Chapter 6

2906 Words
"I still like Cassy," sarkastikong sambit ko habang ka-kwentuhan si Oli sa FaceTime. "O.m.g, sinabi niya talaga iyon?" Umirap ako saka sumubo ng fries na kanina ko pa kinakain. Tumambay ako sa kwarto ko nang makaalis si Kai pagkatapos niya akong busted-in for the second freaking time. Kanina halos maluha-luha na 'ko habang yakap ang isang teddy bear. Na-realized ko bigla na walang mangyayari kung magmumukmok lang ako. Kung inaakala niya na susuko na ako, pwes nagkakamali siya. "Grabe na iyang Kairee mo ha. Mapanakit talaga." Tumawa nang tumawa si Oli. Kunot ang noo ko siyang tinitigan; hindi ko alam kung kakampi ko ba talaga siya. Parang ang saya-saya niya sa tuwing bina-busted ako ni baby Kai ko. "Okay sorry," bumuga siya sa hangin, nagpipigil na ng tawa nang mapansing seryoso lang akong nakatitig sa kanya, sa screen ng laptop ko. "Kaibigan ka ba talaga ha?!" Sumubo ulit ako ng fries. "Baka hindi." Binato ko iyong mukha niya ng fries; badtrip! Sa screen ng laptop ko lang tumama. Ba't ba kasi hindi pwedeng tumagos ang mga gamit mula sa gadgets. Kumuha ako ng tissue saka pinunasan ang nagkamantika kong laptop. Tawa nang tawa si Oli sa kabilanh linya. Sinamaan ko siya ng tingin saka ako sumandal ulit sa headboard. "Isa pang tawa mo, susuntukin na kita." Pinakita ko sa kanya ang kamao ko. "You mean your laptop?" Lalo siyang tumawa. Mariin akong pumikit, nagpipigil ng inis. Tumawag ako sa kanya para may karamay ako sa lungkot. Putek iyan, tinawanan lang ako nang tinawanan ni gaga. "Anyway, anong plano mo niyan, bakla? Give up na! Dami pang ibang afam diyan." "No way. Never in wildest dream. Wala ata sa vocabulary ko ang salitang suko." I crossed my arms. "What Shazmin wants, Shazmin gets." Tumawa na naman siya. "Bakla, dalawang beses ka ng busted!" "Ano naman?" Pinanlisikan ko siya ng mga mata. "Sabi nga nila, kung may gusto kang isang bagay, iyong gustong-gusto mo talaga, wag kang susuko, balang-araw, makakamit mo rin iyon!" "Girl, hindi iyon nag-a-apply sa lahat ng bagay." "It applies to me." Kinuha ko ang tumbler sa side table saka ako sosyal na uminom. Kinindatan ko si Oli habang nakangiti siya't umiiling-iling. "Bahala ka, bakla! Ready na ako sa sunod mong kwento na na-busted ka for the third time." "We're not sure about that! Saka ano ba, Oli! Support mo na lang ako, please!" "Oo na; oo na. Ano pa bang magagawa ko, kumaibigan ako ng babaeng sobrang dedicated sa crush niya." Bumuga ako sa hangin, inisip na kung ano pa kaya ang mga pwedeng gawin para mapansin ako ni Kai, para ma-appreciate niya ang existence ko at hindi lang siya puro Cassy, Cassy, Cassy. "By the way, malapit na first sem natin." Oli giggled. "Can't believe, third year na tayo! Bakla kaunti na lang graduate na us." "Oo nga eh. Hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko after graduation." "O'hindi mo na susundan si Kai sa med school?" Umiling ako. "Hindi ko naman talaga gustong mag-doctor. Baka hingalo na 'ko niyon bago pa 'ko maka-graduate." "Sigurado iyon. Bakla, alam mo na-realized ko, dapat pala hindi tayo bumase kay Kai sa pagpili ng course. Hindi ko rin talaga bet mag-med. Nadala lang ako ng emosyon; alam mo iyan, crush na crush ko rin si Kai dati. Bwiset, sa sobrang desperate kong maging kaklase siya, dumdugo tuloy ilong ko sa course na hindi ko naman talaga gusto." "At least we're surviving." Tinawa ko na lang ang mga realizations namin. "Oo nga, saka marami naman sigurong pwedeng apply-ang trabaho ang mga medtech students; at least diba." "At least." Tumango-tango ako. "Kailan ka pala bibili ng mga gamit sa school? Sabay na tayo, Shaz." "Sige; sa sabado, G ka ba?" "I'm free anytime." Kung ano-ano pang napagkwentuhan namin through video call hanggang sa lumubog na ang araw. I had dinner with my mom. Napag-usapan namin si Kai. Kilig na kilig si mom nang i-kwento ko ang paggamot ni Kai sa sa sugat ko. Hindi ko lang sinabi sa kanya na na-busted ulit ako ng lalakeng iyon. Iisipin ko na lang na never nangyari ang part na iyon. "Goodnight na mommy. I'll do my skincare na," ani ko bago tumakbo paakyat sa hagdan. Pagkatapos kong mag-skincare, humiga na ako sa kama. Inisip ko kung manunuod pa ba ako ng Netflix series o matutulog na. Isang oras ata akong nakatulala sa kisame, iniisip kung sasabayan ko pa bang mag-jogging si Kai kinabukasan. Hindi niya naman ako usually pinapansin 'pag sinasabayan ko siya; ang bilis pa ng takbo niya, tila ayaw niyang maabutan ko siya. Wag na lang kaya? Napapagod lang ako sa wala. Bumuga ako sa hangin saka nagtalukbong ng mukha gamit ang kumot. Ang tagal kong nakapikit bago ako tuluyang dinapuan ng antok. Nakapikit kong inabot ang cellphone ko nang tumunog iyon paulit-ulit, nakakabingi. Ang bigat ng talukap ko. Puno pa ng muta ang mga mata ko, pinilit ko dumilat saka sinilip ang phone. Napaupo ako nang makitang alarm iyon na may note na jogging. Bumagsak ang balikat ko saka bumuntong hininga. Hindi ko pala na-off ang alarm kagabi bago matulog. Hinilamos ko ang palad sa mukha ko. Four a.m pa lang. Ang dilim pa; ang sarap ng lamig ng aircon; in short, ang sarap pang matulog. Napatingin ako sa bintana ko na medyo nakahawi ang kurtina. Hinipan ko ang buhok na pumagitna sa mukha ko. "Good morning," bulong ko. Tumayo ako saka nag-stretching saglit. Tutal nagising na ako, pipilitin ko ng bumangon para sabayan si Kai mag-jogging. Mga five a.m na nang bumaba ako sa sala. Naabutan ko si mommy na nagkakape sa sofa. "Good morning." Nilapag ni mom ang tasa sa coffee table. I smiled, medyo bagsak pa ang mga mata. "Good morning, mom." Tinignan niya ang katawan ko; naka-black sports bra ulit ako at biker shorts. "Mukhang cina-career mo ang pagja-jogging, nak ha." "Of course. To stay physically fit." Ngumisi ako. "O para sumilay kay crush?" "Isa na rin iyon do'n." I laughed. "Sige na, mom, gotta get running." Tumakbo ako palabas ng gate. Tinignan ko ang relos ko. Four thirty siya usually nagsisimulang tumakbo. Hindi ko na naman napilit ang sarili na bumaba ng four thirty; nakakaantok kaya. Bumuga ako sa hangin, mapapagod na naman ako neto kakahabol sa kanya pero para sa kanya naman, no worries. Nilibot ko ang paligid. Grabe; naghalo ang dilim at liwanag sa malamig na paligid. Ganito talaga ang mga oras na masarap pang matulog. Nakaka-temp. Bumuga ako sa hangin saka mabilis na tumakbo. Kailangan kong abutan si Kai. Wala pa 'ko sa kalahati ng village, hingal na ako. Bumagal ang takbo nang malapit ko ng madaanan ang bahay nina Kai at lalong bumagal ang takbo ko nang makita siya ro'n sa tapat ng gate; hindi siya tumatakbo, nakatayo lang siya ro'n, patingin-tingin sa relos niya. Napangiti ako. Binilisan ko ulit ang takbo saka ako tumigil sa harapan niya. "Good morning," bumuga ako sa hangin, nakakahingal. "Kai." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Yes! Tinitignan niya na ako. I wonder if he found me attractive. "Tara na." Tumakbo siya. Natulala ako sa likuran niya, hindi nakagalaw habang papalayo siya. Huminto naman agad siya saka ako nilingon. "Tara na," aniya. Umawang ang labi ko; kuminang ang mga mata ko at nagpadyakan ang mga higante sa dibdib ko. Umiling-iling siya saka tumakbo ulit. Hinabol ko siya hanggang sa nasabayan ko ang mabagal niyang takbo. Hindi mawala-wala ang nakapintang ngiti sa mukha ko habang panay ang sulyap ko sa kanya. Ang bagal niyang tumakbo; very unusual. Relax na relax at hindi gaanong nakakahingal ang bawat hakbang namin patungo sa kung saan. Tinignan ko ulit siya; iyong gray sando niya, medyo basa na ang magkabilang gilid dahil sa pawis. Pati ang sentido niya, pawis din pero bakit ang hot niyang tignan sa halip na dugyot. Nagtama ang mga mata namin; mabilis siyang nag-iwas. "What are you smiling at?" Nakatingin na siya sa daan. Habang salitan naman ang tingin ko sa kanya at sa dinadaanan namin. "Ang saya ko lang, sinabayan mo 'ko ngayon." Hindi mangawit-ngawit ang labi ko sa pag-angat. "Sa daan ka tumingin. Baka madapa ka na naman." Kinagat ko ang ibabang labi ko saka diretso ng tumingin sa daan. Minsan ay sinusubukan kong pagtamain ang mga braso namin habang tumatakbo; shems, ang tigas ng biceps niya, parang bato ang tumatama sa braso ko. Paikot-ikot lang kami sa subdivision. Noong una, tamad na tamad ako lalo na kapag hinahabol ko lang siya. Nang makasabay ko siya, iyong as in, sinasabayan niya talaga 'ko; grabe ang sarap sa pakiramdam. Parang may nagamamasahe sa dibdib ko bawat hakbang namin nang sabay. Pabalik na kami sa pinanggalingan namin nang huminto siya para uminom ng tubig. Napalunok ako habang pinapanuod ang adam's apple niyang lumagok. Nakalimutan kong magbaon ng tubig kakamadali. "Kai, pwedeng makiinom?" Kumunot ang noo niya sa 'kin habang sinasara ang tumbler. "Hindi ko ididikit iyong bibig ko." I gulped. Bumuntong hininga siya saka inabot sa 'kin iyong inuman niya. Kagat labi ko iyong kinuha, nagpipigil na lumawak ang ngiti. Tinapat ko ang tumbler sa bibig ko; hindi ko iyon sinayad sa labi ko. Hinayaan ko na lang ang tubig na bumagsak sa ere papunta sa bunganga ko. Medyo malamig pa ang tubig niya; ang sarap. s**t, indirect kiss pa rin 'to kasi may laway niya ang iniinom ko. Gusto kong magtatalon sa tuwa nang ibalik ko sa kanya iyong tumbler. Nagsimula na ulit siyang mag-jogging; sinabayan ko agad siya. Tumingala ako sa kanya habang tumatakbo kami. "Kai, breakfast ka sa 'min?" Sumulyap siya sa 'kin pero hindi sumagot. Mas bumilis ang takbo niya. Pilit ko siyang sinabayan hanggang sa matigilan ako nang buksan niya ang isang gate saka siya pumasok doon. Tiningala ko ang bahay sa harapan ko, nakabalik na pala kami sa labas ng bahay nila. "I'm busy," aniya bago sinara ang gate. Bumuga ako sa hangin saka napakamot sa ulo. Naglakad na lang ako pabalik sa bahay namin, hingal na hingal na't pawis na pawis. Pagsapit ng sabado, nagkita kami ni Oli. Kumain muna kami sa loob ng mall saka dumiretso sa bookstore para mamili ng ilang gamit for our fist sem as a third year student. "Sis ang gwapo, tignan mo." Siniko ako ni Oli habang nagtitingin ako ng mga librong pwedeng basahin. Sinilip ko ang tinitignan niya malapit sa counter. Matangkad na lalake na parang ka-age lang namin. Mukha iyong may lahing 'kano. "Mas gwapo si Kai." Binalik ko ang tingin sa librong inuusisa ko kung bibilhin ko. Siniko niya ulit ako. "Puro ka Kai, Kai, Kai. Busted ka naman do'n." Binalik ko sa shelve ang librong hawak ko saka tinignan nang masama si Oli. "Na-chika ko na ba sa 'yo? Sinabayan ako ni Kai mag-jogging, last time. Wholeheartedly iyon. As in talagang hinintay niya pa 'ko bago siya nagsimula." Umikot ako papunta sa kabilang shelve. Nakabuntot sa likod ko si Oli. "Iyan ka na naman sa pag-a-assume mo. Baka naman nagkataon lang na sabay kayong nag-jogging. Hindi ka niya hinintay, bakla. Assumera ka talaga." Hinampas ko sa kanya ang librong nakuha ko. "Ikaw talaga panira sa kaligayahan ko 'no. Hinintay niya 'ko, that's the truth." Pumunta ako sa school supplies section para pumili na ng mga binders na bibilhin ko. Ganoon din ang ginawa ni Oli "At isa pa, bakla, nag-indirect kiss na kami. O.m.g, it makes me so kilig 'pag naaalala ko." Umawang ang labi niya habang hawak ang isang pink binder. "Indirect kiss?" "Oo, sa tumbler niya." I giggled. "Pinainom ka niya sa tumbler niya?" Lumuwa ang mga mata niya. I nodded multiple times. "See? I told you. May pag-asa talaga 'ko. Hindi niya ipapahiram sa 'kin tumbler niya kung wala." "Or baka... pinapaasa ka lang niya." Hinampas ko siya ng binder. "Alam mo, ayoko ng magkwento sa 'yo. Palagi kang panira." Binalik ko na lang ang tingin sa mga binders na nasa harapan namin. "Charot lang, girl. I'm so proud; may progress ka na riyan sa kinaadikan mong lalake." Nakangiti lang ako sa mga binders, as if si Kai ang hinahawakan at inuusisa ko. "Maganda ba?" Pinakita ko kay Oli iyong gray na notebook na may ziplock na pwedeng paglagyan ng maliliit na papers. "Bakla, oo. Get na 'ko niyan, mga lima." Kumuha rin siya ng notebook na pinakita ko. Pumili pa 'ko ng ibang design at nilagay sa maliit naming cart. "Woah! Look who's here!" Muntik ko ng matulak ang malaking brasong umakbay sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Adam saka ko inaalis ang mabigat niyang biceps sa balikat ko. "Oh hi Adam, Kesha," bati ni Oli. Napatingin ako sa katabi ni Adam. Si Kesha nga iyon, bitbit ang maliit na cart. "Excited for this school year?" Ngumisi si Adam. "Hell no." Bumuga ako sa hangin saka nilagay ang ilan pang notebook sa cart na hawak ni Oli. "Same sis." Kesha laughed. Mukha naman pa lang mabait si Kesha. It was just that, maraming may inis o galit sa kanya sa school dahil kay Adam. "Pipila ko na 'to," ani Kesha kay Adam saka siya dumiretso sa counter area. Napatingin ako kay Oli bago tinignan ang parang baliw na nakangising si Adam. Kumunot ang noo ko. "Para kang baliw sa ngiti mo." "Excited kang pumasok para makita si Kai 'no?" ani Adam. Tumawa si Oli sa gilid ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Pila ko na rin 'to. May bibilhin ka pa ba?" Umiling ako. "Palwalan mo muna ha. Mamaya kita babayaran." Tumango si Oli bago tinungo ang counter. Nagkatinginan ulit kami ni Adam. "Ano bang nginingiti-ngiti mo riyan? Baliw." Umirap ako saka umiling-iling. Nagtungo ako sa fiction section, nagtingin ulit ng mga story at baka may magustuhan akong basahin. "Kayo ha, nagjo-jogging kayo ni Kai, hindi kayo nag-aaya." Natigilan ako't napatingala kay Adam. Kuminang ang mga mata ko. Kinekwento na ba 'ko ni Kai sa mga tropa niya? It was a good sign! Adam laughed. "Nakita ko kayo sa subdivision, ang aga-agang tumatakbo." "Pa'no mo kami nakita?" "We're in the same subdivision. I can't believe you didn't know that." "Ha? How come I didn't know?" Sarkastiko akong tumawa. "Oh right, because I'm not interested to you." "Ouch." Kumapit siya sa dibdib niya na parang may bala ng baril na tumama roon. Tumawa ako't umiling-iling, nagtingin muli ng mga libro. "Sabihin mo nga sa tropa mo, i-seen naman ako kahit minsan," ani ko nang maalala ang mga messages na sine-send ko kay Kairee araw-araw. "He has no time for that daw. Sa akin niya nga lang binibigay mga babaeng nagcha-chat sa kanya." "Really ha? Kaya ba kinukulit mo 'ko? Kasi binigay niya 'ko sa 'yo?" Tumawa siya't umiling-iling. "Alam mo, maraming nagme-message na babae kay Kairee araw-araw. Panigurado, natatabunan lang iyong iyo. If I were you, I would just text him." He smirked. "Kaunti lang ang nakakaalam ng phone number niya." Naningkit ang mga mata ko. Bakit nga ba hindi ko iyon naisip. "Ibibigay mo ba sa 'kin iyong number niya?" I smiled, bait-baitan muna. "Why not." Kinuha niya ang cellphone niya saka pinakita ang isang phone number sa 'kin. Hindi ako nagdalawang-isip na i-save iyon sa cellphone ko. "What are you guys doing?" Sumulpot si Kesha sa harapan namin. Binalik ko sa shoulder bag ang phone ko saka ako ngumiti. "Humingi lang ako ng favor to your dear friend," ani ko kay Kesha. Tumango-tango si Kesha saka sinamaan ng tingin si Adam. Nakangisi lang si Adam, ang lakas mang-asar ng ngiti niyang iyon. Mukha tuloy hindi na natutuwa si Kesh. Kinuha ni Adam sa kanya ang paperbag ng mga napamili nila. "Let's go, Kesh." Inakbayan naman ng isang kamay niya ang balikat ni Kesha saka sila tumalikod sa akin. Hind naalis ang ngiti ko hanggang sa matapos na rin si Oli sa counter. Sinilip ko ang phone ko at ang number ni Kai na finally, nakuha ko. May silbi rin naman pala si Adam kahit loko-loko siya. Pagkauwi ko, dumiretso agad ako sa kwarto. Binagsak ko ang katawan sa kama saka kinuha ang cellphone ko. Ilang segundo kong tinitigan ang number ni Kai bago ako may naisip na sabihin. Hello Kai, it's me, Shaz. Binura ko ang unang na-type ko. Kai pwede ka bang ligawan? Binura ko ulit ang sunod na na-type ko. Bumuga ako sa hangin. Texting him sounded so easy, ang hirap mag-isip ng sasabihin. Iyong tipong magre-reply siya. What's up, Kai! May assignment ka na sa bio? Umiling-iling ako saka binura ang mga na-type. Ano ba naman 'to, wala talaga 'kong maisip. Bumuntong hininga ako. Simplehan ko na nga lang muna. Hi Kai, it's Shazmin :)) Sinend ko iyon sa kabila ng panginginig ng dibdib ko. Lumundag ang puso ko nang mag-vibrate ang phone ko, wala pa halos isang minuto. Hi Shazmin, it's Adam! Hahahahah I got you ;D Umawang ang labi ko. Nahagis ko ang cellphone. Parang nalaglag ang puso ko nang muntik iyong malaglag sa sahig, buti nanatili ang talbog niyon sa kama. Bumuntong hininga ako saka hinilamos ang palad sa mukha. Bakit ba hindi ko naisip na baka niloloko lang ako ng fuckboy na iyon! Hinablot ko ang phone nang mag-ring iyon. Sinagot ko ang tawag sa number na galing kay Adam. "It's a prank! Number 'to ng pinakagwapong lalake; Adam!" Tawa siya nang tawa sa kabilang linya. Kinagat ko ang ibabang labi sa gigil. Gustong-gusto ko siyang kurutin. Nakakainis ang mapang-asar niyang tawa. "You seriously think, ibibigay ko sa 'yo ang number ni Kai nang gano'n-gano'n lang? No way! I have a proposal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD