labi. THIRD PERSON'S POV Pitong oras nang nagwawala si Ryu sa loob ng simbahan kung saan sana sila ikakasal ni Reese. Nalaman na lang niya bigla na dinukot na pala ito ng mga armadong lalake sa gitna ng daan ng Boulevard. Tumawag na ng pulis ang pamilya ni Reese para malaman kung sino ang dumukot sa kanya. Kanina pa nagsialisan ang mga bisita ng mga magulang niya na nagmula pa sa Osaka, Japan, mga business partners, mga kamag-anak nila ni Reese at ang pari na magkakasal sana sa kanila. Si Ryu at ang kanyang ina na lang ang naiwan sa simbahan. Walang tigil ang pagwawala at panggugulo ni Ryu sa set-up ng kasal nila ni Reese. Magulo ang buhok at pawis na pawis na ito habang nakasuot pa rin ng puting tuxedo. "Ahhh! Nasaan na ang asawa ko? Papatayin ko ang tarantadong dumukot sa kanya. Ahhh!" Patuloy pa rin sa pagwawala at pagsigaw si Ryu sa loob ng simbahan. Naiiyak na sa pagkalungkot ang ina ni Ryu na si Anjanette dahil sa nangyayari sa anak niya. Sobrang baliw na baliw na ito noon pa man kay Reese. Alam rin niya ang sikretong silid ni Ryu sa mansyon nila na punong puno ng mga litrato, bagay na patungkol sa dalaga at mga kagamitan nitong pasimple niyang kinukuha. Si Reese ang alam niyang magpapaligaya kay Ryu kaya hindi niya mapigilan na hindi ito suportahan sa mga gusto niya. Tumunog bigla ang cellphone ni Anjanette at binasa ang text message mula sa asawa niyang si Ryuko na nakikipagtulungan rin na hanapin ang nawawalang si Reese. Reese is now safe. Kasama niya si Sky Avenido sa ospital na pinagtatrabauhan ni Reevo. Siya ang lalakeng nagligtas sa dumukot kay Reese. Nang mabasa ni Anjanette ang text ng asawa niya ay bumaling siya kay Ryu na napaupo na sa baytang ng altar habang nakayuko. Nilapitan naman niya ang kanyang pinakamamahal na anak. "Son, nailigtas na si Reese sa mga dumukot sa kanya. Niligtas siya ni Sky Avenido." Masayang pagbabalita ni Anjanette kay Ryu. Ang akala niya ay matutuwa ang anak niya mula sa ibinalita niya dahil ligtas na si Reese ngunit bigla na lang sumama ang tingin ni Ryu sa kanya at sinakal siya na ikinagulat niya. "Anong sabi mo? Niligtas siya ni Sky Avenido? Talagang hinahamon ako ng gagong 'yon. Papatayin ko siya ngayon din mismo!" Tila nababaliw at galit na galit na sabi ni Ryu. Hindi na makahinga si Anjanette nang dahil sa pagsakal sa kanya ni Ryu. Mabuti na lang at padabog siyang binitawan ng anak na ikinahinga niya ng maluwag. Napaluha na siya nang tuluyan. Nababaliw na si Ryu, ang kanyang unico hijo. Akmang lalabas na si Ryu sa loob ng simbahan nang biglang magsalita si Anjanette. "Where are you going, son?" Naiiyak na tanong ng ginang. Humarap naman sa kanya si Ryu at nginisian siya nito. "I will kill Sky like what I did to Warren." Sabi nito at sumakay na sa kotse ng ina niya na nasa labas ng simbahan. Nanginig na sa takot si Anjanette at napahagulgol na ito ng tuluyan. Sa kabilang dako naman ay halos paliparin na ni Ryu ang kotse ng kanyang ina makapunta lang sa condo unit niya. May kukunin siyang isang bagay doon na tatapos sa buhay ng atrebida sa buhay nila ni Reese na si Sky. Kung hindi lang sana dumating ang Sky na iyon sa buhay nila edi sana ay masaya silang dalawa ngayon ni Reese pero hindi. Ginulo nito ang masaya at perpektong samahan nila ng babaeng mahal niya. Pati ang utak at puso ni Reese ay ginulo na rin ni Sky kaya hindi siya makakapayag na umeksena na naman ito sa kanila. Pagkarating niya sa kanyang condo unit ay kaagad siyang pumasok sa loob nito at may kinuhang isang bagay sa itim na cabinet na minsan ay nakita na rin ni Reese noon nang magpalipas ito ng gabi sa condo niya. Hinimas niya ang hawak niyang baril at pinunasan gamit ang kanyang mga daliri. "Mukhang sa ikalawang pagkakataon ay magagamit na naman kita, my little gunny." Nakangising sabi ni Ryu kasabay ng matinding pagtawa niya. Ang hawak niyang baril ay minsan niya na ring ginamit sa isang lalakeng tinangkang agawin si Reese mula sa kanya at iyon ay si Warren.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD