Kabanata 10

1509 Words
REESE' POV Now, I'm starting to work in Santillan's Clothing Lines. Ngayon ay sasabak na ako sa isang trabaho. My position in there is i'm the incharge at contacts and getting the materials of the dresses they make to our trusted manufacturers temporarily bago ako ihired ni Kuya Red sa mataas na posisyon. Kinakabahan ako at pinagpapawisan ng malamig ang mga palad ko habang hinahatid ako ni Sky papunta sa kompanya ng mga magulang ko. "Are you nervous?" Tanong ni Sky habang nasa biyahe kami. I nervously nodded. Hinawakan naman niya ang isang kamay ko at hinalikan ito. "Everything will be alright. Just do your best and I know you can do it." Paninigurado niya at hinalikan ako sa noo. I smiled hearing what he said. "Thanks, babe." Kahit papaano ay nawala ang kaba ko dahil sa sinabi ni Sky. Alam ko na makakaya ko ito basta ay palagi lang siyang nasa tabi ko. Nang makarating na kami sa SCL ay hinalikan muna ako ni Sky sa labi bago ako bumaba sa kotse niya. "Goodluck, wife." He said. Tumango naman ako at nagfighting sign. "I can do this!" Tumawa lang siya sa ginawa ko. "Just call me kung may problema ka, okay? I'll go in the office now." Sabi niya. "Okay. Ingat ka." He nodded pagkatapos ay pinaandar na niya ang kanyang kotse papaalis. I sighed and took a deep breath. Napatingala naman ako at tumingin sa mataas na building ng kompanya namin. I will used to work here kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mas lalo pang umunlad ang pinaghirapang business ng pamilya ko. Pumasok na ako sa loob ng building at nag elevator papunta sa opisina ni Kuya Red. Alam ko naman ang office niya at pasikot-sikot ng SCL dahil ilang beses na rin akong nakapunta dito. Pagkarating ko sa floor kung nasaan ang opisina ni Kuya Red ay maraming mga empleyado na nasa hallway ng SCL ang napapatingin sa akin at pinag-uusapan ako. "Is she the sister of Sir Xyred?" "I guess? Magkamukha sila ni Sir Red at pati na rin ni Ma'am Aiko." "A pretty girl. Maganda talaga ang genes nila. Kahit si Sir Ramon ay ang gwapo pa rin kahit may edad na." "At 'yung panganay pa na anak nila Sir Ramon at Ma'am Aiko na Doktor. Demitreevo ba ang pangalan nun? Super hot at gwapo. Makalaglag panty pa!" Medyo nailang naman ako do'n dahil hindi ako sanay na pinag-uusapan ang pamilya namin. Binalewala ko na lang ang mga sinasabi nila at mabilis na tinungo ang opisina ni Kuya Red. I knock twice in his office pagkatapos ay bumukas ito at iyong secretary niya ang bumungad sa akin. "Ikaw pala, Ma'am Reese. Halika pasok ka po. Hinihintay ka na nila." Sabi niya at pinapasok na ako sa loob. Tumango ako at pagkatapos ay bumaling na sa loob ng opisina. Nakita ko si Kuya Red na may kinakausap na isang lalaking matangkad na nakatalikod sa kanya. When he saw me ay napatayo siya mula sa pagkakaupo niya sa swivel chair saka tumayo at lumapit sa akin. "Nandito ka na pala, baby girl." He said at hinalikan ang pisngi ko. Tumango ako at pinaglaruan ang mga daliri ko dahil sa nerbyos at kaba. "S-saan ang office ko?" Tanong ko naman. "My secretary Fiona will assist you later. Sa ngayon ay gusto ko munang makilala mo ang taong magiging katulong mo sa pagpoprovide ng mga materials na kakailanganin natin sa SCL." Tumango naman ako. Tinawag ni Kuya Red yung lalakeng nakatalikod at mukhang may kinakausap ito sa cellphone niya. Nang humarap ito sa akin ay halos magulat ako nang makilala ko ang taong makakatulong ko sa pagtatrabaho sa SCL. Its none other than Austin. Ngumiti ito sa akin saka lumapit sa kinaroroonan namin ni Kuya Red habang ako ay nananatili pa rin nakatingin sa kanya. "Alam kong kilala niyo na ang isa't-isa dahil naikwento na sa akin ni Austin na naging magkaklase kayo sa YGA nung 2nd year college pa lang kayo. Si Austin at 'yung mother niya ang tumulong sa atin noon na maging business partners ng SCL. We really owned their family." Nakangiting sabi ni Kuya Red sa akin. Ibig sabihin ay ang pamilya ni Austin ang tinutukoy nila Kuya Red noon na tumulong sa amin noong maging business partners nila Mom at Dad nung kumalas sa partnership ang mama ni Ryu? Hindi ako makapaniwala. "Hello, Reese." Nakangiting sabi ni Austin. Nahihiya naman akong tumango. "H-hello, Austin. S-salamat pala sa tulong niyo sa kompanya namin." Nauutal kong sabi at yumuko saka tumingala ulit para tignan siya. Lumapit naman siya sa akin at tinapik ako sa balikat. "No problem. We're friends, right? Basta ang magkakaibigan ay nagtutulungan." Napangiti ako sa sinabi niya na ikinahinga ko ng maluwag. Alam na kaya ni Sky na makakasama ko si Austin sa trabaho ko? Siguro ay hindi pa dahil kapag nalaman niya ito ay baka magalit iyon at hindi na ako pagtrabahuhin pa dito. Hindi pa naman gusto ni Sky na kasama ko si Austin. Paano na 'to? "Salamat talaga." "Hindi na siguro ako mahihirapan na ipakilala kayo sa isa't-isa dahil mukhang close naman kayong dalawa." Ani Kuya Red. Natawa naman do'n si Austin. "Of course, Red. Close naman kami ng kapatid mo. We're friends naman." Kuya Red nodded saka bumaling na sa akin. "Okay ka na ba? May meeting pa kasi ako na kailangang puntahan. Maiiwan ko na kayo ni Austin kung panatag na ang loob mo dito." Nag-aalalang tanong ni Kuya Red sa akin. I nodded and smiled. "Okay na ako dito, kuya. Pumunta ka na sa meeting mo." Tumango siya at bumaling sa secretary niyang nasa gilid lang ng pintuan. "Ikaw na ang bahalang mag-assist sa kapatid ko. If she needs everything ay gawin at sundin mo kaagad." "Okay, Sir." Bumaling ulit sa amin si Kuya Red. "Austin, please take care of my sister. I have to go." Austin nodded pagkatapos ay hinalikan ako ni Kuya Red sa pisngi at lumabas na ng opisina niya. Nang kaming dalawa na lang ni Austin ang naiwan ay tumingin ito sa akin. "Shall we start?" He asked. I sighed and nodded. Iginaya na kami ng secretary ni Kuya Red na si Fiona patungo sa magiging office ko. Nang makarating na kami doon ay ininstruct niya sa akin ang mga gagawin ko. Madali lang naman iyon kaya iniwan na niya kami ni Austin at tawagin ko na lang raw siya kapag may kailangan pa ako. Tumango ako at pagkatapos ay nagpasalamat. I look around my office. Sinunod nga ni Kuya Red na temang Sky Blue ang motif ng magiging opisina ko. My favorite color. "You have a nice office. Para lang tayong nasa langit." Natatawang ani Austin na nilibot rin ng tingin ang opisina ko. Natawa rin ako. "Oo nga e. Nirequest ko kasi kay Kuya Red na color Sky Blue ang magiging kulay ng office ko dito sa SCL." I said. "Somehow ay kapangalan pa ng asawa mo ang paborito mong kulay." Sabi niya ng seryoso. Napakagat-labi naman akong ngumiti saka tumango. Tama si Austin. Kapag Sky Blue kasi ang nakikita ko ay nagpapaalala rin ito sa gwapo at masungit kong asawa na si Sky. Biglang kinuha ni Austin ang schedule plan ko na nakapatong sa office table ko saka ito binasa. "So, bukas ng 9am ay pupunta tayo sa DG Clothes & Leather Manufacturing. Kailangan kitang samahan para makausap natin ang dealer at makakuha ng magandang klase ng mga materials. Kailangan rin natin makadiscount dahil mukhang overprized na ang mga materials nila." Seryoso niyang ani habang hinihimas ang baba niya. At dahil ignorante ako at wala pang alam sa mga ganyan ay tumango na lang ako. Humarap naman siya sa akin at nginitian ako. "Huwag kang mag-alala. Ako ang makakasama mo sa pagtatrabaho mo dito kaya akong bahala sayo. Hindi ka mahihirapan as long na kasama mo ako." Napanatag ang loob ko sa sinabi niya at may kung ano sa puso ko ang natuwa. "Salamat, Austin." Lumapit siya sa akin saka pumwesto sa gilid ko at nagulat na lang ako nang niyakap niya ang bewang ko at pinatong ang baba niya sa balikat ko. Kaagad akong nakaramdam ng pagkailang sa ginawa niya. "B-bakit-" "Ssshh. Wala naman 'yung asawa mo kaya pwede nating gawin 'to." Bulong niya sa tenga ko saka hinalikan ang pinakapuno nito. At ang traydor kong utak ay parang gustong-gusto pa ang ginagawa ni Austin. Anong nangyayari sa akin? Mali itong ginagawa ni Austin. Bakit hinahayaan kong halikan ako ng isang lalake bukod kay Sky at bakit sobrang lakas ng pintig ng puso ko? Naramdaman ko naman ang pagngisi niya pagkatapos niya akong halikan. Lumayo siya sa akin at hinarap ako na naguguluhan pa rin sa nangyayari. "I'm just kidding. Sorry for that." Then he chuckled. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya pero 'di kalaunan ay tumango na lang ako at natahimik. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako naging ganito kaconfuse. Nakokonsensya ako sa ginawa ko dahil hinayaan ko lang si Austin na halikan ako. Sorry, Sky. Hindi na mauulit 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD