Chapter 44

1405 Words
THIRD PERSON'S POV Tila gustong magwala at sumigaw ni Sky. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng matinding sakit, sakit na hindi galing sa paglalaro niya ng basketball kundi sakit na nanggagaling sa puso niya. Niloko siya ng unang babaeng minahal niya. Magpapakasal na ito sa matalik na kaibigan niya. Halos hindi na siya makapag-isip ng tama dahil sa sakit at bigat na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero alam niyang isa lang ang taong magmamalasakit at makakaintindi sa kanya. Ang totoo at tapat niyang kaibigan na si Vince. Tahimik at parang pinagbagsakan ng langit at lupa na pumunta si Sky sa presinto kung nasaan si Vince. Nang pumunta siya sa selda ni Vince ay nadatnan niya itong nakaupo sa isang sulok at natutulog. Alam niya kung bakit nakakulong ang kaibigan niya. Pinakulong ito nila Raven dahil sa ilang ulit na pananamantala nito sa nobya niyang si Serene pero dahil kilala niya si Vince ay makakagawa ito ng paraan para lang makalaya siya. Mayaman ito at maraming koneksyon sa mga pulis at opisyal kaya sigurado siyang malulusutan ito ng kaibigan niya. "Vince," Tawag niya sa kaibigan. Unti-unting nagising si Vince sa tawag ni Sky at ngumisi ito nang makita ang binata. Tumayo naman ito at lumapit sa kinaroroonan niya. "What brought you here, Sky? Ngayon mo lang ako yata dinalaw, ah? Ang akala ko ay nakalimutan mo na ako dahil naging kaibigan mo na ang mga kaibigan ni Reese." Nakangising sabi ni Vince. Napailing lang si Sky. "Wala akong ibang kaibigan kundi ikaw lang. Lahat sila ay mga manloloko, lalo na si Reese." Sabi niya at napakuyom ito ng kamao pagkabanggit sa pangalan ni Reese. Namangha si Vince sa naging reaksyon ng kaibigan at tumawa ito. "Niloko ka ni Reese? Kung ganon ay dapat na gantihan mo siya. Hindi pwedeng ganunin lang ng isang babae ang isang Sky Avenido kaya gumanti ka." Makahulugang sabi nito. Napaisip naman si Sky. Tama si Vince. Kailangang pagbayaran ni Reese ang ginawang panloloko nito sa kanya pati na rin sa damdamin niya. Gaganti siya. Sasaktan niya ang damdamin ni Reese pero hindi pa rin niya maitatanggi na mahal niya ang dalaga ngunit ngayon ay mas nangingibabaw ang galit at pagkamuhi niya dito. "What do you think is the best way on how to get my revenge?" Tanong niya kay Vince. Sandaling napaisip si Vince at tumango ito pagkatapos. "Kidnap her. Ilayo mo siya sa lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya. Huwag mong hahayaang makasal siya sa bestfriend niya then after that ibahay mo at itali sa kama mo. Pasukin mo siya ng paulit-ulit at iparamdam mo sa kanya na mas masarap ka kaysa sa bestfriend niya. Sigurado akong masasaktan at pagsisisihan niya ang panlolokong ginawa niya sa'yo." Nakangising sabi nito. Sana pala noon ay naging marahas na lang siya sa dalaga ngunit dahil mahal niya ito ay nagbago siya at gumawa ng mga bagay na minsan ay hindi pa niya ginawa sa buong buhay niya. Katulad lang rin pala si Reese ng ina niya na iiwan na lang siya basta-basta nang dahil sa ibang lalake. Nagkamali siya na binangga niya ang isang Sky Avenido. Pagsisisihan ni Reese ang ginawa niyang panloloko sa kanya. "Nice idea." RYU'S POV Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Reese kasama ang buong pamilya niya at pati na rin ang mga magulang ko. Pag-uusapan na nila ang kasal na gaganapin next week. "So, what are the themes para sa kasal nila? Gusto ko 'yung engrande at magarbo dahil ininvite ko pa ang mga friends at business partners ko sa Osaka sa kasal nina Ryu at Reese." Tanong ni mama sa parents ni Reese. Umirap lang si Tita Aiko at pinagkrus ang kanyang mga kamay. "Hindi ba pwedeng simpleng kasalan lang ang magaganap? Hindi naman ginusto ng anak ko na makasal sa anak niyo." Bored na sabi niya. Sumama naman ang tingin ni Mama kay Tita Aiko at umirap rin ito. "Simple? Kasal ito ng anak ko tapos simpleng kasalan lang ang magaganap? Fine! Kung ayaw mo ng engrandeng kasalan ay ako na lang ang magpaplano ng lahat." Naiinis nang sabi ni mama. "Mas mabuti pa ngang ikaw nalang ang magplano ng lahat dahil wala akong balak tumulong sa pagpaplano ng kasal na hindi naman ginusto ni Reese." Mataray na sagot ni Tita Aiko. "Aba't talagang-" Sasagot pa sana si mama nang pinigilan siya ni papa. "Huminahon ka lang, Anjanette. Pagpasensyahan mo na si Aiko para sa anak mo." Sabi ni Papa. Natahimik naman doon si mama at umirap na lang kay Tita Aiko. Napansin ko naman ang matatalim na tingin sa akin ni Reevo pero tinaasan ko lang siya ng kilay saka hinawakan sa baywang si Reese na kanina pa tahimik at nakayuko. Napagitla siya sa ginawa ko pero hindi ko na iyon pinansin pa. "I'm so excited for our wedding day, girlfie." Masayang sabi ko kay Reese at hinalikan siya sa pisngi. Nagulat siya sa ginawa ko at nanatili lang na tahimik at nakayuko. I'm sorry Reese but i'm only doing this because I love you and I don't want to lose you. "Kayo na ang magplano ng kasal nila. Kung ano ang gusto niyo ay ganon na lang." Sabi naman ng Dad ni Reese na si Tito Ramon. Tumango naman do'n si papa. "Okay." Pagkatapos nilang pag-usapan ang kasal namin ni Reese ay nauna nang umalis ang mga magulang namin para pag-usapan naman ang pagbabalik ng shares nila mama sa clothing business line ng parents ni Reese. Naiwan kami ni Reese sa restaurant kasama si Reevo na mukhang kanina pa naiirita sa presensya ko. "Let's go home, Reese. Tapos na silang mag-usap kaya umuwi na tayo." Banggit ni Reevo at akmang hihilahin na papaalis si Reese nang pinigilan ko siya. "Saan kayo pupunta? Nandito pa ako kaya hindi pa pwedeng umuwi si Reese." Sabi ko ng seryoso. Tumawa lang si Reevo sa sinabi ko at tumingin ito sa kabilang side na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Bumaling ulit siya sa akin na nakatiim-bagang na. "Ayos ka rin e, no? Pinapaikot mo na kaming lahat sa mga gusto mo. Nakuha mo na ang kapatid ko kaya pati ba naman ang pag-uwi namin sa bahay namin ay mangingialam ka pa?" Sarkastiko niyang sabi. Ako naman ang natawa sa sinabi niya. "Sa pagkakaalam ko kasi, Reevo ay magiging asawa na ako ni Reese kaya may karapatan na akong mangialam sa buhay niya." sabi ko. Hindi na nakapagpigil pa si Reevo at kaagad niya akong kwinelyuhan. Napatingin naman sa amin ang mga taong nasa loob ng restaurant dahil sa ginawa niya sa akin. "Napakasama mo talaga, Ryusuke! Hindi ka man lang ba tinatablan ng konsensya diyan sa puso mo? Sakim ka at makasarili!" Nanggigigil na sigaw niya sa akin. "Kuya, tama na yan.." Naluluhang pag-awat naman ni Reese sa kapatid niya. Ngumiti lang ako ng mapang-asar. "Talaga, Reevo? Sakim ako? Ikaw yata ang sakim sa atin dahil kinuha mo si Ate Hazel mula sa pinsan ko. Mabuti na lang at tuluyan ka na niyang iniwan dahil hindi ka naman niya mahal." Sabi ko. Natigilan siya dahil sa sinabi ko pati na rin si Reese at tuluyan na niya akong binitawan. "Kuya, anong sinasabi ni Ryu? Kinuha mo lang ba si Ate Hazel sa pinsan ni Ryu?" Gulat na gulat na tanong ni Reese kay Reevo. Napangisi na lang ako. Kung makapagsalita si Reevo sa akin ay parang wala siyang ginawang masama. Pareho lang naman kaming sakim at makasarili sa pag-ibig. Ang akala ba nila ay mabait at disente si Reevo? Katulad ko rin siya noon. Ngayon lang naman siya nagbago simula nang iwanan siya ni Ate Hazel nang dahil sa pinsan kong si Akihiro. Napayuko lang si Reevo at hindi makatingin ng diretso sa kapatid niyang si Reese. "Sasabihin ko rin sa'yo ang dahilan, Reese. Please give me some time to explain." mahina nitong sabi. Umiling lang si Reese at parang nanghina na dahil sa mga nalaman niya. Inalalayan ko naman siya. "Are you okay, Reese?" I asked. Tumango lang siya sa akin. "Umalis na tayo dito, Ryu." Sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako ng palihim at tumango. I glance and smirk at Reevo na nakayuko pa rin bago kami tuluyang umalis ni Reese sa restaurant. Ano ka ngayon, Reevo? Malalaman na rin ng kapatid mo ang mga sikretong pinakatatago mo. Katulad ko ay naging obsessed ka rin noon. Naobsess sa isang babae na wala namang interes sa'yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD