REESE' POV
Kasama ko si Austin na pumunta sa DG Clothes & Leather Manufacturing. Hanggang ngayon ay nakokonsensya pa rin ako sa nangyari kahapon. Should I tell the truth to Sky? Kaso baka kapag sinabi ko ang bagay na iyon ay magkagulo lang ang lahat. Kilala ko si Sky at baka mapatay pa niya si Austin dahil do'n. I'm sure that he will get mad and chained me. Sasabihin ko naman sa kanya ang totoo pero hindi ko pa kaya sa ngayon. Nadala lang siguro ako ng pagkamiss kay Sky kaya hinayaan ko lang si Austin na gawin iyon sa akin.
Pagkapasok namin ni Austin sa DG Clothes and Leather Manufacturing ay maraming mga empleyado doon ang nagbobow at binabati kami nang makita nila kami. Maybe they know Austin at alam nila na nasa mataas na posisyon ito.
"We're now going to the site. Nandoon 'yung manager nila." Austin said and smiled at me.
Tumango ako at sinundan siya papunta sa site na tinutukoy niya. Nang makapunta na kami sa site ay nakita ko ang mga empleyado na busy sa kanilang mga ginagawa. Nilapitan naman namin ang isang matandang babae na sa tingin ko ay ang Manager ng DG Clothes and Leather Manufacturing. When they saw us ay nginitian niya kami at nakipagkamay.
"Austin, i'm glad you're here. Is this the sister of Sir Red?" Manager looking at me and asked Austin.
"Yes. She's Reese Santillan. Siya ngayon ang incharge sa pagkuha ng mga materials ngayon. His brother asked a help from me since bago pa lang si Reese sa business industry." Nginitian ako ni Austin at hinawakan ang isang kamay ko.
Bigla ay tila nakuryente ako sa paghawak niya ng kamay ko at bumibilis ang t***k ng puso ko. Dapat ay hindi ko maramdaman ito dahil may asawa na ako pero ano bang nangyayari sa akin? Bigla ay naisip ko si Sky at naalala ang mga sinabi niya sa akin.
"Alam kong marami akong karibal sayo. Alam kong maraming tao ang nag-aabang para lang maghiwalay tayo at sirain ang relasyon natin pero ito lang ang tatandaan mo, Reese.. Just trust me with all your heart and mind and I will do the same."
May tiwala sa akin si Sky at mahal na mahal niya ako kaya hinding-hindi ko siya bibiguin. Kaagad kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak ni Austin. Tumawa lang siya ng mahina sa ginawa ko.
The manager nodded. "Oh. Ganon ba? Then its good and you look good together. Girlfriend mo ba siya?" Nakangising sabi ng Manager kay Austin.
Napangiti si Austin sa sinabi nito samantalang ako ay paulit-ulit na umiling. "H-hindi niya po ako girlfriend. May asawa na po ako." Sabi ko.
Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko na parang hindi makapaniwala. "Really? You look so young, Ma'am Reese to get married. Sorry kung napagkamalan ko na girlfriend ka ni Sir Austin. I'm sorry talaga." Paumanhin nito.
"Okay lang po." Sabi ko na lang.
Hays. Napagkamalan pa ako na girlfriend ni Austin. Hindi naman sa pagmamayabang pero at my age of 20 ay maraming nagsasabi na mukha lang akong 15 or 16. Babyface raw kasi ako at medyo petite but they always saying na bagay raw sa akin ang physical appearance ko. Mukha rin daw akong manika. Maybe dahil sa pagiging Half Japanese and French ko kaya hindi rin ako mukhang pilipino at naiiba ang itsura ko.
Nag-umpisa na kaming mag-usap tungkol sa pagkuha ng mga materyales at kung paano ito madedeliver kaagad. Nainstruct naman sa akin ng maayos ang mga gagawin ko sa tulong ni Austin. Pagkatapos naming makipag-usap at makipagdeal sa Manager ay nagpunta kami sa cafeteria ng DG Clothes para kumain. 12:30pm na rin kasi at hindi pa kami kumakain ng tanghalian. Pagkapasok namin sa Cafeteria ay may mga empleyado na naman ang napapatingin sa amin. Ipinagsawalang bahala na lang namin ni Austin iyon at kaagad na umupo sa isang bakanteng upuan ng Cafeteria.
"Oorder lang ako. What do you want to eat?" Tanong ni Austin habang nakatingin sa akin.
Nailang naman ako sa paraan ng pagtingin niya kaya umiwas ako ng tingin. "Ahm.. kahit ano na lang." I said at tumingin na ulit sa kanya.
Ngimiti siya saka tumango. "Right away." He said and wink at me pagkatapos ay umalis na siya para umorder.
Namula ako sa ginawa niya at ang puso ko ay bumibilis na naman ang pagtibok. I closed my eyes and sighed deeply. Why i'm so affected now by his presence? Dati ay hindi ko naman ito nararamdaman kapag kaharap ko siya pero bakit ngayon ay pinapagulo na niya ang sistema ko? Hindi ito pwede. Hindi pwede na magkagusto ako sa kanya dahil mahal na mahal ko si Sky at may tiwala siya sa akin. Si Sky lang ang mahal ko.
Ilang sandali pa ay nakabalik na si Austin dala-dala ang mga inorder niyang pagkain para sa amin. We started to eat at siya ang nag-umpisa ng conversation namin.
"Hindi ka ba nahihirapan sa new work mo?" Austin asked.
Umiling ako. "Hindi ah. Madali lang naman 'yung mga iniinstruct mo sa akin. Kapag namaster ko na lahat ang trabaho ko ay kahit ako na lang mag-isa ang gumawa at hindi na kita iistorbohin pa." Umiling siya sa sinabi ko kaya napakunot ang noo ko.
"I don't think na magagawa mo ng mag-isa ang lahat ng trabaho mo. You need my help whether you like it or not." Matigas niyang sabi at nakita ko ang pagtiim ng mga bagang niya. Galit ba siya?
"What are you saying Austin? Kinuha ka lang naman ni Kuya Red para may gumabay sa akin at magturo sa trabaho na papasukin ko sa kompanya namin at kapag nalaman ko na 'yon lahat ay kakayanin ko na iyon mag-isa." I said.
He chuckled . "Hindi ganon e. You're avoiding me, Reese. Di'ba hinalikan kita sa office mo kahapon? I saw that you like it. Apektado ka sa ginawa ko." Then he smirked.
Nagulat ako sa sinabi niya at halos hindi makapagsalita. He knows it. He knows na apektado na ako sa kanya.
I sighed. "Look Austin, maybe i'm just confused dahil namimiss ko si Sky. I already have a husband at mahal na mahal ko siya. Yung nangyari kahapon? Maybe its just a mistake." I said. Nakita ko ang unti-unting pagdilim ng mukha niya dahil sa sinabi ko at nginisian ako. I feel goosebumps when he did that.
"Really? Really? Pagkakamali lang para sayo iyon? Hindi ako naniniwala sayo. Gusto mo ako, gusto mo ako kaya pinayagan mo akong halikan ka kahapon. Wala kang maloloko, Reese." Nangilid na lang bigla ang luha ko dahil sa sinabi niya.
Ngumisi siya sa naging reaksyon ko at pinagpatuloy pa ang sasabihin niya. "I know that you already have a husband pero paano kaya kung sabihin kong.. pumayag kang halikan kita? At magkasama pa tayo sa trabaho? I'm sure na magagalit siya sayo at ang masaklap pa ay hiwalayan ka na niya." Then he laughed.
"Hindi!" Sigaw ko at napatayo. Nagtinginan naman sa amin ang mga empleyado at iba pang taong nasa loob ng Cafeteria dahil sa ginawa ko.
Hindi ko akalain na ganitong tao pala si Austin. Sana pala ay nilayuan ko na siya katulad ng palagi sa aking sinasabi ni Sky. Ang tanga-tanga ko!
Tumayo rin si Austin at nginisian ako. "I have an evidence too. Kinuha ko ang kopya ng cctv footage sa opisina mo kahapon. Kung ipakita ko kaya 'yon kay Sky ay ano na lang kaya ang magiging reaksyon niya?" He sarcastically said.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at kaagad siyang nilapitan at sinampal. Hindi na siya nagulat sa ginawa ko at nginisian lang ako. Napahawak na lamang ito sa pisngi niyang sinampal ko.
Mas lalo kaming pinagtinginan ng mga taong nasa Cafeteria at ang iba ay lumapit na sa amin at pilit akong pinapakalma.
"Napakasama mo! I don't want to see you again!" Naiiyak kong sabi at kaagad nang umalis ng cafeteria.
Lumabas na ako sa building ng DG Clothes and Leather Manufacturing at kaagad nang pumunta sa kotse kung saan nandoon ang company driver ng pamilya namin sa SCL.
Nanginginig ako sa inis, kaba at galit. Paano kapag nalaman ni Sky iyon at sabihin ni Austin? Ayoko nang mag-away pa kami ng asawa ko pero dahil sa katangahan ko ay mukhang magkakalamat na naman ang relasyon namin.
Ayoko munang umuwi sa bahay at gusto kong magpakalasing para makalimutan ko pansamantala ang katangahang kong 'to. Bigla ay tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa loob ng bag ko at sinagot ang tawag.
"Hello?"
(Hi Ma'am Reese. Gusto niyo po ba ng may makakausap at makakasama? Nandito lang po ako.)
Its Zeke's voice.