NICCOLO'S POV
I'm happy now dahil magcoconfess na ako kay Ailah nang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi na rin namin kailangang ipakasal ni Lian para lang maipagamot ang mama ko mula sa sakit niya.
Kung aamin ba ako na mahal ko si Ailah ay tatanggapin niya pa rin kaya ako sa kabila ng pagtataboy at pinagsasabi ko sa kanya na hindi ko siya mahal kahit hindi naman talaga ganon ang gusto kong iparating sa kanya?
Sana ay hindi pa huli ang lahat.
Inaabangan ko ngayon si Ailah sa labas ng classroom nila dahil gusto ko siyang makausap. Habang naghihintay ako sa kanya at nakasandal sa pader ay maraming napapatingin sa aking mga estudyante ng YGA pero hindi ko na lang sila pinapansin. Maybe they recognize me as a Basketball Varsity Player of YGA.
Nang nagsilabasan na ang mga estudyante sa classroom nila Ailah ay napaayos ako sa pagkakatayo ko at huminga ng malalim.
Niccolo, this is your last chance at huwag ka nang maging torpe pa.
Nang makita ko si Ailah na papalabas na rin sa classroom nila ay nagulat siya nang makita ako. Lumapit naman ako sa kanya.
"Ailah, can we talk?" I asked.
She's staring at me at parang hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon.
Magsasalita na sana siya nang biglang may magsalita. "Ano pa bang pag-uusapan niyo? May fiancé ka na, 'di ba kaya bakit mo pa gustong makausap si Ailah?"
Napalingon kami ni Ailah sa nagsalita at si Jedus ito na nakatitig ng masama sa akin.
"I just want to talk to Ailah. That's it." Sabi ko naman.
Natawa lang siya sa sinabi ko at lumapit sa akin na nakatiim-bagang. "Ano pa bang sasabihin mo kay Ailah? Bakit, Niccolo? Paaasahin mo na naman ba siya?!" galit na sabi niya. Napabuga na lang ako ng hangin.
Jedus is acting na parang boyfriend siya ni Ailah. I know he likes Ailah at palagi siyang nandiyan para sa kanya pero alam ko namang ako ang mahal ni Ailah at.. mahal ko rin siya.
I look again at Ailah. "Pwede na ba kitang makausap?"
I know her. Hindi niya ako kayang tanggihan. Matagal na niya akong gusto at gagawin niya ang lahat para lang pansinin ko siya. I was being a coward na hindi ko masabing mahal ko rin siya.
Matagal ko na siyang gusto. Hindi mahirap mahalin si Ailah at ang gago ko nga siguro na binabaliwala ko lang ang nararamdaman niya para sa akin.
She nodded suddenly. Napangiti naman ako nang makita ko ang galit na galit na ekspresyon ni Jedus. Kaagad niya namang nilapitan si Ailah.
"Ano, Ailah? Makikipag-usap ka pa sa gagong 'yan? Baka may kung anong sabihin lang siya sa'yo at paasahin ka na naman!" Jedus complain.
Ailah sighed again. "Jedus, kailangan naming mag-usap ni Niccolo. Please? Hayaan mo muna kami." Nagmamakaawa na sabi ni Ailah.
Umiling lang si Jedus na parang hindi makapaniwala sa sinabi nito.
"Bahala ka." Sabi ni Jedus at bigla na lang itong umalis.
Bumuntong-hininga si Ailah at bumaling na sa akin. Ngumiti naman ako at nilapitan siya.
"Salamat at pumayag kang makipag-usap sa akin." Natahimik naman siya at tumango lang.
Wala na akong sinayang na oras pa at kinausap ko na siya.
"Ailah, I love you. Matagal na kitang mahal. Alam ko na naging duwag ako para sabihin sa'yo na hindi kita gusto pero kailangan ko 'yon sabihin sa'yo dahil sa mama ko." I confessed.
Nagulat siya sa sinabi ko at napaawang ang bibig niya.
"M-mahal mo ako?" Gulat niyang tanong. I nodded at hinawakan ang kamay niya.
"Hindi na matutuloy ang kasal namin ni Lian. Kailangan ko siyang pakasalan dahil kailangan namin ang pamilya nila para maipagamot ko si mama mula sa sakit niya pero ang sabi ni Lian ay hindi na namin kailangang gawin 'yon dahil hindi naman namin mahal ang isa't-isa para magpakasal. Alam niya na ikaw ang mahal ko, Ailah..." sabi ko.
Bigla na lang nangilid ang mga luha ni Ailah sa sinabi ko at bakas pa rin ang gulat sa mukha niya.
"May s-sakit ang mama mo?" Tanong niya. Tumango ulit ako at pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
"That's the reason why I'm always ignoring you. Ayokong umasa ka sa akin dahil ikakasal na ako sa iba para maipagamot sa sakit ang mama ko. Papalugi na ang business ng pamilya ko, Ailah kaya wala na akong ibang choice kundi ang pakasalan si Lian nang dahil sa pera nila." Humagulgol na ng tuluyan si Ailah at pinaghahampas niya ang dibdib ko.
"Bakit ngayon mo lang sa akin sinasabi 'to? Alam mo bang iniisip ko na all this time ay hindi mo ako gusto? You're only doing this because of your mother. I hate you for lying to me!" Niyakap ko na lang siya habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak niya.
"I'm sorry for hurting you. Promise, babawi ako sa'yo. Just please give me one more chance to prove how much I love you," I said. Humarap naman siya sa akin at pinunasan ang mga luha niya.
"You don't need to do that, Niccolo. Gusto ko lang makita ang mama mo at makausap siya."
"Talaga?" nakangiti ko nang sabi. Ngumiti naman siya sa akin at tumango.
"Ipagdadasal ko ang mama mo na sana ay gumaling na siya sa sakit niya." She said.
Napatitig ako kay Ailah. Bakit ba sa akin nagkagusto ang babaeng ito? I'm so damn lucky to have her.
Hindi na ako nakapagpigil pa at hinila ko siya saka hinalikan. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko pero 'di kalaunan ay hinalikan niya na rin ako pabalik.
Damn! I'm really in love with her.
JEDUS' POV
Jedus, bakit ba nasasaktan ka? Umaasa ka lang sa kanya kaya wala kang karapatang masaktan. Alam mo sa sarili mo na kahit kailan ay hindi ka niya mamahalin. Isang kaibigan lang ang turing niya para sa'yo!
Nagpunta ako sa likod ng building ng YGA at sinuntok ang pader doon. Sinaktan at pinagtabuyan na nga siya ni Niccolo pero sa huli ay hindi niya pa rin matanggihan ang lalakeng iyon.
Kung ako na lang sana ang minahal ni Ailah ay hindi na siya masasaktan at aasa pa.
"Broken hearted?" Napaangat ako ng tingin sa biglang nagsalita at si Lian ito na nasa harapan ko na pala.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa mukhang manika na babaeng ito.
Ngumiti naman siya. "Katulad mo ay nagse-senti rin ako." sabi niya at tumabi siya sa akin.
"Bakit ka naman nagse-senti? Hindi ba't ikakasal na kayo ni Niccolo kaya dapat lang ay maging masaya ka?" sabi ko. Tumawa naman siya at umiling.
"Hindi ko naman mahal si Niccolo kaya bakit ako magiging masaya?"
Napahinto ako sa sinabi niya at tila naguluhan.
"Ang akala ko ba ay mahal mo siya?" Tumawa lang siya sa sinabi ko.
"Sinong nagsabi nyan? Ikakasal lang naman kami dahil kailangan niya ng pera para maipagamot ang mama niya sa sakit nito."
Napatigil ako doon.
"Ikaw, Jedus? Hindi ka naman siguro bulag para hindi makita na gusto rin ni Niccolo si Ailah pero pinipigilan lang niya ang sarii niya na magkagusto kay Ailah. Sila talaga ang nakatadhana para sa isa't-isa kaya 'wag na natin pang pigilan 'yon."
"Anong pinagsasabi mo? Ilang beses nang sinaktan ni Niccolo si Ailah." Mapait kong sabi.
"Sa laro ng pag-ibig, may masasaktan at magsasakripisyo. Mahal mo si Ailah, hindi ba? Kung mahal mo siya ay hahayaan mo siyang maging masaya sa taong mahal niya."
I stunned on what she said.
Hahayaan ko na lang ba talaga si Ailah kay Niccolo? Sa huli ay talo na naman ako. Lumalaban pa rin ako sa laro na hindi ko alam kung may tsansa ba akong manalo.
Mahal na mahal ko si Ailah. Simula pa noon ay siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Nakita ko ang paghihirap at sakit na dinanas niya sa tuwing binabaliwala at pinagtatabuyan siya ni Niccolo sa mga efforts na ginagawa niya para lang mapansin siya nito pero ano bang magagawa ko kung si Niccolo talaga ang mahal niya?
"Hindi na ba matutuloy ang kasal niyo ni Niccolo kaya mo sa akin sinasabi 'to?" I asked.
Lian nodded. "Yup. Hindi namin kayang matali sa isa't-isa na hindi naman mutual ang feelings namin."
I sighed. "Pareho pala tayo. Hindi tayo gusto ng mga taong mahal natin."
Natawa naman siya sa sinabi ko. "Tutal kung ganon rin naman pala ay bakit hindi na lang maging tayo? Gwapo ka naman at maganda ako kaya bagay tayo." She joked then she laugh again.
Natawa na lang rin ako at napatitig sa kanya. Maganda si Lian. Maamo ang mukha at mukhang manika na may bangs.
Napansin niya naman ang pagtitig ko sa kanya kaya kaagad siyang umiwas ng tingin sa akin.
"Uy, bakit ka ganyan makatingin sa akin? Nakakailang, ha!" Sabi niya at tumingin ito sa ibang direksyon.
Iniharap ko naman siya sa akin at hinawakan ang baba niya. "Why don't we date? Malay mo ay magwork tayo."
Tumingin siya sa akin na nanlalaki ang mga mata. "Are you kidding me?" Gulat na gulat niyang tanong.
"I'm not. Sabi mo nga ay gwapo ako at maganda ka kaya bagay tayo. Pareho pa tayong broken hearted kaya why don't we try? Wala naman sigurong mawawala doon."
Sandali naman siyang napaisip sa sinabi ko pero 'di kalaunan ay tumango siya at lumayo ng kaunti sa akin. "Okay! Papayag na ako but in one condition."
"Ano namang kondisyon?" Tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay at nginisian pagkatapos. "Ililibre mo ako sa spa at salon na gusto ko. Ipagsho-shopping mo rin ako bilang kabayaran. Ano, game?"
Natawa ako sa sinabi niya at tumango. "Ayon lang ba? Sige, pero hindi ka naman lugi sa akin dahil gwapo at hot naman ako, ah? Ang swerte mo pa nga kung magiging boyfriend mo ako."
Sinuntok naman niya ang braso ko na ikinatawa ko lang. "Ang conceited mo talaga, Jedus!"
Syempre, conceited ako kasi nga gwapo ako at hot pa. 'di ba, girls?