REESE' POV
Tinotoo nga ni Sky ang sinabi niya sa akin na habang nasa ospital ako ay siya ang magbabantay at mag-aalaga sa akin.
Hindi ko nga alam kung ano ang ginawa niya sa mga magulang ko at tiwalang-tiwala na sila kay Sky. Pati nga yata si Kuya Reevo ay nagtitiwala na rin sa kanya.
As usual, si Kuya Red ay wala pa ring pinagkakatiwalaan na kahit sinong lalakeng malalapit sa akin dahil natatakot na ito na baka may masama ulit na mangyari sa akin.
Naiintindihan ko naman kung bakit siya ganon. Tignan mo nga, si Ryu na hindi niya pinagkakatiwalaan at palagi pa niyang sinasabi na hindi ito makakabuti para sa akin ay ginawan nga ako ng masama kaya nga mas mabuti pa siguro na sa pamilya ko muna ako magtitiwala bago sa ibang tao.
On-going pa rin ang process ng pagsasampa ng kaso ng pamilya ko kay Ryu. Mahirap kalabanin ang pamilya Hiroshi dahil isa sila sa pinaka makapangyarihang pamilya dito sa Pilipinas at pati na rin sa Japan.
Malungkot nga na ibinalita sa amin ni Dad na maliit ang tsansa namin na manalo sa kaso pero gumagawa naman daw sila ng paraan nila Kuya Red para kami ang manalo. Sana ay dinggin ni God ang mga prayers ko na maging maayos na ang lahat.
Isang linggo na ako sa ospital at sa lunes ay pwede na rin akong pumasok. Ibinilin na naman ako nina Mom at Dad kay Sky na siya ang maghahatid-sundo sa akin sa school. Pumayag naman siya at talaga ngang pursigido siya sa akin.
Masaya ako sa pagbabago niya dahil hindi na siya 'yung Sky na kinatatakutan ko noon. Masungit at cold pa rin siya kung minsan pero mapagtityagaan na rin siya kahit papaano. Kinakausap na rin niya ang mga kateammates niya sa basketball at sa mangilan-ngilan pang tao.
"Sky, hindi ka ba napapagod na samahan ako dito sa ospital? Minsan ay naghahalf-day ka na sa klase mo para lang mabantayan ako. Baka mawala na ang pagiging consistent Top 1 student mo sa YGA nang dahil sa akin." Nakapout kong sabi at yumuko ako. Nahihiya na kasi ako sa kanya, sa effort na ginagawa niya para sa akin.
Ngumiti lang naman siya habang tinatanggal ang suot niyang sapatos. Kakauwi niya lang galing sa YGA at sa akin na naman siya dumiretso.
Bakit ba ang sweet na niya? Kaya mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya, e!
"You don't need to think that much. I can be a consistent Top 1 student even if I have so many absences and you're not my disturbance. You're so special to me so I will take care of you." Sabi niya at nagkibit-balikat lang.
Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya at namula. Kinilig na rin at the same time. Ayan na naman ang walang prenong banat ni Sky!
Kung sa ibang babae siguro ang sinabihan niya ng ganito malamang na mahimatay na sila sa kilig pero si Reese Santillan kasi ako. Ang babaeng pabebe daw, inosente, mahiyain at tahimik.
"A-ang yabang! Huwag ka ngang magpakampante na magiging topnotcher ka na lang palagi. Baka mamaya ay maagaw pa 'yan sa'yo ni Raven." Sabi ko na lang para makabawi sa pagkahiya ko sa sinabi niya.
He chuckled. "I'm not being boastful. I'm just being honest." Nakangising sabi niya at sumandal ito sa couch na kaharap lang ng hospital bed ko saka ito humalukipkip.
Masyado talagang bilib ang Sky na 'to sa sarili niya. Umirap na lang ako at kumuha ng saging sa bedside table at kinain ito. Nakita ko pa na napatingin sa akin si Sky at napaawang ang bibig nang binalatan at kainin ko na ang saging.
"Problema mo?" Mataray kong tanong at tinaasan siya ng kilay.
He shrugged at umiwas ito ng tingin sa akin. "W-wala. Sa susunod ay 'wag ka na lang kumain ng saging sa harapan ko. Para kang sumusubo ng ano e," Sabi niya pero hindi ko narinig ang huling sentences na sinabi niya dahil mahina na ang pagkakasabi niya nun.
"Ano? Pwede bang lakasan mo ang boses mo kapag nagsasalita ka? At excuse me lang, bakit naman bawal akong kumain ng saging sa harapan mo?" Mataray ko pa ring tanong.
Inis naman na ginulo niya ang kanyang buhok at huminga ito ng malalim. "Wala. Aish! Why are you so innocent?" Sabi niya at inirapan rin ako.
"Bakit ako inosente? Ang gulo mo namang kausap, Sky!" sabi ko. Mas lalo lang siyang nainis sa sinabi ko at hindi na muling nagsalita pa.
Minsan hindi ko rin maintindihan itong si Sky. Kumain lang ako ng saging sa harapan niya ay bawal na? At sinabihan niya pa akong inosente e, hindi naman ako ignorante.
Ang labo niyang kausap sa totoo lang. Hindi na nga siya nakakatakot pero naging weird at magulo naman siyang kausap.
Katahimikan ang bumalot sa amin pagkaraan hanggang sa magsalita na ulit siya. "Gaano na kayo katagal na magkaibigan ni Ryu?" Malamig niyang sabi.
Natahimik ako at bumuntong-hininga. Naaalala ko na naman ang ginawa sa akin ni Ryu. Masakit pa rin kasi sa akin na trinaydor niya ako sa ginawa niya. Buong pagtitiwala ko ay binigay ko sa kanya pero sinira niya lang iyon.
"Its almost 2 decades. Mga bata pa lang kami ay kaibigan ko na siya." Sabi ko naman.
Tumango lang si Sky. "Hindi ka ba niya sinasaktan noon?" he asked. I nodded.
"Oo. Ngayon lang siya nagbago simula nung naging kami. Hindi nga siguro magandang ideya na pinayagan ko siyang maging girlfriend ako. Marami tuloy nagbago sa samahan namin." Malungkot kong sabi.
Nanghihinayang ako sa friendship namin ni Ryu noon. Nasira lang iyon nang dahil sa pagmamahal niya sa akin na nakakasakal na.
Kung pwede lang sana na i-rewind ang panahon para bumalik kami sa dati ay ginawa ko na pero nandito kami sa reyalidad na may mababago at magbabago.
"Baka naman ganon na siya noon pa man pero hindi lang niya ipinapakita sa'yo dahil nga gusto niyang makuha ang buong tiwala mo?" he said.
Then it hit me. Sky is right, noon pa man ay ayaw na sa kanya ng mga kapatid ko so it means na matagal na siyang nagpapanggap na mabait sa harapan ko.
"Tama ka siguro. Hindi ko lang 'yon napapansin." Malungkot kong sabi. Tumayo naman si Sky mula sa pagkakaupo niya at lumapit ito sa akin.
"But at least, you're now safe dahil wala nang Ryu na magpapanggap kapag kaharap mo siya." sabi niya. Tumango ako at tipid na ngumiti sa kanya.
"You're right, Sky. Uhmm.. pwede ba akong magtanong naman sa'yo? Wala pa kasi akong masyadong alam tungkol sa'yo, e. Okay lang ba?"
"Sure." Sabi naman niya at umupo sa gilid ng kama ko.
"N-nagkaroon ka na ba ng first girlfriend?" Nahihiya kong tanong at napakagat-labi. Ngumisi naman siya sa tanong ko.
"Bakit? Magseselos ka ba kung meron?"
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at umiling ng paulit-ulit na ikinatawa lang niya.
"H-hindi! Nagtatanong lang naman ako. Masama ba?" Pati tono ng boses ko ay masyado na yatang nagtunog defensive.
Bakit kasi ganong klaseng tanong pa ang sinabi ko? Hays. Nakakahiya tuloy!
He's almost pouting at napapangiti ito. "No. Ikaw pa lang ang magiging first girlfriend ko kung sakali na papayag ka na ligawan kita."
Bigla ay nagpareplay-replay sa utak ko ang huling sinabi niya at hindi ko alam ang sasabihin o gagawin ko.
Nagwawala na naman sa sobrang lakas ng pagtibok ang puso ko.
Magiging first girlfriend niya ako kung sakaling papayag akong ligawan niya ako?
Totoo ba ang narinig ko? Gusto niya akong maging girlfriend?
Ang isang Sky Avenido ay liligawan ako?
"Ako naman siguro ang magiging first love mo, 'di ba?" tanong ni Sky.
Nawala na lang bigla ang ngiti ko sa huling tanong niya at natahimik.
Hindi kasi siya ang first love ko,
Si Warren.