Chapter 45

1637 Words
AUSTIN'S POV Hindi ako makapaniwala na ikakasal na si Reese sa bestfriend niyang si Ryu. Usap-usapan sila sa buong YGA at sa pambabasted rin ni Reese kay Sky. Hindi ko maintindihan ang lahat. Ang akala ko ay si Sky ang gusto ni Reese base sa mga napapansin ko pero alam ko rin kung gaano kabaliw at kaobsess ang Ryu na iyon kay Reese. Baka naman ay may ginawa ang lalakeng iyon para siya ang piliin ni Reese? Hindi na talaga ako magtataka kung mangyari man iyon. Nasa may basketball gym ako at busy sa pagpapractice ng basketball nang makita ko sina Lian at ang isang kasamahan ni Sky sa basketball team nila na sa pagkakaalam ko ay Niccolo ang pangalan. Sa mukha pa lang ng Niccolo na ito ay mahahalatang suplado rin siya katulad ni Sky. Walang ekspresyon ang mukha niya at parang hindi niya alam na kasama niya si Lian habang naglalakad sila. Siya pala ang bagong lalake ni Lian? Siguro ay nagsawa na siya sa akin dahil ilang beses nang may nangyari sa amin. Mahal niya raw ako pero may kapalit na kaagad akong iba? Tsk! Nagulat si Lian nang makita niya ako at napahinto sa paglalakad niya kaya tumigil rin sa paglalakad si Niccolo at tinignan ako. Ngumiti naman ako at lumapit sa kanila. "Hi! Kayo na pala. Congrats." Sabi ko. Natahimik naman si Lian doon at hindi makapagsalita. "Thanks," Walang emosyong sabi ni Niccolo. Natawa naman ako and I look again at Lian. "Mahal mo pala ako pero may kapalit na kaagad ako? Wow, ha?" Sarkastiko kong sabi. Hindi ako nagagalit o nagseselos sa kanila. In fact ay natutuwa pa nga ako dahil may iba nang lalake ang magpapasaya kay Lian hindi katulad ko na ginamit lang ang katawan niya sa pansariling interes ko. Ang hindi ko lang matanggap ay ang sasabihin niya sa aking mahal niya ako pero mayroon na kaagad siyang iba. Wala na pala akong pakialam sa kanila. Si Reese lang ang dapat kong isipin at kung paano ko ulit siya makakausap. Simula kasi nung may nangyari sa pagitan nila ni Sky ay hindi na siya pumapasok sa klase namin. Maraming mga estudyanteng babae ang nagalit nun kay Reese kesyo paasa raw siya at pinaglaruan lang ang damdamin ni Sky pero hindi ako naniniwala doon. Napatunayan ko nang mabuting tao si Reese at baka may dahilan siguro siya kung bakit magpapakasal siya kay Ryu. Nakita ko na naluluha na si Lian sa sinabi ko at tinignan niya ako ng masama. "Bakit, Austin? Ang akala mo ba ay hahabol-habulin pa kita sa panggagamit na ginawa mo sa akin? Wala kang pakialam kung may ipapalit man ako sa'yo dahil kahit kailan ay hindi na kita mamahalin!" Sigaw niya sa akin. Kumunot naman ang noo ni Niccolo sa sinabi ni Lian at niyakap niya ito. Napailing na lang ako. Nasa teleserye ba kami at masyado yatang sweet at madrama ang mga nasa harapan ko? I smirk. "Then, okay. Iyan naman ang gusto kong marinig mula sa'yo. I'm happy that you're now moving-on. Huwag mo na akong lalapitan at kakausapin pa kahit na kailan." Sabi ko bago sila tuluyang iniwan. Narinig ko pa ang paghagulgol ni Lian dahil sa sinabi ko at ang pagpapatahan naman sa kanya ni Niccolo. Wala akong pakialam sa kanila pero.. bakit parang nasasaktan ako? RED'S POV Ayoko munang umuwi sa bahay namin. Maiinis lang rin ako sa mga tao doon at baka magwala lang ako kung hindi ko mapigilan ang sarili ko. Malalaman ko na lang bigla na pumayag na si Reese na makasal sa bestfriend niyang baliw at kapalit nun ay iuurong na namin ang kaso dito at sa pagbabalik ng shares ng ina niya sa business ng parents ko. Kahit kailan ay hindi ko hahayaan na makasal ang kapatid ko kay Ryu. Ayokong makasal siya sa isang mamamatay-tao. Sa condo ko muna ako nag-iistay. Dahil sa inis at galit na nararamdaman ko sa pamilya ko ay naisipan kong umalis at magpakalasing kaya pumunta ako sa bar na malapit lang sa condo ko. Pagkarating ko doon ay umupo kaagad ako sa isang stool na katapat lang ng bar counter at umorder ng iba't-ibang klase ng mga inumin nila. Nakita ko naman ang malalagkit na tingin sa akin ng mga babaeng nandito rin sa loob ng bar pero hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy pa rin sa pag-inom ko. Kaya kong ibangon ang pamilya ko sa hirap huwag lang maikasal si Reese kay Ryu pero wala silang tiwala sa akin. Ang tingin nila kay Red Santillan ay isang mahina at walang magagawa para sa pamilya niya. Napangisi na lang ako. Mahal ko ang kapatid kong si Reese at ayokong mapunta siya sa ibang lalake. Inalagaan at prinotektahan namin siya ni Kuya Reevo sa matagal na panahon kaya nahihirapan akong tanggapin na mawawala na sa amin ang kapatid namin. "You're here," Lumingon ako mula sa pagkakayuko ko at tumingala sa nagsalita na umupo sa katabi ng stool ko. Si Sky. "1 hard liquor please," Sabay order niya sa bartender. Pagkabigay naman ng bartender sa inorder niya ay ininom niya ito saka muling tumingin sa akin. I shook my head. "I know why you are here. It's because my sister, right?" Tanong ko. Hindi naman siya nagsalita pero ngumisi lang ito. This guy. Sa lahat yata ng mga nagtangkang lumapit kay Reese ay siya ang pinaka matapang at nakikita kong deserving para sa kapatid ko. Magaan ang loob ko sa kanya kahit na nagalit pa ako nung inaako niya si Reese. Misteryoso at tahimik siya pero hindi ko maitatanggi na namamangha ako sa kanya. Kumpara kay Ryu ay mas may ibubuga ang Sky na ito. "She's getting married soon." Sabi niya at pinaglaruan ang inumin niya. "Papayag ka ba na ikasal siya kay Ryu?" Tanong ko na ikinalingon naman niya sa akin. Hindi siya nakapagsalita do'n at tinignan lang ako. Natawa ako ng mahina at uminom ulit. "Sa nakikita ko kasi sa'yo ay ikaw 'yung taong hindi magpapadaig sa iba. Alam ko na lahat ng gusto mo ay nakukuha mo kaya kung gusto mong kunin si Reese ay gawin mo na. Kaysa naman na mapunta siya sa baliw at obsessed niyang bestfriend ay bakit hindi na lang sa'yo? Tutulungan pa kita." Sabi ko at nginisian siya. Unti-unti naman siyang ngumisi sa sinabi ko. "Pinapamigay mo na ba sa akin ang kapatid mo?" he asked. I chuckled. "Hindi naman sa pinapamigay pero ayoko lang na kay Ryu siya mapunta." Siya naman ang natawa sa sinabi ko. "You hate Ryu that much, huh? Pero sige, tutal ay ibinibigay mo na sa akin si Reese ay papayag ako do'n basta ba ay tutulungan mo ako." Tama pa ba itong mga pinagsasabi ko? Lasing na ako pero mas okay lang siguro na si Sky ang mapunta kay Reese kaysa naman sa tarantadong Ryu na iyon. "I will help you with my arms open wide." Nakangising sabi ko. JEDUS' POV Nakakatakot palang magalit ang bebe Ailah ko. Sinampal na lang niya bigla si Reese sa harapan ng mga estudyante ng YGA pero pagkatapos nun ay bigla na lang daw siyang nakonsensya sa ginawa niya at dapat na hindi niya iyon ginawa dahil napahiya daw si Reese sa maraming estudyante. "Nakokonsensya talaga ako sa ginawa ko kay Reese. Dapat ay hindi ko siya sinampal sa harapan ng maraming tao. Hays!" Naiinis na sabi ni Ailah sabay gulo nito sa buhok niya. "At dahil sa ginawa mo ay hindi na rin siya pumapasok. Malay mo ay may dahilan lang si Reese kung bakit siya magpapakasal sa Ryu na 'yon. Kayo na nga mismo ang nagsabi na baliw ang lalaking 'yon kaya baka pati si Reese ay minanipula na niya." Sabi naman ni Carlo. Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Carlo. May punto siya doon pero isisi ba naman niya kay Ailah kung bakit hindi na pumapasok si Reese? "Huwag mo ngang sisihin si Ailah kung bakit hindi na pumapasok si Reese sa klase natin. Sumosobra ka na, Carlo." Madiin kong sabi kay Carlo. Napailing na lang siya at hindi na muling nagsalita pa. Kahit hindi man niya aminin sa amin ay alam kong may gusto siya kay Reese. Sa ikinikilos niya ay nakakahalata na ako doon lalo pa nung aksidente kong nakita na pati wallpaper ng cellphone niya ay mukha ni Reese ang nakalagay. Delikado 'to! "Eh, kasi naman! Magpapakasal na siya kay Ryu na muntik na siyang gawan ng masama. Mas gusto ko kasi talaga si Sky para sa kanya dahil nakita niyo naman ang pagbabago ni Sky nang dahil kay Reese." Nakapout na sabi Ailah. Napangiti ako habang pinagmamasdan si Ailah. Ang ganda-ganda talaga niya sa kahit anong ekspresyon ng mukha pero unti-unti na lang nawala ang mga ngiti ko nang matauhan ako. Hindi niya ako mahal. Si Niccolo ang mahal niya na kahit sinaktan na siya nito ng ilang beses ay alam kong siya pa rin ang nasa puso niya. Pero sa ngayon ay kailangan ako ni Ailah. Gagawin ko ang lahat para ako naman ang mahalin niya. Kung maging rebound man niya ako ay papayag ako doon basta lang ay matulungan ko siyang makapag move-on na kay Niccolo. "Don't blame yourself, Ailah. Nabigla ka lang rin. All we have to do is to investigate." Sabi naman ni Ivo. "Investigate what?" Biglang pag-imik ni Raven na kanina pa busy sa paggamit ng cellphone niya. Baka katext nito ang bestfriend/love of his life niyang si Serene na balita ko ay nasa probinsiya na raw at doon na nag-aaral. "Mag-investigate kung paano nangyaring ikakasal na si Reese kay Ryu?" Isa-isang nagsitanguan ang lahat sa tanong ko except kay Carlo na bigla na lang nag walk-out at umalis. "Anong nangyari do'n?" Tanong ni Ailah sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako. "Ewan. Nabaliw na rin yata dahil kay Reese." At tumawa silang lahat dahil sa sinabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD