REESE' POV
Lunes na at natapos na ang isang linggo kong pag-iistay sa ospital na pinagtatrabauhan ni Kuya Reevo. Maayos na ang kalagayan ko kaya pwede na akong pumasok sa school.
Kasama ko si Sky na nandito sa bahay namin ngayon. Maaga niya akong pinuntahan sa bahay namin at dahil wala sina Mom at Dad pati na rin si Kuya Reevo ay si Kuya Red lang ang kasama ko.
Seryoso lang ang tingin ni Kuya Red kay Sky na mukhang walang pakialam sa ipinapakita sa kanyang emosyon ng kuya ko.
"I don't trust any guys around Reese at hindi ibig sabihin na iniligtas mo ang kapatid ko mula sa baliw niyang bestfriend ay pagkakatiwalaan na kita katulad ng pagtitiwala sa'yo ng mga magulang namin at ni Kuya Reevo. Huwag kang magpakampante na makukuha mo rin ang loob ko. I know that you like my sister but I don't want a guy for her na inaako na kaagad na sa kanya na ang kapatid ko." Kuya Red said on his coldest tone of voice.
"Kuya-" Magsasalita pa sana ako nang bigla ng magsalita si Sky.
"Naiintindihan ko kung bakit hindi mo kaagad ako pinagkakatiwalaan. I'm sorry rin kung sinabi ko noon sa inyo na girlfriend ko na si Reese and yes, I like your sister very much but I reassure to you na hindi ko siya sasaktan katulad nang ginawa sa kanya ni Ryu." he said. Tumingin ako kay Sky at mukhang seryoso nga siya sa sinabi niya kay Kuya Red.
I blushed when he confess that he likes me. He's not even afraid if my brother will get mad at him because of what he said.
Sinabi rin niya na poprotektahan niya ako mula kay Ryu. Alam ko na magagawa niya iyon because he have so many ways.
He is Sky Avenido after all.
Napairap lang si Kuya Red sa sinabi ni Sky. "Tsk!" Then he walks out.
"Kakaiba talaga ang kapatid mo na 'yon." sabi ni Sky at tumawa ito nang mahina saka umupo sa couch namin.
Umupo rin ako sa tabi niya at nginitian siya. "Pasensya ka na kay Kuya Red. Ganon lang talaga 'yon." Sabi ko.
He nodded at inakbayan ako. Sa simpleng akbay lang niya sa akin ay para na akong nakukuryente sa kilig. Ano ba 'to!
"It's okay and besides, he's cool. I like your brother because he hates your crazy bestfriend so much." Then he chuckled.
Lihim na lang akong napangiti. Even his chuckle is so precious to hear. Ano pa ba ang maling katangian ni Sky? Lahat na yata ay nasa sa kanya. Gwapo, matangkad, matalino, active sa sports, intimidating, ina-admire ng lahat at ang pinaka the best ay mahal niya ako.
Wait.. Mahal niya ako? Oo nga pala, sinabi niya na sa akin na mahal niya ako and the feeling is mutual.
After that ay hinatid na niya ako sa YGA. When we entered inside the school ay pinagtitinginan kami ng lahat at ang iba pang mga estudyante ay tumakbo at lumapit sa amin nang makita nila kami ni Sky.
Literal na pinagkakaguluhan nila kami.
"Reese, okay ka na ba?"
"Mabuti at niligtas ka ni Kuya Sky."
"Mas bagay talaga kayo ni Sky kaysa sa Ryu na 'yon!"
"ReeSky for real!"
"Huwag ka na kay Ryu, Reese. Sa akin na lang siya kahit na baliw pa siya sa'yo!"
"Sky, ang sweet mo naman. You saved Reese life!"
"Bagay talaga ang ReeSky!"
At marami pa silang mga sinabi na hindi ko na halos maintindihan dahil sabay-sabay silang nagsasalita.
Sky looks iritated at hinapit ang bewang ko mula sa kanya. Namula naman ako sa ginawa niya.
"Reese can't breathe properly because you're all here. Lumayo nga muna kayo sa amin." He said at awtomatiko namang nagsilayuan ang mga estudyante sa paligid namin.
I'm happy dahil kahit transferee student lang ako sa YGA ay nag-aalala sila para sa akin. Sino ba ako para hangaan nila? Pero nagpapasalamat pa rin ako na kahit hindi ko sila kilala ay concern sila sa kalagayan ko.
Para hindi naman sila mapahiya sa iritasyon ni Sky ay ngumiti ako sa kanila. "Okay na ako. Salamat sa concern niyo para sa akin."
"Wala 'yon basta ikaw, Reese." Nakangiting sabi nung cute na estudyanteng lalaki na kamukha ng Kpop idol na napapanood ko sa tv na si Yibo Wang.
Nakatikim naman si Yibo Wang look-a-like ng death glare ni Sky kaya napayuko ito at lumayo sa pwesto namin.
"Ang seloso mo naman." Bulong ko kay Sky at nakatikim rin ako ng death glare sa kanya na ikinatawa ko nalang.
"You like it when I get jealous, huh?" Nakangising bulong niya habang nakatitig sa akin ng seryoso. I look away at tumingin na sa ibang direksyon.
His intimidating stares again makes my heart melt.
Nasa basketball gym kami ngayon at kasama ko si Ailah at ang mga kateammates ni Sky sa basketball na sila Jedus, Raven, Carlo at Ivo.
"Gago ka talaga, Carlo! Bakit naman sinabi mo na kamag-anak ni Lemuel si Coach Dan? Ayan tuloy at na kick-out pa dito sa YGA ang mag-ama." Sabi ni Jedus kay Carlo na napapansin ko na kanina pa nakatitig sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya sa pagkailang.
Bakit kaya niya ako tinititigan?
"Kasalanan ko ba kung hindi sila tumutupad sa school rules ng YGA? Dapat nga ay matagal na silang nakick-out sa YGA dahil sa ginawa nila. Ang yabang kasi ng Lemuel na 'yan!" Naiinis na sabi ni Carlo at nang lumingon ulit ako sa kanya ay nakatingin na naman siya sa akin.
Seriously?
"Really? Sinabi mo 'yon, Carlo? Hindi ka man lang ba naaawa kay Coach Dan? Malaki ang naitulong niya sa atin para manalo tayo sa finals last year." Sabi naman ni Raven.
Sa wakas ay sa iba na tumingin si Carlo at bumaling ito kay Raven. "Ano naman? Hindi dahil sa kanya kung bakit nanalo tayo sa finals last year kundi dahil 'yon sa teamwork natin." Sabi niya at pinagkrus ang kanyang mga kamay.
Napailing naman si Ivo at pinaikot nito ang bolang hawak niya sa isa niyang daliri. Nagpapractice sila ngayon ng basketball at naisipan ni Sky na isama ako dito. Sumama na rin si Ailah na napapansin kong kanina pa tahimik at parang may hinahanap. I knew it, si Niccolo siguro.
"Bakit? Inasar ka siguro ni Lemuel dahil palagi kang inaasar nun kaya ka gumanti. Kilala na kita, Carlo." Ivo said.
Umiling na napangisi lang si Carlo at hindi na nagsalita pa. Then Carlo look at me again na napansin na ng katabi kong si Ailah.
"Kanina ko pa napapansin na tinititigan ka niyang si Carlo. Ang creepy na talaga." Matamlay niyang sabi at nagpahalumbaba ito.
"Kaya nga e. Lalo na't nalaman ko na crush niya pala ako. Kapag nalaman ni Sky 'yon ay baka-"
"Anong kapag nalaman ni Sky? Alam na niya 'yon. Tignan mo nga, oh? Nakatitig na siya ng masama kay Carlo." Ailah said.
Lumingon naman ako sa direksyon ni Sky na busy sa pagdribble ng bola at masama nga ang tingin nito kay Carlo.
Iniba ko na lang ang usapan saka bumaling ulit kay Ailah.
Hindi ko alam pero nakakatakot ako at kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan.
"Ailah, bakit parang matamlay ka at kanina ka pa tahimik dyan? Hindi ba't magkaibigan na tayo? Pwede mo akong mapagsabihan ng mga problema mo." Sabi ko at hinawakan siya sa balikat niya.
Tumingala naman ito na parang pinipigilan ang pagluha niya saka ito naiiyak na bumaling sa akin.
"S-si Niccolo.. hindi niya talaga ako gusto. May iba na siyang gusto!" At tuluyan na siyang umiyak. Bigla ay nagpanic ako at mabilis siyang inalo.
"Sshhh. Ailah, tahan na..." Sabi ko. Humagulgol na siya at biglang lumapit sa amin sila Sky at ang iba pa nilang mga kateammates.
"Bakit ka umiiyak, Ailah? Sinong nagpaiyak sa'yo? Sabihin mo sa akin at nang mabugbog ko!" Sabi ni Jedus na nakatikim naman ng batok mula kay Ivo.
"Ang OA mo. Para kang tanga!" Sabi ni Ivo at inirapan si Jedus.
Napanguso na lang si Jedus at seryoso nang bumaling kay Ailah. "Ailah, bakit ka umiiyak? May problema ba? Nag-aalala na ako sa'yo." Concern niyang tanong.
"Si Niccolo. G-Gusto niya si Lian. Si Lian ang mahal niya. Fiancé niya si Lian!" Then she cried again.
Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Ailah. Si Lian ay gusto ni Niccolo? At mag fiancé pa sila?
What? Paano na si Ailah nyan?