ZEKE'S POV
Napangiti ako at napailing nang pinaalis na ako ni Sir Sky sa bahay nila ni Reese. Alam ko namang matagal na niya akong pinagseselosan dahil malapit na ako sa asawa niya. Sino bang hindi magkakagusto kay Reese? Napakaganda niya, mabait, inosente at higit sa lahat ay isang wife material.
Kung hindi lang talaga sila mag-asawa ni Sir Sky, e.
Nagpunta kaagad ako sa building ng City Jail kung saan nakakulong ang nanay ko. Pagkarating ko doon ay pinalabas muna siya ng isang pulis sa selda niya pagkatapos ay nagpunta ito sa visitors area kung saan ako naghihintay. Nang makita niya ako ay nginisian niya ako at hinalikan sa pisngi. Nginitian ko naman siya saka kami umupo.
"Kumusta na kayo dito, nay?" Tanong ko saka inilabas ang mga binili kong pagkain para sa kanya.
Umirap naman ito at humalukipkip. "Ayoko na dito, anak! Mag-asawa kana kasi ng mayaman para makalabas na ako dito!" Reklamo niya.
Napailing nalang ako sa sinabi niya. Gustong-gusto na niya kasi akong mag-asawa at dapat raw ay mayaman rin pero dahil hindi ko pa natatagpuan- taken na pala ang babaeng gusto ko ay hindi ko siya mapagbigyan.
"Nay naman e," Sabi ko nalang at napakamot sa ulo ko.
"Hoy bata ka, huwag mo nga akong artehan ng ganyan! Sa gwapo mong 'yan ay hindi ka man lang nakabingwit ng malaking isda? Wala ka bang ibang babaeng nagugustuhan?" Sabi niya at sinimulan nang galawin ang mga pagkaing binili ko para sa kanya.
Napabuntong-hininga nalang ako. "M-may gusto naman ako kaso ay taken na, I mean, may asawa na at last 2 weeks lang sila kinasal." Napatawa naman si nanay sa sinabi ko.
"Mayaman ba 'yung babae? Bata pa?" Tumango ako.
"Oo. 20 years old palang sila ng asawa niya." Sabi ko naman.
Inakbayan naman ako ni nanay at bumulong sa akin. "Bago lang pala sila kinasal e, kaya pwede mo pang sirain ang relasyon nila. Kung ang mag-asawa nga ay naghihiwalay kahit ilang dekada na silang nagsasama, sila pa kaya ng babaeng nagugustuhan mo na dalawang linggo palang simula nung ikinasal?" Napahinto ako sa sinabi ni nanay.
Gusto kong maghiwalay na sina Reese at Sir Sky pero parang mali naman yata iyon. Malaki ang naitulong ng pamilya ni Sir Sky para bumaba ang sintensya ng pagkakakulong ng nanay ko. Sila rin ang tumulong sa amin para sa pagpapalibing sa tatay ko. Binigyan pa nila ako ng trabaho at pera para sa pag-aaral ko noon. Hindi ko kayang suklian si Sir Sky ng masasamang bagay pero.. Gustong-gusto ko 'yung asawa niya. Gabi-gabi ko nalang pinagpapantasyahan si Reese at iniisip na katabi ko siya sa kama ko saka hinahalikan at hinahawakan ko siya sa iba't-ibang parte ng katawan niya. Gusto ko rin siyang halikan sa labi at yakapin katulad nang ginagawa nila ni Sir Sky. Dapat hindi ko iniisip ang mga bagay na ganito pero hindi ko mapigilan.
Naaakit na ako ni Reese at hindi ko alam kung kailan ba mawawala ang atraksyon kong ito.
Umiling ulit ako. "Hindi ko 'yon magagawa, nay. Maling-mali na gagawin ko 'yon." Sabi ko.
Humalakhak naman siya sa sinabi ko. "Parehong-pareho talaga kayo ng tatay mo. Pareho kayong ubod ng bait. Wala naman sigurong masama kung minsan ay maging masama ka, anak? Para naman sa ikaliligaya mo ang gagawin mo at baka sakaling mahalin ka rin ng babaeng gusto mo sa ganong paraan." Nakangisi niyang sabi at tinaasan ako ng kilay.
Napapikit nalang ako saka nagmulat ulit. Maninira ba ako ng relasyon? Sasaya naman kaya ako kung gagawin ko iyon? Magiging masama na ba ako pagkatapos ko iyong gawin? Sisirain ko ba ang tiwala ni Sir Sky sa akin kapalit ang asawa niya?
Bahala na.
CYNDI'S POV
I'm currently stalking Sky Avenido's f*******: account. Napasimangot nalang ako dahil halatang hindi siya active sa social media. His photos are very few at ang karamihan pa ay picture lang nila ng asawa niya kung ikinasal nila. He only have 100+ friends in his friendlist, its either mga kamag-anak, kakilala o mga kaibigan lang niya 'yon pero almost 200,000+ na ang naka follow sa account niya. He's really a famous guy but he doesn't even care about it kaya mas lalo akong nagkakainterest sa kanya. He's very cool pa at gusto ko ang pagiging cold at suplado niya.
Maaakit ko rin ang isang Sky Avenido at kukunin ko siya mula sa asawa niya.
"Stalking his profile, cous?" Napalingon naman ako sa nagsalita and its Austin na pumasok sa loob ng kwarto ko. I'm now staying at their house for a while.
I just smirk at him at tinitigan ang picture ni Sky na mukhang stolen shot pa but he's still so handsome and cool with this.
"I heard na naghahanap ka ng work? Bakit hindi ka mag-apply sa kompanya nila Sky?" Nakangising sabi niya at umupo sa gilid ng kama ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napatili.
"I like that idea! So, Sky was there?" Masaya kong tanong.
He nodded. "Yeah. As far as I know, he's now acting as a co-founder in Avenido's group of companies. You better apply in their company. Its a good plan to get him and be yours." He said and he chuckled.
Mas lalo naman akong natuwa at inisip ang mga hakbang na gagawin ko on how to get a cold and snob Sky. Should I wear too revealing clothes and super mini skirts to seduce him? Should I change my hairstyle and dyed it? Should I buy a new make-up and shoes to be more look beautiful for him? Kailangan ko talagang paghandaan ang mga gagawin ko. I want to look beautiful and seductive to Sky para iwanan at itaboy na niya ang asawa niya.
"I'm deal with it!" Nakangiti kong sabi. Austin nodded pagkatapos ay kumuha ito ng sigarilyo na nakapatong sa bedside table ko at sinindihan ito.
"How about you? What are your plans para naman makuha mo si Reese?" Tanong ko habang abala sa pagtingin ng mga magagandang make-ups and dresses thru online.
"Alam ko na magtatrabaho na siya sa business clothing line ng pamilya niya at isa sa mga investors si Mommy at katulong ako do'n kaya mas may chance na magkakasama kami araw-araw at maisasagawa ko ng mas madali ang mga Dirty Tactics ko." I look at him and he's smiling devilishly.
I know Austin is a playboy. He get the girls he wants using his charm and looks. Marami na siyang mga babaeng pinaiyak at sinaktan. He really loves s*x and to play around with women. I didn't know na magiging ganito na siya kaobsess sa isang babae. Well me, I admitted that I'm a b***h, a relationship ruiner at baka ilang linggo lang ay mapagsawaan ko na si Sky but Austin? I can see the obsession and desperation in his eyes to get Sky's wife and it makes me cringe.
"Okay. Goodluck." I said then I look away at him.
Gahd! He's scary.
REESE' POV
I felt relief nang nagkaayos na kami ni Sky. Hindi ko kasi kayang tumagal ang away namin kaya nilambing ko siya. Sinunod ko na rin ang lahat ng mga sinabi niya para hindi na kami mag-away pa ulit. Pati ang layuan ko si Zeke ay gagawin ko na. Para hindi na raw ako mahirapan sa mga gawaing bahay ay kumuha na si Sky ng katulong namin sa bahay. Kung gusto ko naman daw talaga na matuto sa mga gawaing-bahay ay magpaturo lang ako sa bagong katulong namin na si Manang Gina. She's 45 years old at isang mapagkakatiwalaan na tao. Mabait at masayahing tao si Manang Gina. Katulong pala siya nila Sky sa mansyon nila pero kinuha lang siya ni Sky dahil sa lahat ng mga katulong nila sa mansyon ay si Manang Gina raw ang pinagkakatiwalaan niya.
"Alam mo hija, napakaganda at napakabuti mong bata. Hindi na talaga nakapagtataka na nagustuhan ka ni Sky." Nakangiting sabi ni Manang Gina habang tinutulungan ko siyang magdilig ng mga halaman sa garden namin.
Napayuko naman ako sa hiya dahil sa sinabi nito. "N-naku, Salamat po." Sabi ko naman at nginitian siya pabalik.
"Marami sigurong mga kalalakihan ang nagkakagusto sa'yo. May kung ano kasi sa'yo ang nakakahumaling, hija." Nakakunot-noo siya at tila nag-iisip.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Ano po bang nakakahumaling sa akin?" Tumango siya pagkatapos ay bumaling na ulit sa akin.
"Maganda ang mga mata mo. Kapag natitigan nila iyan, sila ay tila nahuhumaling na sa iyo at parang mahirap na itong kalimutan. Napakaganda rin ng mukha mo, hija. Para kang isang anghel na pinadala dito sa lupa."
Namula naman ako do'n. Nakakatuwa at pinupuri ako ng isang taong para ko na rin'g magulang. Nakakagaan ng loob at nakaka flatter.
"Salamat po, Manang Gina." Sabi ko.
Tumango lang siya saka bumaling na ulit sa pagdidilig.
"Tandaan mo hija, may mga taong darating sa buhay mo na guguluhin ang puso't-isip mo pero kung talagang tapat ka sa isang taong gusto mong makasama ng habangbuhay ay kayo pa rin ang magsasama hanggang sa huli."
Napahinto at napaisip ako sa sinabi ni Manang Gina. Tama siya, may mga taong guguluhin ang puso't-isip ko pero sisiguraduhin ko na hindi makakahadlang iyon sa tunay kong nararamdaman para sa lalakeng mahal ko.
Kay Sky.
Sisiguraduhin ko na kami pa rin ang magsasama hanggang sa huli.