REESE' POV
Nag-umpisa na ang pagtatrabaho ni Sky sa kompanya ng mga magulang niya kaya sasanayin ko na ang sarili ko na wala na siya palagi sa tabi ko. Sasanayin ko na rin ang sarili ko sa mga household duties na hindi ko alam at magpapaturo ako either kila Mom o sa mga yaya namin sa bahay. I want to cook some foods, wash our clothes, clean the whole house and be a good wife for Sky para naman hindi siya magsisi na ako ang pinili niyang maging asawa. I don't want to lose him at sa unang pagkakataon sa buhay ko ay nakaramdam ako ng insecurities sa pinsan ni Austin na si Cyndi. That girl is so pretty and sexy. She's a typical Queen Bee na nakakainsecure sa ibang mga babae. Alam kong mahal na mahal ako ni Sky pero natatakot akong baka magkagusto siya sa ibang babae. But I trust Sky, hangga't pinanghahawakan ko ang salitang mahal niya ako at hindi niya ako iiwan ay ayos na sa akin iyon.
We're now living in a house na medyo malapit lang sa bahay ng pamilya namin. The house is not that big kaya madali lang siyang linisin. Pinaghandaan talaga ng asawa ko ang pagtira namin sa bahay na ito dahil halos kumpleto na ito sa mga gamit at organize na ang lahat ng mga kagamitan. I know Sky, ayaw niya ng marumi o magulong bahay. He's really neat and clean person. Kahit sa loob ng kwarto niya ay sobrang linis doon kaya hindi na ako magtataka na napakaganda at napakalinis ng bahay naming mag-asawa.
Dahil medyo kulang na ang stock ng mga pagkain sa ref namin ay naisipan kong maggrocery pero kailangan ko ng makakasama. Hindi naman ako marunong magdrive at mukhang mapaparami yata ang mapapamili ko kaya naghanap ako ng makakasama ko. Alam kong busy ang mga kaibigan namin nila Sky kaya hindi ko na sila inabala pa. Napaisip naman ako at napatango nang maalala ko kung sino ang pwede akong samahan.
Si Zeke.
Alam kong nagseselos si Sky kay Zeke pero dahil lang iyon sa closeness namin ng Private Investigator niya. Zeke is a nice person, mabait siya at mapagkakatiwalaan. Nakikita ko ang loyalty niya sa pamilya nila Sky and he's the one who save Sky nang babarilin na sana siya ni Ryu. Zeke is a handsome guy na palagi kong sinasabi kay Sky kaya naiirita na siya sa pang-aasar ko but Sky is one of a heck handsome. Hindi na yata tama ang term na handsome sa kanya, more like a Greek-God-look handsome.
I called Zeke at ilang ring pa lang ay sinagot na niya.
(Ma'am Reese, bakit po kayo napatawag?) Sabi nito at halata sa boses niya na kakagising niya palang.
Its already 11am pero hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya?
"Sorry, naistorbo ba kita?"
(Hindi naman po, Ma'am. May maipaglilingkod po ba ako sa inyo?)
Bigla naman akong natawa sa sinabi niya. "Huwag ka namang masyadong magalang sa akin, Zeke. You're older than me at hindi ba't sinabi ko na sa'yo na 'wag mo akong tawaging Ma'am?"
I heard him chuckled on the other line. (Sorry. Nasanay lang kasi talaga akong maging magalang Ma- I mean Reese.)
Natawa naman ako don. "Okay, sige. May favor lang sana ako sa'yo kung okay lang at hindi ka busy?"
(Walang problema. Day off ko naman ngayon at wala akong masyadong ginagawa. Ano bang favor mo?)
Napakagat ako ng labi. "M-Magpapasama lang sana ako sa'yong mamili sa grocery. Kung pwede ay ipagdrive mo na rin ako dahil hindi naman ako marunong magdrive. Mamaya pa kasing gabi makakauwi si Sky at gusto ko na ipagluto siya. Ayon ay kung okay lang sa'yo?" Nahihiya kong sabi.
Tumawa na naman siya sa kabilang linya. (Ayon lang ba? Basta't para sa inyo ni Sir Sky ay makakaasa kayo, Reese.)
Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Salamat."
I ended the call nang sinabi niyang kakain muna siya at maliligo. Itetext nalang raw niya ako kapag papunta na siya sa bahay namin nila Sky. Nag-ayos na rin ako ng sarili ko at ilang oras lang ay dumating na si Zeke sa bahay namin.
Napanganga ako nang makita siya. Hindi tulad ng naka all black outfit siya, ngayon ay naka casual wear lang siya at nakikita ko pa lalo ang kagwapuhan niya. He's wearing a plain white t-shirt and black pants. Naka brush-up ng pa-side ways ang itim niyang buhok at mas lalo pa akong natawa nang may kinakain siyang taho na nakalagay sa isang malaking baso na para yatang ginagamit sa mga ice cream parlor.
"Hi!" Nakangiting bati niya nang pinagbuksan ko siya ng gate.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinawanan siya. "Hi rin Zeke! Masarap ba 'yang kinakain mong taho?" Sabi ko at nginisian siya.
He smiled and nodded at nagpout pa. "May nakita kasi akong nagbebenta nito sa daan kaya bumili ako. Paborito ko kasi 'to kaya natakam ako at bumili na." Natatawa naman niyang sabi at pagkatapos niyang maubos ang kinakain niyang taho ay itinapon niya ang baso at kutsarang ginamit niya sa itim na trash can sa gilid ng gate namin.
"Pwedeng makiinom ng tubig, Ma- I mean Reese?" Nahihiya niyang sabi at nagkamot pa ng batok.
Natawa nalang ako at tumango. "Sige, pasok ka."
Nang pumasok na kami sa loob ng bahay ay kaagad naman siyang nagtungo sa ref namin at nagsalin ng tubig sa baso at ininom ito pagkatapos ay lumapit na siya sa akin at nginitian ako.
"Let's go?"
I nodded at sabay na kaming lumabas ng bahay. Sinigurado ko munang isinara ko ng maigi ang gate ng bahay bago kami umalis. Pinagbuksan niya ako ng kotse pagkatapos ay pumasok na kami sa loob ng kotse na iniregalo sa akin ng parents ni Sky. Umupo naman siya sa driver's seat habang ako ang nasa front seat.
"Dapat magpaturo ka nang magdrive para kapag gusto mong umalis mag-isa sa bahay niyo ni Sir Sky ay marunong ka na." Sabi ni Zeke habang nagmamaneho patungo sa pinakamalapit na mall.
"Oo nga e, ang kaso ay ayaw pa akong payagan ni Sky na imaneho itong kotseng niregalo sa akin ng parents niya nung kasal namin. Baka raw maaksidente pa ako sa daan kung imaneho ko 'tong kotse. Alam mo naman 'yon. Masyadong overprotective sa akin." Sabi ko naman.
Tumango lang siya. "Kung sa bagay, may point naman si Sir pero mas maganda pa rin kung marunong kang magdrive. 20 years old ka na at kapag nagtrabaho ka na sa kompanya ng pamilya mo ay hindi ka na mamomroblema kung kailan o anong oras mo gugustuhing umalis o umuwi. Ako nalang sana ang magtuturo sayong magdrive pero ayaw pala ni Sir." Sabi naman niya saka bumaling sa akin at nginitian ako.
Napaisip ako sa sinabi niya. Pwede naman akong magpaturo kay Zeke magdrive dahil mapagkakatiwalaan naman siya at walang gagawing masama sa akin ang kaso ay alam kong hindi papayag si Sky don. Matindi ang pagseselos niya sa tuwing kasama ko si Zeke kaya hindi nalang muna siguro.
Mahina siyang napatawa saka bumaling na ulit sa daan. "Forget what I've said. Suggestion ko lang naman 'yon." Tumango nalang ako at hindi na muling nagsalita pa.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa pinakamalapit na mall pagkatapos ay pinark muna ni Zeke ang kotse sa parking lot ng mall pagkatapos ay pumasok na kami sa loob.
Nakita ko naman ang paglingon ng mga kababaihan na nasa mall pagkakita nila kay Zeke. He's a head turner like Sky. Kailan kaya ako magkakaroon ng lalakeng makakasama na hindi mapapatingin sa direksyon namin?
"Sa grocery tayo." Sabi ko.
He nodded. "Okay mah lady." Natawa ako sa sinabi niya. Sadyang palabiro lang talaga si Zeke kaya nasanay na ako sa kanya.
Kaagad kaming nagtungo sa grocery store at namili na ng mga kakailanganin ko. Tinulungan naman niya ako sa paghahanap ng mga items na bibilhin ko. Siya rin ang tagatulak ng cart ko. Pagkatapos naming mamili ay pumunta na kami sa counter at pumila. Pati ang mga babaeng nasa pila ay kinikilig at nakatunganga habang nakatingin kay Zeke pero siya naman ay nakatingin lang sa akin habang nakangiti. Naconcious naman ako kaya tinanong ko siya.
"Bakit mo ako nginingitian?" Nahihiya kong sabi. Mas lalong lumawak ang ngiti niya saka umiling.
"You're a wife material. Ang swerte ni Sir Sky sa'yo dahil ikaw ang naging asawa niya." I shook my head.
"Hindi ako wife material. Ni hindi nga ako marunong magluto, maglaba at maglinis ng bahay. Wala akong alam sa mga gawaing bahay kaya nakakahiya ako kay Sky. Ako nga ang babae pero mas marunong pa siya sa mga gawaing bahay kaysa sa akin." Malungkot ko namang sabi at napayuko.
Hinawakan naman niya ako sa balikat ko. "But at least you're doing your best to be a good wife for him. He's so lucky to have a good wife like you." Seryoso niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. I smiled back.
"Salamat." Ngumiti lang siya pagkatapos ay bumaling na ulit sa mga taong nasa pila.
Pagkatapos naming mamili ay dinala na niya ang sangkatutak naming mga pinamili pagkatapos ay lumabas na kami ng mall at nagtungo sa parking lot. Nilagay niya ang mga pinamili namin sa back seat ng kotse saka na kami pumasok sa loob.
"Thank you sa pagsama sa akin mamili. Sorry kung inabala ko pa ang day off mo, Zeke." Nahihiya kong sabi.
"Ano ka ba, wala lang 'yon no, saka masaya naman ako na kasama kita."
Naguluhan naman ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang inisip pa iyon.
Instead ay iniba ko nalang ang usapan. "Ahm.. Zeke, do you know how to cook adobo?" Tumango naman siya saka pinaandar ang kotse.
"Oo naman. Bakit?" Tanong niya.
Grabe. Ang dami ko nang pabor sa kanya at nakakahiya na!
"P-pwede mo ba akong turuang magluto ng adobo? Promise, kapag marunong na ako ay hindi na kita aabalahin pa." Paumanhin ko.
He chuckled. "Sure. Bakit naman hindi? Sino ba ang ipagluluto mo ng adobo?" Tanong niya.
"S-si Sky." Tumango lang siya.
"Okay."
Natahimik na kami sa gitna ng daan at wala nang isa sa amin ang nagsasalita. I look again at Zeke, kahit sinong babae ay magkakagusto sa kanya. Gwapo siya, mabait, masipag at katulad ni Sky ay marunong rin magluto.
"Zeke, nagka girlfriend ka na ba?" Natigilan naman siya sa tanong ko at umiling.
"Wala pa."
"Wala pa? Sa gwapong mong 'yan ay wala pa? I'm sure na marami namang nagkakagusto sa'yo kaya bakit wala ka man lang naging girlfriend ni isa?" Tanong ko.
Bumaling siya sa akin at nginitian ako. Gosh. This guy loves to smile. "Siguro ay wala pa akong natitipuhang babae para sa akin. Meron na sana ang kaso ay hindi na pwedeng maging kami."
"Huh? Bakit naman?"
"May asawa na 'yon pero umaasa ako na maghihiwalay rin sila." Then he laughed.
Naweirduhan naman ako sa sinabi niya pero napanatag naman ang loob sa sinabi niyang joke lang raw iyon.
Kahit kailan talaga ay palabiro itong si Zeke!