REESE' POV
Kakauwi lang ni Sky galing sa trabaho niya at nandito kaming dalawa sa living room at nagmomoment. Nakahilig ang ulo ko sa balikat niya habang nakaakbay naman siya sa akin at pasimple akong hinahalikan sa noo. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko ang taong mahal ko. We're too young to get married but I know that Sky is the only man I want.
"Babe, kumusta na 'yung trabaho mo?" Tanong ko kay Sky na busy sa paghawi ng buhok ko.
"Hmm. Its okay. How about you? Are you alright in our house? Nahihirapan ka ba sa mga gawaing-bahay? Si Manang Gina na lang ang bahala sa lahat kung hindi mo kaya." Nag-aalala naman niyang tanong.
I shook my head. "Okay lang ako saka hindi naman ako nahihirapan sa pagtulong kay Manang Gina sa mga gawaing bahay. Marunong na kaya akong maglaba at maghugas." Pagmamalaki ko pa.
He chuckled and smiled at me. "Really? Ang galing naman pala ng asawa ko." Then he cupped my face and kissed me. I kissed him back pagkatapos ay pinagdikit niya ang mga noo namin at tinitigan ako sa mga mata.
"I love you so much, Reese. I don't know what should I do if I lose you. Mababaliw ako, mababaliw ako kung mawawala ka sa akin at iiwan mo ako." He said with full of sadness and sincerity.
Nakikita ko kay Sky na mahal na mahal niya ako. Nakikita ko sa mga mata niya ang takot na baka mawala ako sa kanya at iwan ko siya pero hinding-hindi ko iyon gagawin. Mahal na mahal ko si Sky at gagawin ko ang lahat para hindi ako mawala sa tabi niya. Leaving him is like choosing my life and death. No one will separate us. I will trust him like what he trust me.
I smiled at him and look him straight to his eyes. "Hinding-hindi ako mawawala sayo, Sky. I will not leave you because I love you so much.." Napangiti naman siya sa sinabi ko saka lumayo sa akin ng kaunti at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Alam kong marami akong karibal sayo. Alam kong maraming tao ang nag-aabang para lang maghiwalay tayo at sirain ang relasyon natin pero ito lang ang tatandaan mo, Reese.. Just trust me with all your heart and mind and I will do the same." Naluluha naman akong tumango at niyakap siya.
Bigla ay nagflashback sa akin ang una naming pagkakita..
"Sorry po." Sabi ko habang nakayuko at sapu-sapo ang noo kong nabangga niya.
Tumingala ako para tignan kung sino ang nakabangga ko at napasinghap ako ng makita ko ang isang gwapo at matangkad na lalakeng nakatingin sa akin. Walang emosyon ang kanyang mukha at talagang nakatitig lang sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin at humingi ulit ng paumanhin.
"Sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya." Nagbow na lang ako sa kanya at medyo nacoconcious dahil kanina pa yata nakatingin sa akin 'to. Akmang aalis na ako nang bigla siyang magsalita.
"Next time, be careful and use your eyes, too." Malamig na sabi nito sa akin at saka nagpamulsang naglakad na.
Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya at napairap. "Tsk! Gwapo nga pero ang sungit naman!"
Nakakatuwa nga lang at ang first impression ko sa kanya ay si Mr. Sungit. Grabe talaga ang pagkainis ko nung time na iyon dahil hindi ko naman sinasadyang mabangga siya. Halos gusto ko nga ngang ihagis sa kanya ang sapatos ko nun dala ng sobrang pagkainis at pagkairita.
"And I will trust you with all my heart and mind, too." Sabi ko naman.
Napangiti siya sa sinabi ko. "We're so dramatic here." He said and laughed. I pouted.
"Eh ikaw nag-umpisa!" Tumawa lang siya sa sinabi ko at hinahalikan na naman ang leeg ko.
"Sky!" Suway ko dahil medyo nakikiliti ako sa ginagawa niya pero hindi pa rin siya nagpapaawat at patuloy pa rin ang paghalik sa akin.
"Sky! Nakikiliti ako." Suway ko ulit at tuluyan na akong natawa nang kinikiliti na niya ako.
Napahiga na ako sa sofa dahil sa ginagawa niyang pagkiliti sa akin habang pumaibabaw naman siya at patuloy pa rin sa ginagawa niya. I laughed so hard pero napahinto lang kami nang marealize naming dalawa ang posisyon namin. Sky is on top of me and i'm under his body. Napatitig kami sa isa't-isa hanggang sa napatingin siya sa labi ko. My heart was beating so loud dahil sa klase ng mga tingin niya. Hakmang hahalikan na niya ako nang ipikit ko naman ang mga mata ko. We are about to kiss nang..
"Baby girl, nan-" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko mismo sa harapan namin ni Sky ang mga kuya ko na sina Kuya Red at Kuya Reevo.
Nagulat sila nang makita ang posisyon namin ni Sky kaya kaagad akong umayos ng pagkakaupo habang si Sky naman ay balewala lang na umupo sa tabi ko at hindi inaalala ang reaksiyon ng mga kapatid ko.
"K-kuya? Anong ginagawa niyo dito?" Kinakabahan kong tanong at tumingin saglit kay Sky na nginitian lang ako. I glared at him pero mas lalo lang siyang napangiti sa ginawa ko.
Nang makabawi sa pagkagulat ang mga kuya ko ay umupo sila sa sofang katapat lang namin ni Sky. Napansin ko naman ang dala nilang isang box ng cake, plastic na may lamang sa tingin ko'y mga beers at apat na box ng pizza at nilagay nila ito sa mesang katapat namin.
"Well, susurpresahin ka lang sana namin sa pagbisita dito sa bahay niyo pero mukhang kami pa yata ang nasurpresa." Natatawang ani Kuya Reevo na ikinangisi naman ni Kuya Red.
"Wala talaga kayong pinipiling lugar no? Pwede namang sa kwarto niyo nalang gawin 'yan." Sabi naman ni Kuya Red at sumandal sa sofa.
Namula naman ako dahil sa panunukso sa akin ng mga kapatid ko. Si Sky naman ay tumawa lang rin sa sinabi nila.
"Dapat kasi hindi na kayo pumunta rito para natuloy ko na ang balak ko sa kapatid niyo." Nakangising sabi ni Sky na ikinatawa lang ng mga kuya ko.
"Aba Sky, huwag kang ganyan dahil kaya naming ireto si Reese sa isang matandang mayaman kahit na kasal pa kayo." Kuya Reevo said na ikinatawa nilang lahat.
I glared at them. Kung mag-usap sila ay parang wala ako sa harapan nila ah?
"Sige, pag-usapan niyo lang ako." Sabi ko at inirapan sila. Natatawa namang lumapit sa akin si Kuya Reevo at kinuha ang isang box ng cake sa mesa at inabot ito sa akin.
"Nagtatampo ka na agad? Oh eto, pinagbake ka ni mommy ng favorite mong Leche Flan Cheesecake kaya huwag ka nang sumimangot diyan." Sabi niya at bumalik na sa upuan niya.
Natuwa naman ako at binuksan ang box ng cake. Nagningning ang mga mata ko nang makita ko ang paborito kong Leche Flan Cheesecake. Inamoy ko naman ito saka tinikman. Nakita ko pa ang pagngiwi ni Sky dahil sa ginawa ko pero sinamaan ko lang siya ng tingin at nagfocus na sa favorite kong cake.
"Say thanks to mom for this." Sabi ko habang patuloy pa rin sa pagtikim sa cake.
"Hindi ka man lang ba mamimigay?" Sabi ni Sky.
Umiling lang ako saka tumayo.
"No. Akin lang 'to! Dahil inaasar niyo ako ay iiwan ko na kayo dito at bahala na kayo." Mataray kong sabi at nagtungo na papuntang kusina.
Narinig ko na lang ang tawanan nila nang makaalis na ako.
Nagpunta naman ako sa kusina at umupo sa isang stool saka kumuha ng platito at tinidor at sinimulang lantakan ang Leche Flan Cheesecake. Napapapikit na lang ako at parang tangang kumakanta habang kumakain. Matagal na kasi akong nagcacrave sa leche flan cheesecake pero nahihiya naman akong magsabi kay Mom na ipagbake niya ako dahil alam kong marami siyang kailangang tapusing trabaho. Mabuti nalang talaga at naisipan ni Mom na ipagbake ako at dalhan nito.
Habang patuloy pa rin ako sa pagkain ay biglang tumunog ang phone ko mula sa bulsa ng suot kong maong shorts kaya kinuha ko ito at sinagot ang tawag without looking at the screen who's calling.
"Hello?"
(Hi, Reese. Si Jayden nga pala 'to. Naistorbo ba kita?)
Napaayos naman ako at saglit na uminom ng tubig. Kanina pala bago umalis ng bahay si Jayden ay binigay ko na ang number ko sa kanya dahil nga sa magkaibigan na kami. Mabait naman kasi siya at stepbrother pa ni Warren.
"Hindi naman. Bakit ka nga pala napatawag?" Tanong ko.
(Wala kasi akong makausap. Gusto ko lang rin marinig ang boses mo sa cellphone kung maganda ba o hindi.) at narinig ko na lang ang pagtawa niya sa kabilang linya.
Napanguso ako. "Maganda nga ba ang boses ko sa phone?"
Sandali siyang natahimik pagkaraan ay sumagot. (Maganda. Magandang-maganda, parang ikaw.) He said in serious tone.
Parang iba ang dating sa akin ng sinabi niya at ganito rin ang nararamdaman ko sa tuwing may sinasabi si Zeke patungkol sa akin but I erase that thought.
"A-ah.. S-sige, Jayden. Matutulog na ako. Bukas na lang tayo mag-usap ha? Inaantok na kasi ako, e." Pagsisinungaling ko pero sa totoo lang ay naiilang lang ako na makausap siya ngayon.
(Matutulog ka na pala. Sige, bukas na lang tayo mag-usap.) Sabi niya sa dismayadong tono.
Sorry, Jayden pero hindi ko mapigilang mailang dahil sa sinabi mo kanina.
"Oo e. Pasensiya ka na ha? Goodnight." Sabi ko at bumuntong-hininga.
(Okay. Goodnight rin, Reese. Masaya ako at nakilala kita.)
Then he ended the call.
What was that? Bakit parang bigla na lang akong nailang kay Jayden dahil sa sinabi niya kanina? Tama ba na nakipagkaibigan pa ako sa kanya lalo na't baka magselos si Sky kapag nalaman niya iyon? Nagdesisyon na naman ako nang hindi nag-iisip!