Chapter 39

1223 Words
LIAN'S POV Ako si Lian na tanga at brokenhearted. Magmamahal na nga lang ako ay doon pa sa taong ginamit lang ako at may mahal nang iba. Bakit ba ang malas ko pagdating sa love? First time kong magka boyfriend, magka first kiss at pati ang sarili ko ay ibinigay ko na sa kanya ng ilang beses. Ang akala ko sa ganong paraan ay may pag-asang mahalin niya rin ako pero hindi pala. Sa playboy nga pala ako pumatol kaya ano pa ang aasahan ko? Na magbabago siya para sa akin? Umasa lang tuloy ako sa wala at sa huli? Ako rin ang nasaktan. "Hija, may bisita tayo ngayon at sigurado ako na masusurpresa ka." Nakangiting sabi ni Mommy sa akin. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Simula nang naghiwalay kami ni Austin ay nawalan na ako ng gana sa lahat. Masakit pa rin kasi ang ginawa niyang panggagagamit sa akin. I'm still brokenhearted at hindi ko pa alam kung kailan ako makakabangon muli at babalik sa dating Lian na walang ibang problema kundi paano niya ma-maintain ang maganda niyang bangs. "Lian, may problema ka ba? Sabihin mo lang sa akin dahil napapansin ko na ilang araw ka nang tahimik at tuliro." Nag-aalalang tanong ni Mommy sa akin. I smiled fakely at umiling lang. "W-wala po 'to, Mommy. Pagod lang po ako sa mga projects at activities namin sa school." Sabi ko na lang at kaagad umiwas ng tingin kay Mommy. Mommy caress my shoulders. "Don't stress yourself kasi, hija. Magpahinga ka rin minsan at kumain ka ng marami para lumakas ka at hindi ka manghina. Iwasan mo na 'yang pagda-diet mo, okay?" Paalala niya. Ngumiti na ako ng totoo at niyakap ang pinakamamahal kong Mommy. "Opo. I love you, Mommy." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi niya. Tumawa lang siya sa ginawa ko at hinalikan rin ang pisngi ko. "Nako! Naglambing pa ang Lian ko. I love you too, my beloved daughter." Pagkatapos naming magkaroon ng sweet moments ni Mommy ay dumiretso na kami sa sala at ang sabi niya ay mamemeet ko na raw ang fiancé ko. Alam ko na noon pa man ay may fiancé na ako pero hindi ko naman iyon masyadong pinagtutuunan ng pansin dahil sa pang-iistalk at pagmamahal ko kay Austin mula sa malayo. Siguro ay okay na rin ito at baka sakaling makalimutan ko na siya. Ilalaan ko na lang ang pagmamahal at atensyon ko sa fiancé ko at hindi sa lalakeng wala namang pakialam sa akin. "He's so handsome, anak. Bagay na bagay kayo dahil maganda ka at napakabait pa." Masiglang sabi ni Mommy. Natatawa na lang ako na tumango dahil mukhang mas excited pa siyang mameet ang magiging fiancé ko kaysa sa akin. Ilang saglit pa ay may isang gwapo, matangkad at tahimik na lalakeng pumasok mula sa sala namin. Naka longsleeves itong kulay asul at itim na pantalon na may dalang bouquet of roses. I was literally shock dahil kilalang-kilala ko ang lalakeng magiging fiancé ko pala. Its Niccolo. Ngumiti siya sa amin ni Mommy at inabot sa akin ang dala niyang bouquet of roses. "Para nga pala sa'yo." Sabi niya nang nakangiti. But I don't know if it's real smile or not dahil mahirap basahin ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi kaagad ako nakasagot at gulat na gulat pa rin na nasa harapan ko si Niccolo Yuzon. Ang lalakeng mahal na mahal ng kaibigan kong si Ailah. "Niccolo, come and seat with us." sabi ni Mommy at bineso si Niccolo sa pisngi nito. Niccolo nodded at umupo na pagkatapos. Bakit ganito? Fiancé ko pala ang lalakeng mahal ni Ailah? At bakit parang okay lang kay Niccolo ito? Ang akala ko pa naman ay may gusto siya kay Ailah base sa mga ikinikilos niya minsan sa YGA. Ayokong saktan ang damdamin ni Ailah pero.. paano ba ito? Ano nang gagawin ko? CARLO'S POV "Akin na nga 'yan!" Inis kong sabi at pilit na kinukuha ang picture na kanina ko pa tinititigan sa kaklase kong si Lemuel. "Woah! Si Vereese Santillan 'to, 'di ba? Bakit may picture ka ng girlfriend ni Sky? Don't tell me na makiki-agaw ka pa do'n kina Austin Jimenez at Ryusuke Hiroshi? 'Wag ka nang umasa, Carlo dahil binabakuran na 'yon nung tatlo." Nang-aasar nitong sabi habang nakatingin sa picture ni Reese. Sinamaan ko lang siya ng tingin at kinuha na ang picture mula sa kanya. Mabuti na lang at ibinigay na niya kundi babangasan ko talaga ang pagmumukha niya kapag hindi niya pa ibinigay 'yung picture. "Wala ka nang pakialam do'n." Sabi ko at sumandal na lang sa armchair ng upuan ko. Ang gago ay lumapit na naman sa akin at nginisian ako. "May pagnanasa ka ba kay Santillan? 'Wag mo nang taluhin ang kaibigan mong si Sky dahil mahirap siyang kalabanin at wala ka namang laban sa kanya." Bigla ay nainsulto at nagalit ako sa sinabi ni Lemuel. Kumuyom ang kamao ko at nag-igting ang panga ko. Mahirap kalabanin si Sky at wala man lang akong laban sa kanya? Ano ako, talunan? Ang isang Carlo Montreal ay talunan? Hindi pwede iyon. "Hindi ako talunan. Tandaan mo 'yan!" Sabi ko kay Lemuel na may paninigurado. Tumawa lang siya sa sinabi ko at tinapik ang balikat ko. "Kung ganon, patunayan mo dahil habang wala ka pang nagagawa ay isa ka pa ring talunan." Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya kaya kwinelyuhan ko siya at sinuntok sa mukha. Nagulat siya sa ginawa ko habang pilit naman akong inaawat ng mga kaklase ko. Dinuro ko siya at tinitigan siya ng masama. "Huwag mo akong matawag-tawag na talunan, Lemuel kasi mas talunan ka pa kaysa sa akin! Kung hindi dahil sa kamag-anak mo si Coach Dan ay hindi ka makakapasok sa Varsity Team. Tama ba?" At ako naman ang ngumisi. Bigla ay nagbulong-bulungan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ko na hindi alam ng lahat. Pinagbabawal sa YG Academy na may makapasok na isang kamag-anak ng mga officials, coaches o teachers sa mga sports, clubs at activities ng paaralan. Rules iyon na mahigpit na ipinagbabawal sa YGA pero sadyang marami lang talagang mga tsismoso't tsismosa sa YGA kaya ko iyon nalaman. Namutla na lang bigla si Lemuel sa sinabi ko at umiling siya. "H-hindi totoo 'yan! Nagsisinungaling ka!" Sigaw niya sa akin. "Totoo 'yon at hindi ba ay stepfather mo si Coach Dan?" I smirk at inis na tinanggal ang pagkakakahawak sa akin ng mga kaklase ko sa dalawang braso ko. Hindi na siya nakasagot pa sa sinabi ko at dali-dali nang lumabas ng classroom namin at tumakbo. All of my classmates looks amazed on what I said at pinalibutan nila ako. "Ang galing mo naman, Carlo! Paano mo nalaman 'yon? Sigurado akong matatanggal na sa pagiging coach ng YGA niyan si Coach Dan at baka makick out pa si Lemuel." Manghang tanong ng isang kaklase ko. Nagkibit-balikat lang ako at umupo na ulit sa upuan ko. "Hindi ko na problema 'yan. They are school rule violators so they deserved that." Sabi ko at nginitian sila. "Kyaahhh! Ang gwapo mo talaga, Carlo!" Kinikilig na sabi ng isa ko pang kaklase. "Ang cool mo talaga!" Sabi naman nung isa. Ngumiti lang ulit ako. Sino ang talunan ngayon? Kaya kong makuha at paikutin rin ang lahat kahit ang angkinin pa ang babaeng kinababaliwan ngayon nila Sky, Austin at Ryu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD