REESE' POV
Nang makarating na kami ni Zeke sa bahay ay kaagad kaming nagtungo sa kusina at sinimulan na niya akong turuan kung paano magluto ng adobo. Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng pagkailang sa kanya dahil sa mga sinabi niya kanina sa loob ng kotse. Alam kong binibiro niya lang ako at ako naman talaga ang pinapatamaan niya pero hindi ko pa rin mapigilang mag-isip ng kung anu-ano.
Ano ka ba naman Reese! Pati ba naman joke ni Zeke ay poproblemahin mo pa? Sa bait at loyalty niyan kay Sky ay magagawa ba niya iyon? Hindi niya iyon magagawa at parang nakakatandang kapatid mo na rin siya. Ayon nalang ang inisip ko at kumalma na.
Pagkatapos ng ilang oras niyang pagtuturo sa akin kung paano magluto ng adobo, sa wakas ay naluto na ito at kaagad ko namang tinikman.
"Masarap ba?" Tanong ni Zeke habang tinitikman ko ang adobong niluto naming dalawa.
Ngumiti naman ako at nagthumbs-up. Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ko at umupo sa kitchen stool.
"Ang sarap ng niluto natin, Zeke. Medyo alam ko na kung paano lulutuin ang adobo na paborito ni Sky. Salamat sa tulong mo, ha?" Sabi ko at umupo na rin sa katabi niyang kitchen stool.
"Walang anuman. That's only a simple request. Kapag ikaw ang nagsabi ay gagawin ko kaagad." He said while looking at me.
Ayan na naman siya sa mga sinasabi niyang mas lalong nakakapagpagulo ng isipan ko. Katulad ng dati ay hindi ko na pinansin pa ang sinabi niya at nanahimik nalang.
Napatingin naman siya sa suot niyang wristwatch. "2pm na pala. Kailangan ko nang umuwi, Reese. Dadalawin ko pa kasi 'yung nanay ko sa kulungan." Sabi niya at kaagad na tumayo.
"N-nakakulong ang nanay mo?" Hindi ko mapigilang tanong at tumayo na rin.
Tumango siya at bumuntong-hininga. "Yeah. She takes illegal drugs and selling it kaya siya nakakulong." Nakayuko niyang sabi at ramdam ko sa boses niya ang lungkot dahil sa pagkakakulong ng nanay niya.
Nilapitan ko naman siya at niyakap na ikinatigil niya. "H-hindi ko alam kung paano kita icocomfort pero sana ay makalaya na ang nanay mo. Pasensya ka na kung natanong ko pa ang personal issues mo." Sabi ko pagkatapos ay humarap ako sa kanya at nginitian siya.
Napatitig naman siya sa akin pagkatapos ay nginitian rin ako. "Salamat, Reese. Wala lang sa akin 'yon kung tinanong mo kung bakit nakakulong ang nanay ko. Nagkaganon lang naman siya simula nung namatay ang tatay ko na dating Private Investigator nila Sir Sky."
I nodded at magsasalita pa sana nang..
"Flirting my wife in front of me?" Sabi ng may malalim at malamig na boses. Napalingon ako sa nagsalita at nagulat nalang ako nang si Sky iyon.
Nakasuot siya ng business attire suit na nakatanggal na ang itim niyang coat.
Nakatitig ito ng masama kay Zeke kaya kaagad akong napaatras at lumayo ng kaunti kay Zeke.
"Sir Sky, kayo po pala." Sabi naman ni Zeke at nagbow pa ito.
Hindi pinansin ni Sky ang sinabi ni Zeke bagkus ay nilapitan niya ako at hinigit papalapit sa kanya.
Ito na naman. Nagseselos na naman siya panigurado.
"Leave." Utos ni Sky.
Tumango lang naman si Zeke saka bumaling sa akin at nginitian ako. "Aalis na po ako, Ma'am Reese. Nag-enjoy po ako na samahan kayo sa mall. Paalam po." Sabi niya pagkatapos ay umalis na siya.
Naramdaman ko nalang ang paghigpit ng hawak ni Sky sa braso ko at tinitigan ako sa walang ekpresyon niyang mukha. Napalunok naman ako dahil sa kaba.
"See? He likes you." Sabi niya at inis na bumuntong-hininga at lumayo sa akin ng kaunti.
I sighed in frustration. Pag-aawayan na naman ba namin si Zeke at ipipilit niya na may gusto sa akin 'yung tao? Halos dalawang taon na kaming magkaibigan ni Zeke at hindi ko naman nararamdaman na gusto niya ako. Masyado lang talaga mag-isip itong si Sky at halos lahat nalang ng lalaking nakapaligid sa akin ay iisipin niyang may gusto sa akin.
"I'm tired of arguing with you, Sky. Paulit-ulit na naman tayo." Sabi ko habang hinihilot ang sintido ko.
Tumawa lang siya sa sinabi ko at napasigaw na rin. "At nagpunta pa talaga kayo sa mall ng kayong dalawa lang, huh? Hindi pa siya nahiyang ipamukha sa akin na magkasama kayong dalawa sa mall at ginamit ka pa niya bilang alibi niya." He said in amusement at nagulat nalang ako nang tinabig niya iyong vase na nakadisplay sa lamesa kaya nalaglag at nabasag ito.
Napaluha na ako at tinitigan siya ng masama. "Lahat nalang ba ng lalakeng nakakasama ko ay pagseselosan mo at pag-iisipan mo ng masama? Nagpasama lang ako kay Zeke kanina sa mall dahil naggrocery ako at wala akong ibang makakasama and he help me how to cook your favorite adobo para pag-uwi mo ay matuwa ka sa akin at maging proud ka na ipinagluto kita. Zeke is only my friend for pete sake! Alam mong kahit kailan ay loyal siya sa'yo at hindi niya magagawa ang bagay na iniisip mo!" I shouted at him and I burst out while crying.
Natigilan naman siya sa sinabi ko at napapikit saka unti-unti nang kumakalma. "Yes, I know. You wouln't understand men's nature. Pinagkakatiwalaan ko si Zeke at alam ko ang loyaty niya sa pamilya ko pero kapag ikaw na ang kasama niya? Nakikita ko, Reese.. Nakikita ko sa mga mata niya na may gusto siya sa'yo at hindi malabong mangyari 'yon. Alam ko kung paano tumingin ang isang lalake sa babaeng nagugustuhan nila dahil lalake rin ako. Asawa man kita pero kung gugustuhin niyang magustuhan ka ay gagawin niya. Hindi mo ako maiintindihan dahil wala ka sa posisyon ko. Akala mo lang palagi ay walang motibo ang mga lalakeng nakapaligid sa'yo. Tsk. I'm really really tired. Magpapahinga na ako." Malamig niyang sabi at pagkatapos ay iniwan na niya ako at umakyat na papuntang kwarto namin.
I silently cried at napaupo. He's mad at me. Sky is really mad at me at narealize ko na may point siya sa sinasabi niya.
I shouldn't trust other guys too much lalong lalo na si Zeke.
SKY'S POV
Pagkaakyat ko sa kwarto namin ni Reese ay humiga ako sa kama namin at pumikit. Nagalit na naman ako at nasigawan ang asawa ko. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko kanina. Kinain na naman ako ng matinding pagseselos ko. Paano ba akong hindi magseselos kung alam ko naman na may interes ang Zeke na iyon kay Reese? Hindi ako tanga para hindi mapansin iyon.
Kung kayo ang nasa sitwasyon ko ay maiintindihan niyo rin ako. I am not dumb not knowing it. Nagtitiwala naman ako kay Reese at alam kong hindi niya sisirain ang tiwala ko sa kanya pero si Zeke? Kahit matagal ko na siyang kakilala ay hindi ako lubusang nagtitiwala sa kanya. I know him. I know him very well at alam ko ang mga itinatago niyang sikreto.
Naramdaman ko nalang ang paghiga ni Reese sa tabi ko kaya nagkunwari akong natutulog.
"Babe, tulog ka na ba?" Sabi niya sa mahinang boses.
Her voice. Kapag naririnig ko ang malambing niyang boses ay bigla nalang nawawala ang galit at inis ko. Ang kaninang galit ko ay unti-unti nang naglalaho dahil sa boses niya.
Narinig ko nalang ang pagbuntong-hininga niya saka naramdaman ko na niyakap niya ako mula sa pagkakahiga ko ng patagilid.
Her hug. Dahil sa isang yakap niya lang ay napapakalma na niya ako.
"Sorry. Sorry dahil ginalit na naman kita. Sorry kung sama pa rin ako ng sama kay Zeke kahit alam kong nagseselos ka sa kanya. Promise ko sa'yo, hindi na ako masyadong makikipaglapit pa sa kanya. I won't break your trust on me, Sky dahil mahal na mahal kita.." She said.
Napangiti nalang ako sa sinabi niya at humarap sa kanya na ikinagulat niya.
She was shock nang makita niyang gising pa ako. "G-gising ka pa pala? Narinig mo 'yung mga sinabi ko?" Gulat na gulat niyang tanong.
Tumango ako at niyakap siya nang mahigpit at pinagdikit ang mga noo namin. "I heard all you've said. Thank you for trusting me, babe. I'm sorry if I got mad again and shouted at you. I'm so sorry." Mahinahon kong pagkakasabi saka hinalikan siya ng paulit-ulit.
Napangiti naman siya sa ginagawa ko. "Ako nga ang dapat magsorry sa'yo, Sky. I'm such a bad wife to you." Sabi niya at napayuko.
I cupped her face at tinitigan ang napakaganda niyang mukha. She's the prettiest and innocent girl I've ever seen. She's my angel sent from the above and I'm so lucky to have this angel.
"You're not a bad wife to me. You're a good wife to me. Hindi ka man marunong sa mga gawaing bahay ay alam ko ang effort mo para maging mabuting asawa sa akin." I said then I look at her again.
She cried again at natatawa akong pinalo sa dibdib ko. "Nakakainis ka! Pinaiyak mo na naman ako. Tignan mo nga oh, hindi ka pa nagbibihis at kumakain pero natutulog ka na." Inis niyang sabi at sumiksik sa leeg ko.
Natawa nalang ako. "You cook adobo for me, right? I want to taste it." Bumaling naman siya sa akin at ngumiti.
"Really? Halika na. Bumangon ka na diyan at tikman mo ang masarap kong nilutong adobo!" Masayang sabi niya at hinila na ako mula sa pagkakahiga ko sa kama namin.
I just chuckled at nagpatangay nalang sa kanya.
This girl, I really love her so much and no one will get her away from me. No one.