Chapter 5

1317 Words
"Kai, thank you." Kanina pa 'ko pangiti-ngiti habang pinagmamasdan siyang linisin ang sugat ko. Dream come true talaga ito lalo't kasama ko siya sa kwarto ko. Hindi ko maiwasang mapatingin sa braso niyang buong-buo at lumalabas ang biceps sa bawat pag-inat niyon. Seryoso siya sa paglilinis ng sugat ko gamit ang clean cloth. Napapakagat labi ako 'pag dumodoble ang hapdi niyon. At the same time, na-a-amazed din ako kay Kai. I could see how passionate he was on what he's doing. Talagang gusto niya sigurong mag-doctor kaya ganito niya na lang kung gamutin ang sugat ko. Pwede ring crush niya na rin kasi ako kaya concern na siya sa 'kin. Parang masusugat ang ibabang labi ko sa riin ng kagat ko roon. Pinipigilan kong humirit sa kilig kahit kiliting-kiliti na 'ko sa bawat pagdampi ng balat niya sa hita ko. "Thank you, Kai," ulit ko nang hindi siya sumagot sa pasalamat ko. "Next time, wag mo ng piliting sabayan ako." Binalik niya ang mga gamit sa kit saka iyon sinara. Tumingala ako nang tumayo siya. "Hindi kita sinasabayan. Coincidence lang iyon." Umiling-iling siya saka lumabas ng kwarto ko. I followed him. Napakapit ako sa binti ko nang kumirot ang sugat ko. Kainis. Dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdan habang ang bilis niya. "Kai!" Huminto siya sa tapat ng entrance door. Buti't hindi siya tuluyang lumabas. Pilit kong binilisan ang hakbang. I stood in front of him. Tumingala ako para pagmasdan ang ganda ng mga mata niya. "I swear, coincidence lang iyon." "Okay." "Okay?" "Shazmin, anak!" Napalingon ako kay mommy nang sumulpot siya sa kusina. I awkwardly smiled. Kumamot sa ulo si Kai saka bumuga sa hangin habang nakatingin siya sa pintuan, parang gustong-gusto ng lumabas, kundi lang ako nakaharang. "Who's that guy ha?" Lumapit si mommy sa 'min at nang matitigan niya si Kai, lumawak ang ngiti niya. "You're Kairee Wozeldee, right? Shaz, anong pinakain mo sa crush mo't napapunta mo siya sa bahay natin?" Uminit ang pisnge ko. Pinangalandakan pa talaga ni mommy na crush ko siya. Although, alam niya na nga pala. "Ginamot niya lang iyong sugat ko, mommy." Tinuro ko ang band-aid sa tuhod ko. "What happened?" Napalitan ng pag-aalala ang mukha ni mom. "Ah natapilok lang, mom. It's nothing big." Tumingala ako kay Kai na walang kibo at nakayuko lang. I smiled again. Ang cute niya. "Kai, mommy ko nga pala." Ngumiti lang si Kairee kay mommy 'tapos ay yumuko na ulit. Mommy laughed. "Nag-almusal ka na ba, ijo? Come eat with us." "Mommy?!" Umangal ako pero sa loob-loob ko'y pumapalakpak ako lalo na ang dibdib ko. "What? Saktong-sakto, kakatapos ko lang gumawa ng pancakes. Dito ka na mag-breakfast Kai." Nahihiya akong ngumiti habang nakatingala kay Kairee. Nakatingin siya sa sahig. As if nandoon ang magiging desisyon niya. Then he looked at my mom. "Sorry po, I need to go home." "Pero Kai..." Hindi ko na napigilang magsalita. "Sige na, pumayag ka na. Pa-thank you ko lang kasi ginamot mo iyong sugat ko." Kumurap-kurap ako habang nakatitig siya sa 'kin. "Oo nga, Kai. Eat here. Just a simple thank you for your act of genuineness." Kai puffed a breath. Napansin ko ang mapula niyang labi na medyo basa. I licked my lips. "Sige po." "Yes!" Napatakip ako sa bibig kong hindi napigilan ang emosyon. "Let's go, Kai." Hinila ko ang palapulsuhan niya patungo sa dining area. Lumawak ang ngiti ko nang maamoy ang butter at strawberry syrup. Pinaghila ko siya ng mauupuan. Kunot ang noo niyang tumingin sa akin saka tinignan ang upuang hinila ko para sa kanya. "Go on, sit." I smiled sweetly. Umupo naman siya; halos tumalon ang tumbong ko sa saya. Syempre, umupo ako sa upuang katabi niya. Inusog ko pa iyon para kahit papaano'y magtama ang mga siko o braso namin. Yes! Kasama kong mag-breakfast si crush. Habang kumakain, panay ang sulyap ko sa kanya. Panay naman ang interview sa kanya ni mommy. Dinaig niya pa ang na sa Tonight with Boy Abunda o Jessica Soho. "So your daddy is a doctor?" tanong ni mommy bago sumubo ng pancake. Umupo siya parallel kay Kai, siguro'y para mas matitigan at ma-obserbahan niya ang crush ko. "Mom and dad." "Ow family of doctor." Mommy looked amazed. "Shaz also wants to be a doctor someday, right, anak?" Natigilan ako sa pagsubo. I gulped. "Still thinking about it, mom." Gusto ko mang magpa-impress kay Kai. Ayoko namang magsinungaling when it comes to what I want in my future. Hindi pa 'ko sigurado kung gusto ko ba talagang mag-doctor. Pakiramdam ko kasi'y pinili ko lang naman ang med course dahil kay Kai. "So anong plano mo 'pagka-graduate mo ng college, ijo?" Hindi talaga tumigil si mommy sa pag-i-interview. Gustong-gusto ko naman ang ginagawa niya dahil pati ako ay nakikinabang doon. "I'll go to med school." He shrugged. "Pursue doctorate." "Really? You seem to have your life all figured out ha. That's nice." Ngumiti lang si Kai saka pinagpatuloy ang pag-ubos sa lemon juice niya. "Saan med school?" I couldn't help but to ask. "Still thinking about it." Kinagat ko ang ibabang labi ko pero napangiti pa rin ako. I was just so happy na nakakausap ko na siya nang matagal at seryoso kahit tipid lang ang mga sagot niya. Progress is progress. "Why, anak? Are you planning to go to med school too?" "Not sure pa, mommy." "Oh I see. Take your time to think. I don't wanna pressure you." I smiled to mom saka ko tinignan si Kai. Napatingin din siya sa 'kin. Ngumuso ako pagka-iwas niya ng tingin 'tapos ay hindi man lang ako nginitian. Kung ano-ano pang tinanong ni mommy kay Kai. Badtrip nga't may tumawag na client kay mommy. Naputol tuloy ang family bonding namin. Nakakuha rin si Kai ng pagkakataon para umuwi. Hinatid ko siya hanggang gate. Hindi ko muna binuksan ang gate, sa halip ay humarang ako ro'n saka siya nilingon at nginitian. "Thank you for today." I wanted to hug him kaso baka tuluyan siyang ma-weird-an o mailang sa 'kin. Tumango lang siya. I bit my lower lip, gusto ko pang marinig ang boses niya. Napakadalang niyang busugin ang tainga ko sa tipid ng pagsasalita niya maski sa school. "Kai..." "What?" Tumalon sa tuwa ang puso ko. Ang gwapo talaga maski ng husky voice niya. "I still like you." I needed to say it out loud. Nagwawala ang puso ko't kinakalabog ang dibdib ko. I had to burst it out. Umawang ang labi niyang nagpa-emphasize pang lalo sa panga niya. Ang sikat ng araw ay tumagos mula sa mga mata niya patungo sa dibdib kong napaso sa gulat niyang reaksyon. Pilit akong ngumingiti but I ended up biting my lower lip. I said it twice. Hindi ako magsasawang ulit-ulitin sa kanya kung gaano ko siya kagusto. Sasabihin ko iyon nang sasabihin hanggat hindi nawawala ang feelings ko para sa kanya. Ang tagal niyang nakatitig sa 'kin. Silaw na silaw na 'ko sa sikat ng araw pero pinipilit kong dumilat para makita siya nang maayos at ang nanigas niyang katawan. "I still like Cassy..." Napaso ako... Napaso ang dibdib ko sa lamig ng boses niya. I expected that coming pero hindi ko inakalang doble na ang sakit ngayon. Pilit akong tumawa, hindi nagsalita. Ang hirap huminga gayong pasong-paso na ako hindi lang sa araw pati na rin sa mga sinabi niya. "Still Cassy... Really?" Ayokong maniwala; itinatanggi iyon ng puso ko sa utak ko. Parang may asidong bumuhos sa dibdib ko. Hindi naman ganito kasakit noon. "Yes." Muli akong tumawa. "Sabi na eh!" Hinampas ko siya; lalo lang akong napaso nang dumampi ang palad ko sa matigas niyang dibdib. "Can I go now?" Parang mga bubog ang nailunok ko. I looked away as I laughed again. "Sabi na eh, si Cassy pa rin. Tama ang hula ko, Kai. Ang galing ko." Tumawa ako nang tumawa. Ewan ko kung bakit, para akong mababaliw. "Can I go now?" "Of course."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD