LIAN'S POV
Ngayon ay nakatingin lang ako kay Niccolo na nakayuko at kanina pa tahimik. Alam kong galit sa aming dalawa ang mga kaibigan nila Ailah pero may dahilan kami ni Niccolo kung bakit namin ito ginagawa.
May sakit ang ina ni Niccolo at papalugi na rin ang negosyo nila kaya kailangan niyang maikasal sa akin para lang maipagamot niya ang kanyang ina sa sakit nitong Leukemia. Hindi totoo ang sinasabi ni Niccolo kay Ailah na mahal niya ako dahil alam ko na si Ailah naman talaga ang mahal niya.
Madaling mahalin si Niccolo pero kahit na anong gawin ko ay kay Austin pa rin tumitibok ang puso ko.
Ang tanga ko, no? Pinagtabuyan na niya ako at ginamit pa pero sa huli ay mahal ko pa rin siya. Ewan ko ba dito sa puso ko pero aasa pa ba ako? Ni ayaw na nga niya akong makita at makausap.
"Niccolo, are you okay?" Tanong ko kay Niccolo na ikinalingon naman niya.
Umiling lang siya at tumingin sa akin. "Hindi, Lian. Kahit kailan ay hindi ako naging okay." Malungkot niyang sabi. I smiled weakly at niyakap siya.
"Alam ko na mahal mo si Ailah. Kung mahal mo talaga siya ay ipaglaban mo siya." Napahinto naman si Niccolo sa sinabi ko.
"Kung magagawa ko lang 'yon ay sana matagal ko nang ginawa pero ayoko namang pabayaan si mama. Kailangan niyang maoperahan at ma-diagnose sa sakit niya." he said. I sighed at nginitian siya.
Niccolo is a kind and caring son. Mahal na mahal niya ang pamilya niya at gagawin niya ang lahat para lang sa kanila. Hindi na ako magtataka kung bakit nagkagusto man sa kanya si Ailah.
Bagay silang dalawa at kung sila ang nakatadhana para sa isa't-isa ay tutulong ako na mangyari iyon.
"Pwede namang mangyari 'yon nang hindi ka ikinakasal sa akin. We're talking about marriage, Niccolo. We need to marry the one that we truly love dahil kapag nagpakasal ka sa taong hindi mo mahal, sa huli ay pagsisisihan mo 'yon." Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"Paano mangyayari 'yon e, wala na akong choice?"
I rolled my eyes. Gwapo nga siya at mabait pero natatanga namang magdesisyon.
"Duh? Pwede ko naman pakiusapan sina mommy na tulungan kang maipagamot ang mama mo nang hindi tayo ikinakasal. Naka arranged marriage na tayo noon pa pero its 20's na, Niccolo. Maiintindihan naman nila na hindi natin gusto ang isa't-isa at pareho nating ayaw maikasal. I will help you basta sundin mo lang ang itinitibok niyang puso mo." He stunned on what I said at tinitigan ako.
Unti-unti siyang napangiti at bigla na lang akong niyakap na ikinagulat ko. "Thank you so much, Lian." I smiled and hugged him back.
"No worries basta 'wag ka nang magpaka torpe diyan at sundin mo kung sino talaga ang nais ng puso mo. Malay mo sa isang iglap lang ay iba na ang lalakeng magpapasaya sa kanya." Sabi ko.
Humiwalay naman si Niccolo sa pagkakayakap niya sa akin at iniharap ako sa kanya. "You're right. I need to fight my feelings for her and I will not allow that some guy will get what's mine."
Sana ganyan rin ako kay Austin pero mukhang malabong mangyari iyon because our feelings are not mutual.
IVO'S POV
Sa ilang araw naming pag-iimbestiga sa background ng pamilya nila Reese at Ryu ay nalaman namin na itatakda na pala silang ikasal noon palang pagtungtong nila sa edad na 18. And now that they are already 18 years old ay ikakasal na sila.
We feel somehow dissappointed. Hindi pa namin mahanap si Sky na ilang araw na ring hindi pumapasok sa klase nila base sa sinasabi sa amin ni Ailah.
"Bakit pa ba nauso ang arranged marriage na 'yan? Hindi ba pwedeng wala na lang ganyan at piliin na lang ng isang tao ang taong mahal niya?" Sabi ni Ailah na alam naming may double meaning.
Tumikhim naman si Jedus at bigla na lang nitong iniba ang usapan. "Paano na natin mapipigilan ang kasal nina Reese at Ryu kung nawawala pa si Sky? Wala naman tayong magagawa dahil base sa background check na ginawa natin ay nakatakda na talagang maikasal sina Reese at Ryu." sabi niya.
Sumubsob na lang sa lamesa si Raven at hinilot nito ang sentido niya. "What a complicated situation. Mabuti na lang at natapos na kami sa ganyang sitwasyon ni Serene."
"Speaking of Serene, bakit nga pala siya umuwi ng probinsya?" Tanong ni Ailah.
Bumuntong-hininga naman si Raven. "Kailangan namin siyang ilayo mula dito sa Maynila para hindi na siya guluhin pa ni Vince. Nakakulong nga si Vince pero dahil alam naming makapangyarihan sila ng pamilya niya ay posibleng makalaya siya with his connections at kunin na lang bigla si Serene. He's obsessed to Serene since then. Hindi ko nga alam kung bakit ngayon ko lang nalaman ang mga pinag-gagagawa niya kay Serene edi sana maaga ko na siyang naprotektahan sa lalakeng iyon noon pa." Dismayado niyang sabi. Inakbayan naman siya ni Jedus.
"Wala kang kasalanan, bro. Nakikita naman namin na ginagawa mo ang lahat para lang maprotektahan si Serene. Sadyang may mga tao lang talagang kasing sama niyang Vince na 'yan na paguguluhin pa ang buhay niyo." Ngumiti si Raven sa sinabi ni Jedus at tumango na lang.
Sa aming magkakaibigan ay ako lang ang walang pinagdadaanang problema at komplikadong sitwasyon ngayon. Masaya naman kasi ako sa kung anong mayroon ako kaya hangga't may problema sila ay tutulungan ko sila.
"Mabuti pa si Ivo, walang iniisip na problema." Sabi ni Ailah at nginitian ako.
"Oo nga. Wala ka man lang bang nagugustuhang babae o lovelife man lang?" Tanong naman ni Jedus.
Umiling lang ako nang nakangiti. "Wala, ah. Masaya na ako na natutulungan ko kayo at nasasamahan sa mga problema niyo." Napangiti naman sila sa sinabi ko.
"Ang bait naman talaga, pero kahit crush ba ay meron ka?" Tanong ni Raven.
Napahinto ako sa tanong niya.
Crush? Meron naman pero kasi..
"So, may crush ka nga? Sino?" Mapanuksong tanong ni Ailah habang nakangisi sa akin.
Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"S-si.." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil sa hiya.
"Si?" Tanong pa nila nang sabay-sabay.
Napakagat-labi nalang ako.
"Si Coach Fred." At biglang namula ang pisngi ko pagkabanggit ko sa pangalan ni Coach Fred.
Napaawang ang mga bibig nila sa sinabi ko at nanlaki ang mga mata nila dahil sa gulat.
"Bakla ka, Ivo?" Sabay na sabay nilang tanong.
I pouted. "Oo. Masama bang maging bakla?" Malungkot kong sabi.
At bigla na lang nahimatay si Ailah dahil sa sinabi ko.
Hala? Anong ginawa ko?
THIRD PERSON'S POV
Nakatingin ngayon ang batang lalakeng si Sky sa isang batang babaeng masayang nakikipaglaro sa hawak nitong manika sa playground na malapit lang sa bahay nila sa Bataan. Hindi niya maialis ang tingin niya sa batang babaeng napakaganda at may mala inosenteng mukha.
Gamit ang dala niyang polaroid camera ay pasimple niyang kinuhanan ng litrato ang batang babae habang nagtatago siya sa isang puno malapit lang sa kinaroroonan nito. Nang makuhanan niya na ito ng litrato ay napangiti siya at pinagmasdan ang litrato ng batang babae.
"Ang ganda-ganda talaga niya. Sana siya na ang maging future wife ko paglaki ko..." Nakangiting ani ng batang si Sky.
Nang lumingon siya ulit sa kinaroroonan ng batang babae ay nagulat na lang siya nang makitang nakatingin na sa kanya ito na nanlalaki ang mga mata.
Kaagad siyang nilapitan ng batang babae dala ang hawak nitong manika at tinitigan siya ng masama. Napaawang ang bibig ng batang si Sky dahil ngayon lang niya nakita nang malapitan ang batang babaeng pinagmamasdan lang niya mula sa malayo.
Nasa Bataan siya ngayon at nagbabakasyon sila dito ng kanyang ama at ina. Aksidente lang niyang nakita ang batang babae sa playground na naglalaro nang mag-isa.
Araw-araw lang itong nasa playground at masayang nakikipaglaro sa manika nito. Namangha siya sa angking kagandahan nito at sa murang edad ni Sky ay ngayon lang siya humanga sa isang babae bukod sa ina niya.
May kung ano rin sa kanyang dibdib na nagwawala kapag nakikita niya ang batang babae. Alam niya sa sarili niya na gusto niya ang batang babae kaya habang hindi pa sila umuuwi ng mga magulang niya mula sa bakasyon nila sa Bataan ay sinusubaybayan at tinitignan niya ang batang babae mula sa malayo.
"Are you stalking me?" Mataray na tanong ng batang babae kay Sky na nakaawang pa rin ang bibig habang nakatitig sa kanya.
"N-no!" Sabi naman ni Sky at umiwas ito ng tingin sa batang babae.
"Liar! I saw you taking pictures of me so you are my stalker!" sigaw ng batang babae sa kanya na ikinalingon niya dito.
Napangiti na lang bigla si Sky nang makita niyang kahit sinusungitan at sinisigawan na siya ng batang babae ay ang ganda-ganda pa rin nito sa paningin niya.
"You're only mine..." Wala sa sariling banggit ni Sky habang nanatili pa ring nakatingin sa batang babae.
Kumunot naman ang noo ng batang babae sa sinabi niya at pinameywanganan siya. "Nobody owns me. Nobody owns Vereese Santillan!" Sigaw pa ng batang babae bago na ito tuluyang umalis sa harapan niya.
Pinagmasdan lang ni Sky ang batang babae habang naglalakad na ito papalayo sa kanya.
"Vereese Santillan. You're only mine..." Sabi ng batang si Sky habang nakangiting mag-isa.