Chapter 48

1526 Words
REESE' POV Ang kasal ay isang sagradong okasyon na kung saan ay dapat magpapakasal ang isang babae sa lalakeng mahal niya at paglalaanan niya ng buong buhay niya. Ang sabi nga nila, marry the one you love pero iba ang sitwasyon ko. Magpapakasal ako sa taong hindi ko naman mahal alang-alang sa pamilya ko. Magpapakasal ako sa lalakeng hindi ko akalain na sasaktan pala ako. I trust him, I love him as my real friend and I owned him for that pero hindi ko akalain na magiging makasarili siya at sasaktan ang damdamin ko nang ganito. He has an angelic, handsome and cute face but the real him is too dangerous and obsessive. How can I escape from him? How can I escape from this kind of situation? Nakasakay ako ngayon sa bridal car patungo sa simbahan kung saan kami ikakasal ni Ryu. My make-up artists said that I'm now the most beautiful bride in the world. I'm beautiful but I can't feel it. I can't feel that I'm beautiful because I don't love the man that I am going to marry. Nasira na ang make-up ko sa walang tigil kong pag-iyak na napapansin na ng driver ng bridal car na sinasakyan ko na si Mang Jerry. "Ma'am Reese, ayos lang po ba kayo?" Tanong niya at tumingin ito sa akin nang may pag-aalala. Tumango lang ako at ngumiti ng pilit. "O-okay lang po ako, Mang Jerry. Huwag niyo na lang po akong pansinin." Tumango naman siya na bakas pa rin ang pag-aalala sa kanyang mukha saka na ulit ito nagfocus sa pagmamaneho niya. Ilang saglit lang ay biglang huminto ang bridal car na sinasakyan ko kaya napatingin ako kay Mang Jerry. "Mang Jerry, bakit po huminto ang sasakyan?" Tanong ko. Magsasalita na sana si Mang Jerry nang may biglang pumasok na dalawang lalake sa loob ng bridal car at tinakpan ang ilong ni Mang Jerry gamit ang panyo at nawalan na lang bigla ito ng malay. Bigla ay kinabahan ako at nanginig na sa takot nang tinignan ako ng isang lalakeng nakatakip ng itim na bonnet sa buong mukha saka tinakpan rin nito ang ilong ko ng panyo at tuluyan na akong nawalan ng malay. Nagising ako at napamulat ng mga mata ko. Natatandaan ko ang mga nangyari kanina. May dalawang lalakeng nakatakip ng itim na bonnet sa buong mukha nila na pumasok mula sa bridal car na sinasakyan ko at tinakpan ang ilong namin ni Mang Jerry gamit ang panyo na sa tingin ko ay may halong kemikal iyon para tuluyan kaming mawalan ng malay. Sino naman ang gagawa sa amin nito? Nakita kong unti-unting bumukas ang pintuan mula sa kwarto na pinagdalhan sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakaposas ang magkabilang kamay ko habang nakatali naman ng lubid ang dalawang paa ko and I'm still wearing my wedding gown. Nakaupo rin ako sa isang malaking kama at walang ibang ilaw sa kwarto kundi ang liwanag na nagmumula sa bintanang nakasara sa kwarto. I silently crying. Natatakot na ako ng sobra. Nanlaki ang mga mata ko at halos hindi ako makapagsalita sa gulat nang pumasok ang isang lalakeng hindi ko inaasahan na siya ang makakagawa nito sa akin. Kahit madilim ang paligid ay kitang-kita ko ang buong mukha niya. "Hi Reese. Nagulat ka ba at ako ang nakita mo?" Nakangising sabi niya at umupo ito sa gilid ng kama ko. Tuluyan na akong umiyak habang tinititigan siya. "P-Paano? B-bakit mo ako kinidnap?" Nanginginig kong tanong dahil sa takot ko sa kanya. Ngumiti lang siya saka lumapit sa akin hanggang sa magkalapit na ang mga mukha namin. He has an innocent and bright face pero hindi ko akalain na magagawa niya sa akin ito. Nilagay niya ang ilang strands ng buhok ko sa gilid ng tenga ko saka ito bumulong sa akin. "You're asking why? Because I like you and I don't want you to marry that f*****g Ryusuke Hiroshi!" It give me goosebumps hearing what he said to me. Nakakatakot pati ang tono ng pananalita niya. Ibang-iba sa unang beses na narinig ko ang boses niya. Hinarap ko pa rin siya kahit puno na ng takot at kaba ang sistema ko. "Bakit, Carlo? Bakit mo sa akin ginagawa 'to? May ginawa ba akong masama sa'yo?" I shout while I'm still crying. Tumawa lang siya ng malakas sa sinabi ko at lumayo ng kaunti sa akin. "Oo, may ginawa kang masama sa akin. Alam mo kung ano 'yon? The f**k Reese Santillan! Ako na si Carlo Montreal na isang playboy ay nagising na lang bigla na baliw na baliw na sa'yo. Ano bang ginawa mo para mangyari sa akin 'to? Did you hypnotized me? Wala na akong ibang nakikita sa paligid ko kundi ikaw. Kahit sa pagtulog at paggising ko ay pinagpapantasyahan na rin kita! I'm crazy right now over you, Reese..." He said at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang tignan si Carlo. Nakakatakot siya. "Face me!" Sigaw niya at pilit akong iniharap sa kanya. Napatingin ako sa kanya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. I can see the desire and lust in his eyes. He's so scary. This is not the Carlo that I know. He's totally different now. "Hindi na talaga ako magtataka kung pati 'yung baliw mong bestfriend na si Ryu, si Sky na tuluyan mong napabago at 'yung Austin na playboy ay nagkagusto rin sa'yo. You're so innocent and addictive, Reese. Pero badluck na lang sila dahil ako ang unang nakakuha sa'yo and I won't waste this time na hindi kita makukuha." Then he laugh like an insane person. Humagulgol na ako ng tuluyan nang pilit hinuhubad ni Carlo ang wedding dress na suot ko. Kahit anong pagpupumiglas ko ay parang wala lang rin dahil parehong nakaposas at nakatali ang magkabilang kamay at paa ko. Napapikit na lang ako at nanalangin. Siya kaagad ang unang naisip ko na magliligtas sa akin. Sky, please save me. SKY'S POV I hired my family's Private Investigator para i-monitor ang sitwasyon sa kasal na magaganap kina Reese at Ryu. Nalaman ko kay Kuya Red na kaya pala si Reese magpapakasal kay Ryu ay dahil iyon sa business partnership nila. Nalugi ng halos kalahati ang business ng pamilya ni Reese nang i-pull out ng ina ni Ryu ang shares nito sa business clothing line nila. Ginawa ito ng ina ni Ryu dahil sa pagsasampa ng kaso ng pamilya ni Reese sa anak niya at para hindi na ito makulong. Naiintindihan ko na ang lahat. Reese rejected me because of their family's business. Ayaw niyang maghirap ang pamilya niya na kahit hindi niya gustong magpakasal kay Ryu ay gagawin niya iyon para lang sa pamilya niya. She really loves her family that much. I was too selfish at inisip na niloko lang niya ako at pinaikot. Plano ko sanang kunin siya mula sa pamilya niya para makaganti sa ginawa niya sa akin pero nalaman ko kay Kuya Red ang dahilan kung bakit ito magpapakasal kay Ryu. Ayokong matuloy ang kasal nila ngayon kaya kumuha ako ng Private Investigator para i-monitor at guluhin ang kasal nina Reese at Ryu. Tumatawag sa cellphone ko ang Private Investigator ko kaya sinagot ko ito. "Hello?" (Sir Sky, may dumukot kay Ma'am Reese.) Nagulat ako sa sinabi niya kaya napaayos ako ng pagkakaupo ko. "Talaga? Natrack mo ba kung kaninong sasakyan ang ginamit ng mga kidnappers?" Tanong ko. (Opo, Sir. Nakaregister po ang pangalang Carlo Montreal sa sasakyan na ginamit ng mga kidnappers. Natrack ko rin po ang location nila. Puntahan niyo na lang po ako dito sa Boulevard para masundan po natin sila.) "Okay. Thank you, Zeke." (No problem, Sir.) Napahawak ako nang mahigpit sa cellphone ko at parang gusto ko nang magwala at pumatay ng tao dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. Si Carlo, talagang baliw na ang lalakeng iyon. Kaya pala iba na ang mga ikinikilos niya nitong mga nakaraang araw at hindi na rin ito nagpapakita sa amin. Pinagplanuhan niya siguro ang pagdukot niya kay Reese. Kapag may nangyari talagang masama kay Reese ay hinding-hindi ko siya patatahimikin hanggang sa impyerno. Gamit ang kotseng dala ko ay pinuntahan ko sa Boulevard ang Private Investigator kong si Zeke. Mas matanda lang ito sa akin ng apat na taon at matagal na ring pinagkakatiwalaan ng pamilya ko. Namatay na ang ama niya na isa ring Private Investigator ng pamilya namin kaya siya na ang pumalit. Nang marating ko ang Boulevard ay nakita ko si Zeke na nasa gilid ng daan at mukhang inaabangan ako. Nakita ko naman ang nakahintong bridal car sa gitna ng daan na pinagkakaguluhan na ng mga tao. "Hop in." Sabi ko at hininto ang kotse ko sa harapan niya. Pumasok naman siya sa loob ng kotse ko at umupo sa front seat katabi ko. "Nasaan sila ngayon?" Tanong ko na nakatiim-bagang. Kapag nakita ko talaga ang Carlo na iyon ay mapapatay ko siya. Tumingin saglit si Zeke sa hawak niyang tracker saka siya bumaling sa akin. "Nasa Sta. Rosa, Laguna sila ngayon. Sir." Oh great. Alam ko na probinsya iyon nila Carlo. Don't worry, Reese. I will save you no matter what happen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD