REESE' POV
Ngayon ay feel na feel ko ang pagiging Mrs. Avenido. Dahil sa tulong ni Manang Gina ay medyo natututo na ako sa mga gawaing-bahay. Kahit medyo palpak pa ako sa ibang mga gawain ay at least may improvement nang nangyayari sa akin. Salamat talaga at kinuha ni Sky si Manang Gina dito sa bahay.
Habang nagluluto si Manang Gina ng tanghalian namin para mamaya sa pag-uwi ni Sky galing sa trabaho niya ay nasa labas naman ako ng bahay at busy sa pagdidilig ng mga halaman sa garden. Habang nagdidilig ako ay biglang may nagdoorbell. Hininto ko muna ang ginagawa ko pagkatapos ay nagpunta sa gate para pagbuksan ang taong nagdoorbell. When I open our gate ay isang gwapo, matangkad at maputing lalake ang bumungad sa akin.
Nang makita niya ako ay napatulala pa siya pero 'di kalaunan ay umiling-iling ito at tumikhim.
"Ahm, Ikaw ba si Ms. Vereese Santillan?" Tanong nung lalake.
Tumango naman ako. "Ako nga 'yon. Bakit?" Napangiti naman siya sa sinabi ko.
Ang gwapo naman nito kaso mukhang bata pa. Nako! Baka kapag nakita na naman ako ni Sky na nagagwapuhan sa isang lalake ay baka magselos na naman iyon at hindi ako pansinin ng ilang araw. Mabuti nalang at nasa trabaho pa siya ngayon.
Lumapit siya sa akin saka ito naglahad ng kamay. "Ako nga po pala si Jayden Go. Step-brother ko po si Warren Benitez." Sabi niya.
Napatigil ako sa sinabi niya at tinitigan siya. Step-brother niya si Warren? Pero bakit naman niya ako hinahanap?
Napaayos naman ako at tinanggap ang kamay niya. "T-talaga? Sige, pasok ka." Sabi ko at pinapasok siya sa loob ng bahay.
Pinaupo ko siya sa labas ng garden na may naka set ng upuan at table saka ako nagpunta sa loob ng bahay para ipaghanda siya ng meryenda. Naabutan ko naman si Manang Gina na nagluluto pa rin pero hindi ko na siya inistorbo pa at ako nalang ang naghanda ng meryenda. Sinabi ko nalang sa kanya na may bisita ako at ipaghahanda ko iyon ng makakain. Tumango naman ito at sinabi na kung may kailangan ako sa kanya ay tawagin ko lang raw siya. Tumango ako pagkatapos ay bumalik na sa garden dala ang ginawa kong meryenda which is sandwiches, chocolate cake na binili ko kahapon, cookies and strawberry shake.
"Kain ka muna." Sabi ko at inilapag sa lamesang katapat niya ang tray na may lamang meryenda.
"Salamat po." Sabi niya naman.
Umupo naman ako sa upuang katapat lang niya. Tinignan ko ang stepbrother ni Warren. Mukha lang siyang tahimik at suplado. He reminds me of Sky and Niccolo. Gwapo rin siya at mukhang korean actor. Chinito siya at maamo ang mukha. A typical pretty boy type.
"Bakit mo pala ako hinahanap?" Tanong ko.
Tinignan naman ako ni Jayden ng seryoso. "Noong nabubuhay pa lang kasi si Kuya Warren ay palagi ka niyang ikinikwento sa akin noong bata pa lang ako. Mahal na mahal ka niya, Ate Reese at nakakalungkot nga lang na maaga siyang nawala sa amin." Sabi niya at napayuko. Lumapit naman ako sa kanya at hinagod ang likuran niya.
I will never forget Warren. Siya ang unang lalakeng nagbigay ng saya at tuwa sa puso ko. Siya ang unang lalakeng minahal ko pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay maaga siyang kinuha ng Panginoon. Kahit may iba na akong mahal at iyon ay si Sky ay hinding-hindi pa rin mawawala si Warren sa puso ko dahil minsan na rin siyang naging parte nito.
"Kahit ako rin, nalulungkot sa pagkawala ng kuya mo. He's my first love at siya ang nagturo sa akin na walang dapat ikatakot kung nagmamahal ka. Sigurado ako na masaya na si Warren na kasama niya ang Diyos sa itaas. He's guiding us at hindi 'yon matutuwa na nalulungkot na naman tayo nang dahil sa kanya." Nakangiting sabi ko na pinipigilan ang pagluha ko. Napalingon naman siya sa akin.
"Mahal mo pa rin ba si Kuya Warren hanggang ngayon?" Natahimik naman ako sa sinabi niya at nahihirapang sagutin ang tanong niya.
Paano ko ba sasabihin na may iba nang nagpapatibok sa puso ko at kasal na kami?
Napabuntong-hininga nalang ako at pumikit saka nagmulat. "Ano, Jayden, I'm already married." Bakas naman ang pagkagulat sa mukha niya sa pag-amin ko.
"K-kasal ka na?" Nahihiya naman akong tumango.
Napangisi siya sa sinabi ko at tumango. "May kapalit na pala si Kuya Warren. I see." Sabi niya at umiwas ng tingin sa akin.
Alam ko naman na nabigla siya sa sinabi ko dahil si Warren ang pinag-uusapan namin at alam niya na mahal na mahal ako ng kapatid niya pero hindi naman niya alam ang history ng pagkakakilala namin ni Sky. Naiintindihan ko naman si Jayden kung bakit tila nadismaya siya sa sinabi ko.
"Jayden, hindi sa gan-"
"I understand, Ate Reese, may buhay ka rin at kailangan mo ng lalakeng magmamahal sa'yo. Matagal nang wala si Kuya Warren at alam ko na gusto niya rin na mahanap mo ang taong magmamahal para sa'yo. Wala naman akong karapatang magalit kung nag-asawa ka na pero hindi mo pa rin maiaalis sa akin na nabigla ako sa sinabi mo but its okay, as long na masaya ka." Nakangiti niyang sabi.
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya at niyakap siya na ikinagulat pa niya. "Salamat sa pag-intindi mo. Hindi ko naman inaalis na naging parte rin sa buhay ko ang Kuya Warren mo. May sadyang tao lang talaga na nagpakita at nagmahal sa akin ng totoo katulad ng ginawa ng kuya mo." Sabi ko at kumalas na ng pagkakayakap sa kanya.
Nakita ko naman na namula siya sa ginawa ko at hindi makatingin ng diretso sa akin. How cute.
"A-Ate naman, nangyayakap ka na lang bigla. M-medyo nahiya tuloy ako sa'yo." Sabi niya at napayuko.
Natawa ako sa naging reaksyon niya at kinurot ang pisngi niya. "Ang gwapo-gwapo mo na nga tapos ang cute-cute mo pa. Pareho talaga kayo ng Kuya Warren mo!" Nakita ko naman ang palihim na pagngiti niya saka tumingin sa akin.
"At alam mo? Ang ganda-ganda mo." Seryoso niyang sabi na ikinatahimik at ikinapula ng buong mukha ko.
Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. "Ilan taon ka na ba, Ate Reese?" Tanong niya saka nito ininom ang strawberry shake.
Napaayos naman ako saka bumalik na sa upuan ko. "20 years old na ako." Tumango siya at ngumiti na naman.
"Mas matanda ka lang pala sa akin ng isang taon, e. I'm already 19." Kaagad naman akong nagreact sa sinabi niya at sinuri siyang mabuti.
"Seriously? You only look like 16." Pag-amin ko.
He shrugged. "You look young too. Dapat pala ay hindi na kita tinatawag na ate. Dapat pala ay Reese nalang." Sabi niya at nginisian ako.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Kahit na! Mas matanda pa rin ako sa'yo ng isang taon kaya dapat ay Ate Reese ang itawag mo sa akin. Sige ka, kapag hindi mo ako ginalang ay magagalit ang Kuya Warren mo sa langit." Sabi ko at nagcross arms.
Tinaasan lang rin niya ako ng kilay. "Ayoko nga saka wala naman dito si kuya Warren kaya Reese lang ang itatawag ko sa'yo." He smirk at inumpisahan nang lantakan ang mga pagkain na nasa table.
Napanguso nalang ako at nanahimik. Ang kulit rin pala ng step-brother ni Warren.
"Nasaan na nga pala ang asawa mo?" Biglaang tanong ni Jayden.
"Nasa trabaho pa siya. Mamayang gabi pa siya makakauwi." Tumango naman siya habang patuloy pa rin sa pagkain. Pagkatapos niyang kumain ay tumingin siya sa akin ng seryoso.
Pati ang pagtingin niya ng seryoso ay talagang nakaka intimidate. Kahit sinong babae yatang walang ibang lalakeng minamahal ay magkakagusto rin kay Jayden. Nakuha niya na ang lahat ng katangian na hinihiling ng ibang lalake na mayroon sana sila.
"Do you really love your husband?" He asked me.
I nodded and smiled. "I really love him, so much."
He nodded again at hindi ko alam pero bigla nalang lumungkot ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Siguro ay dahil hindi pa rin niya matanggap ng lubos na may iba na akong minamahal bukod sa kuya niya. I understand him at hindi ko siya ipipilit na tanggapin na may ibang mahal na ako.
"Then good. I'm sure that Kuya Warren is now happy in heaven because you finally found someone who will love you and take care of you forever." Ngumiti siya at tumayo saka lumapit sa akin. Hinawakan naman niya ang kamay ko at kaagad akong naconcious dahil sa ginawa niya.
"Can we be friends, Reese?" Tanong nito. Nakahinga naman ako ng maluwag at ngumiti.
"Oo naman. Ayon lang pala, e!" Napangiti siya sa sinabi ko.
"Thank you."
Hindi naman siguro magagalit si Sky na makipagkaibigan ako sa step-brother ni Warren. Alam ko naman na hindi magkakagusto sa akin si Jayden dahil parang kapatid na rin ang turing niya sa akin dahil minsan ko na rin minahal ang kuya niya.
JAYDEN'S POV
I was so happy that I'm now become closer with Kuya Warren's first love, Reese. Tutuparin ko na rin ang sinabi ng Kuya Warren ko noong mga bata palang kami.
"Oy, Jayden! Kung sakaling mamatay man ako ay ikaw ang pumalit sa pwesto ko, ha? Gusto ko na ikaw ang pumalit sa pwesto ko mula kay Reese. Walang ibang lalakeng pwedeng lumapit sa kanya kundi ikaw lang." Pagbibiro ni Kuya Warren habang gumagawa kami ng homework sa sala.
"Kuya naman, bakit mo ba iniisip na mamamatay ka na kaagad?" Tanong ko habang busy sa pagsusulat.
"Wala lang. Pakiramdam ko lang na maaga akong kukunin ni Lord. Basta tandaan mo 'yung sinabi ko, ha? Kung sakali lang na mamatay ako." At tumawa pa siya kaya tumawa na lang rin ako.
"Imposible naman na mamatay ka kaagad. Masamang damo ka kaya!" Sabi ko na ikinatawa pa niya lalo.
"Loko ka talaga!"
I will never forget what you said Kuya Warren. Ako lang ang pwedeng pumalit sa pwesto mo sa puso ni Reese. I don't care if she had now a husband and she loves him. The important is, I will make sure that Reese is going to be mine.