Chapter 4

2993 Words
"I hate life!" Kumagat ako sa pang-apat na chocolate drumsticks na nabuksan ko. "Anong nangyari?" Tawang-tawa na agad si Oli, hindi pa naman ako nagkekwento. Umupo siya sa sahig katapat ko. "Sis, ang kalat ng kwarto mo!" Nilibot ko ang paningin sa malaki at puti kong kwarto. Malinis naman; nagmukha lang makalat dahil sa mga pinagbalatan ko ng ice cream na nasa sahig. "Ang tagal mo kasi; sabi mo, four ka pupunta. Bakla, mag-a-alas-sais na!" Bagot na bagot ako sa kwarto kanina pa. Wala akong ginawa kundi magbukas ng ice cream, ihagis sa sahig ang pinagbalatan 'tapos kainin ang ice cream bago iyon matunaw. "I'm a Filipino." He shrugged. Binato ko sa kanya ang pinagbalatan ng pang-limang ice cream na binuksan ko. "Ano iyan? Stress eating?" Kunot ang noo ni Oli habang pinapanuod akong ubusin ang drumstick ko. "I hate life." Bumuga ako sa hangin. Binato ko sa kanya iyong stick nang maubos ko ang ice cream. "Kadiri naman!" Binato niya rin iyon sa mukha ko. Napanguso ako; naalala na naman ang nangyari kahapon habang nagjo-jogging kami ni crush. "I like you." "I like Cassy." "Oli..." Kumapit ako sa kamay niya. "Eww! Hindi tayo talo." Binawi niya ang palad niya mula sa 'kin saka flip sa short hair niya. Sinipa ko nga siya. "Hindi naman kita type! Si Kai ang bebe ko! Speaking of Kai..." Bumagsak ang balikat ko. "Ano? Binusted ka niya?" "Oo na! Si Cassy na ang gusto niya. Happy?" I crossed my arms. Mas maganda naman ako kay Cassy, bakit hindi na lang ako? Umawang ang labi ko nang tumawa lang nang tumawa si Oli. I crossed my arms. Kinagat ko ang ibabang labi ko, nagpipigil na masigawan siya. "Anong nakakatawa?" "I told you, Shaz! I knew it!" "Oo na. Tama na, masyado ng masakit." Kumapit ako sa dibdib kong medyo nanikip. "Girl, hindi pa katapusan ng mundo." "Alam ko! It's just that... why can't it be me? Mas maganda naman ako kay Cassy diba?" Cassy is beautiful with her short black hair. To be quite honest, nagpa-short hair ako dahil sa kanya. Dahil naisip ko rin na baka ganoong tipo ng babae ang gusto ni Kai. Baka sakaling 'pag nagmukha akong Dora ay mapansin niya rin ako, but no. He still prefers Cassy more than me. "To be honest, mas nagagandahan ako kay Cass--" Binato ko siya ng stick bago niya pa matapos ang sasabihin. "Sino bang kaibigan mo rito? Ako o siya?!" Nanlisik ang mga mata ko. "You. Kaya nga honest ako sa 'yo--" "Tama na. Hindi ka nakakatulong." Napanguso ako, nag-iisip kung ano pang ibang pwedeng gawin para mapansin ako ni Kai. Kung inaakala niyang titigil na 'ko dahil lang prinangka niya ako nang ganoon pwes nagkakamali siya. Lumaki akong madalas kong nakukuha anoman ang gustuhin ko. Sabi ng iba, na-spoiled daw ako ni mom. Siguro dahil kaming dalawa na lang din ang magkasama; halos lahat ng hilingin ko, binibigay niya sa 'kin. Sanay akong nakukuha ko ang gusto kaya hindi ako papayag na hindi ko makukuha si Kai. He was meant to be mine. Besides, hindi naman siya gusto ni Cassy. Hindi ko nakikita sa mga mata ni Cassy na may pagtingin siya kay mister crushie ko. "Aww it's his loss, anak," ani mommy matapos kong i-kwento sa kanya ang pambu-busted sa 'kin ni Kai. "I know right, mom." Bumuga ako sa hangin saka sumipsip sa juice ko. Kaka-order lang namin sa isang fancy restaurant at ang juice pa lang ang na-ise-serve nila. Nakita ako ni mommy kanina na malungkot sa sala kaya bigla niya 'kong inaya na kumain sa labas. It made me a little bit happy pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagsusungit sa 'kin ng crush ko. Para bang may iniwan siyang maliit na bato na nakasiksik sa dibdib ko. "Maybe I should try harder in pursuing him." "Or maybe..." Hinawakan ni mommy ang kamay ko sa lamesa. Inalis din agad namin ang kamay naming nakapatong doon nang dumating ang waiter para i-serve ang mga foods namin. Nakatingin ako kay mom na mukhang nag-aalala ang mukha. Para bang natatakot siyang masaktan ako kagaya ng nangyari sa kanya. But I won't let that happen at alam ko namang ibang klaseng lalake si Kairee. Ibang-iba naman siya sa daddy ko and that was one of the reasons why I like him. Inabot ulit ni mommy ang kamay ko nang umalis ang waiter sa harapan namin. "Maybe... you should just stop pursuing him, anak. Hindi lang siya ang lalake sa mundo. I'm sure there's someone out there, better than him." "Shazmin?" Napatingala ako nang marinig ang pamilyar na boses. "Adam." Kumalampag ang puso ko saka nilibot ang paningin. Baka nandito rin si si Kai. Palagi silang magkasama so he might be here as well. Tumawa si Adam nang ibalik ko ang tingin sa kanya. "I'm not with Kai." Napalunok ako. "Alam ko saka hindi ko tinatanong." Napatingin ako kay mommy nang umismid siya. "Who is he?" Tumaas ang isang kilay ni mommy. "Ah he's Adam, mommy. Just a schoolmate." "Hello po, tita." Napailing-iling ako nang animo'y napakabait na lalake ni Adam habang nakangiti sa mommy ko. Mapanlinlang talaga siya kaya siguro marami siyang naikakama kada taon. "I'm glad you chose this restaurant for your dinner." Tinignan ni Adam ang pagkain namin sa mesa. "Is there anything else you want?" Kumunot ang noo ko. Alam ko'y mayaman si Adam. Mali ba 'ko ng akala? Waiter pala talaga siya pero hindi naman pang-waiter ang suot niyang beige polo shirt na nakatupi ang manggas hanggang siko. "We're good, ijo. But thanks," ani mommy. "You should try the sweetened shrimp; it's one of our best seller here." "Waiter ka rito?" Hindi ko napigilan ang daldal ng bibig ko. Tumawa siya na tila ba na-amused sa tanong ko. "I'm the owner. Well not really. My father is the owner so basically I own it too." "Ow it's a pleasure to meet you." Lalong umawang ang labi ko nang nakipagkamay si mommy kay Adam. "My pleasure too, misis... Prieto, right?" "Misis Jaz na lang." "Okay, misis Jaz. I'll go get tha shrimp; it's free." Kinindatan ako ni Adam saka siya umalis sa table namin. Napailing-iling ako nang makita kung gaano kalawak ang ngiti ni mommy. Ganoon ba ka-charming si Adam at pati ang mga matatanda ay nakukuha niya ang loob. "I like him, anak." "Ha?" Nagpipigil ako ng tawa. "Mom, he's at my age." Natawa rin si mommy. "I mean for you... I like him for you." Muntik ko ng mabuga ang ininom kong juice. Dahan-dahan kong binalik ang glass sa lamesa. "Hindi ka gusto ng crush mo diba? Why not try that guy? Gwapo rin siya. I think he likes you." My lips parted. "Mommy, he likes everyone." Para akong masusuka habang iniisip na si Adam ang hahabul-habulin ko. Eew. Hindi ko hahayaang makama niya 'ko sabay iiwan sa ere pagkatapos. No way. "You mean he's friendly?" Nahihiwa na si mommy ng steak niya. "No. He likes all of the woman out there. Fuckboy iyon, mommy. Marami ng napaiyak iyon sa school." "Really?" "Here's your sweetened shrimp, ladies." Inirapan ko si Adam habang nilalapag niya sa lamesa ang platong naglalaman ng nakakatakam na seafood. I would be happy sana kung si Kai ang nandito at siya ang nagbibigay sa 'kin ng libreng pagkain. "Thank you, ijo." Mommy smiled. "No worries." Tinignan ako ni Adam. "Anything I can do for you, madam?" Bumuntong hininga ako saka tumayo para maabot ang tainga niya. Masyado siyang matangkad kaya tumingkayad pa ako bago bumulong. "Are you flirting with me?" Umayos ako ng tayo at tinignan siya nang matalim sa mga mata. I looked amused nang tumawa siya; hubog na hubog ang panga niya sa pag-angat ng labi niya kakatawa. Tumindig ang balahibo ko nang yumuko siya't gumala ang hininga niya sa tainga ko. "If that's what you think." I wanted to push him pero nanigas ako. Nakakakilabot siya! Umayos siya ng tayo saka tinignan ulit si mommy. "Gotta get going, tita. Enjoy your meal." Kumindat ulit siya sa 'kin bago ako iniwang nakanganga sa harapan ni mommy. Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang tawa ng mommy ko. Padabog akong umupo saka sumipsip sa juice ko. "See? He likes you, anak. But he looks fuckboy nga. Delikado ka sa kanya." "I told you, mom." Nagkibit balikat ako saka sinubo ang nahiwa kong steak kanina. "Anong binulong niya sa 'yo? And what did you whisper to him?" "It's about Kai." I gulped. "Kai again? I told you. Wag mong masyadong ituon ang atensyon mo sa lalakeng iyon. He doesn't like you. He isn't worthy for you." "Pero siya talaga ang gusto ko." "Yes, pero hilaw pa naman iyang feelings mo na iyan. It will change sooner or later. Wag kang masyadong magpakabaliw sa iisang lalake, Shaz. You're beautiful; you deserve someone who'll like you back." "I'm sure he'll like me back, mommy. Magugustuhan niya 'ko. Kailangan ko lang mas mag-effort pa." Napangiti ako sa naisip. "What if, bigyan ko siya ng snack or lunch araw-araw? Baka mapansin niya 'ko--" "That's too much of an act." "Gano'n ko siya kagusto, mom." Bumuntong hininga si mommy na parang nadidismaya sa 'kin. May kumurot sa dibdib ko. "You're young, Shazmin. Marami pang pwedeng magbago. Iyang feelings mo sa kanya, it will fade. Just give yourself a time." "What if it didn't fade, mommy? Kailangan kong subukan, kailangan ko lang mag-effort, baka sakaling mahulog din siya sa 'kin." "Didn't you hear me? Sabi ng bata ka pa, Shaz." Bumuntong hininga siya. "Okay ganito, subukan mo lang. Subukan mong umiwas sa kanya this school year. Wag mo muna siyang lapitan, suyuin; wag ka munang magpapansin. Then let's see..." "See what, mom?" "Let's see kasi kapag umiwas ka, baka sakaling mawala ang feelings mo sa kanya. Baka ma-realized mong infatuation lang ang lahat at nadadala ka lang ng excitement. If that's the case, it's time to stop pursuing him." "What if hindi mawala, mom? What if siya pa rin talaga kahit umiwas ako? "Then siguro nga, hindi lang mababaw ang feelings mo sa kanya. Then try pursuing him again, but not to the extent na mawawala mo ang sarili mo kakahabol sa isang lalake, anak. Always remember that." Bumuntong hininga ako. Ayoko sanang sundin ang idea ni mommy pero may point naman siya. Baka nga infatuation lang 'to pero hindi eh. I know myself really well. Alam kong kakaiba 'tong kiliting nararamdaman ko sa tuwing nakikita si Kai. It wasn't just a puppy love pero sige, susubukan kong umiwas at hindi magpapansin. But only for this school year. Kapag nag-third year kami 'tapos siya pa rin, gagawin ko na talaga ang lahat para magustuhan niya 'ko. And so our second year college ended just like that. May mga times na pakiramdam ko ay ang bagal ng oras pero nang tumungtong ako sa stage para kuhanin ang pinaghirapan kong award as Dean's lister, pakiramdam ko'y napakabilis ng panahon at sa isang iglap ay magthi-third year college na kami. "Wozeldee, Kairee B." Kinuha ko agad ang cellphone ko saka pinicturan si Kai nang tumungtog siya sa stage. Wala na! Tapos na ang 2nd year namin. Hindi ko na kayang magpigil at itago pa ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi effective ang sinabi ni mommy. Pinahirapan ko lang ang sarili ko kakaiwas sa crush ko. At the end, nakikiliti pa rin ang puso ko sa tuwing nakikita siya. Todo palakpak ako nang isabit sa kanya ang medalya. Hindi rin naman ako mapapansin ng iba dahil halos lahat ay pumapalakpak para sa kanya. Tutuk ako sa cellphone nang humarap na siya para makuhanan ng larawan ng camera man. Dahan-dahan kong binaba ang phone ko para makita siya nang maayos gayong tipid siyang ngumiti. Tila ba nawala ang ingay at mga tao sa paligid ko. Tanging nakita ko lang ay ang ngiti ng napakagwapo kong crush. Tipid iyon pero ang solid. Natulala tuloy ako; para akong hinihigop ng labi niyang nakaangat patungong tainga niya. "Hoy bakla!" Napatingin ako kay Oli nang basagin niya ang imagination ko. Tawang-tawa siya. "Nakita mo iyon? Ngumiti si Kai!" "Oo nakita ko." Naghawak kamay kami ni Oli saka nagtatalon na parang bata. "Ang gwapo diba?" Tuwang-tuwa siya. "Sobra." Kagat labi ako para hindi mapatili; umayos ako ng tayo nang may sumita sa amin na prof. Wala na sa stage si Kai pero ang puso ko, kalampag pa rin nang kalampag habang inaalala ang ngiti niyang iyon. Aba'y ginto kaya ang ngiti ng crush ko. Napakadalang niyang mag-smile. Bilang lang ata sa daliri ko ang mga panahong nakita ko siyang ngumiti. Sana lang ay araw-arawin niya na dahil lalo siyang guma-gwapo sa ngiti niyang matamis. Sa loob ng ilang buwang bakasyon, hindi ko hinayaang hintayin pang magsimula muli ang klase para magkita kami ni Kai. Araw-araw, kahit hirap na hirap ako ay gumigising ako nang maaga para lang masabayan siyang mag-jogging. "Anak, ba't palagi ka na atang nagjo-jogging? Hindi ka naman ganyan dati tuwing bakasyon mo ah," ani mommy nang maabutan ko siyang nagkakape sa living room namin. Pababa ako ng hagdan habang iniipitan nang mataas ang buhok ko. Kinabit ko rin ang white headband ko saka inayos ang sports bra at Nike biker shorts na suot ko. "I wanna stay fit, mom. I'm getting older." She glared at me. "O nagpapapansin ka na naman sa crush mo. Shaz, alam kong kapitbahay lang natin siya." "Mommy, I need to go." Hinalikan ko siya sa pisnge saka ako tumakbo palabas ng bahay. Sa gate pa lang ay hingal na hingal na ako. Hindi talaga ako fan ng running pero para kay Kai, sisipagan ko. Napangiti ako nang maabutan siyang nagwa-warmp up pa lang sa labas ng bahay nila. Nag-iinat siya ng mga braso. Hindi agad ako lumapit. Sinulit ko ang pagkakataon para tignan ang pinong-pino niyang dibdib na bakat sa medyo fitted niyang white t-shirt. Napakagat labi ako nang ininat niya ang mga kamay niya. Humuhubog ang biceps niya sa suot niya. Napaisip tuloy ako kung matigas ba talaga iyon 'pag hinawakan o mukha lang matigas. May kumiliti sa dibdib ko nang lumingon siya sa direksyon ko. Umiwas ako ng tingin, nagkunwaring nag-iinat din. Hindi ko muna siya tinignan para hindi halatang tinitignan ko lang talaga siya. Natigil ako sa pag-iinat nang dumaan siya sa harapan ko na parang hangin, tumatakbo na. Napapikit ako nang naiwan sa ilong ko ang amoy niyang aftershave. Ang pogi pati amoy niya! Tumakbo ako hanggang sa maabutan siya. Badtrip lang dahil binilisan niya ang takbo kaya kinailangan kong mas bilisan pa ang bawat hakbang. Tumulo na ang pawis ko sa sentido kakahabol sa kanya. Napabuga ako sa hangin. Kumapit ako sa mga tuhod ko saka siya pinagmasdan na tumatakbo pa rin. Ano ba iyan, hindi ba siya napapagod? Bumuga ako sa hangin bago muling tumakbo. "Kai! Baka pwede, bagalan mo naman kahit kaunti lang." Masyadong mahaba ang biyas niya kaya luging-lugi talaga ako. Siguro ay six footer siya o basta malapit sa gano'ng height. Napangiti ako nang mapansin ang unti-unting pagbagal ng takbo niya hanggang sa masabayan ko na ang bawat hakbang niya. This time, chill na jogging na lang talaga ang ginagawa namin, hindi takbo. Medyo binunggo ko ang braso ko sa kanya. Matigas nga! Pero mas masarap siguro kung kamay ko ang makaramdam. "Ang bilis mo masyado." Pa-cute akong ngumiti kahit diretso lang siyang nakatingin sa daan. Pinunasan ko ang pawis sa sentido ko saka pinilit pa ring tumakbo kahit ang sakit na ng mga binti ko. "Araw-araw tayong nagkakasabay mag-jogging? Don't you think it's destiny?" Tinitingala ko siya habang nagjo-jogging pa rin kami. Bahagyang kumunot ang noo niya. Tinungo ko ang paningin sa daan nang hindi ulit siya nagsalita. Ni silayan ako ay hindi niya ginawa. Tiningala ko ulit siya habang tumatakbo kami. "Nag-breakfast ka na? Let's--- oh shit." Bumagsak ang tuhod ko sa sahig nang matapilok ako't parang nabali ang buto sa paa ko. Napakapit ako sa semento habang nakayuko. Mariin akong pumikit, hindi nakagalaw, pinapakimdaman lang ang kirot na dumadaloy sa ankle ko. Nauntog ata ang buto at parang may kuryenteng nanginginig sa loob niyon. "Nasugatan ka." Napatingin ako sa tuhod ko at napamura sa hangin; dumudugo nga. Sabi na't dapat nag-leggins na lang ako. Kumapit ako sa tuhod ko. Habang ang isang kamay ko ay nakaalalay sa semento. Sinubukan kong igalaw ang tuhod ko kahit ang hapdi ng sugat doon lalo na nang subukan ko ng tumayo. Parang nababanat ang balat ko sa hapdi. Napatingin ako kay Kai nang hawakan niya ang baiwang ko saka siya kumapit sa isang kamay ko. Ang lakas ng pintig ng puso ko habang inaalalayan niya 'kong makayo. Nakatitig lang ako sa walang emosyon niyang mukha; pakiramdam ko'y nag-slow mo ang paligid. Oh please... pabagalin ninyo pa ang oras. "Kaya mo bang maglakad?" Nagtama ang mga mata namin; parang may bulkang sumabog sa puso ko. Sa wakas! Sa wakas ay nagawa niya na 'kong tignan sa mga mata nang matagal. Sana makita niya 'ko, sana mapansin niya rin ang kagandahan ko. Sinubukan kong maglakad. Kaya naman pero nalukot lang bigla ang tuhod ko nang parang binabanat talaga ang balat doon. Ang sakit ng parte na dumudugo, idagdag pa ang ankle ko na medyo may kuryente pa. "Hatid na kita." Kumapit siyang muli sa baiwang ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang palapulsuhan at braso sa likod ko gayong naka-sports bra lang ako. Balat sa balat talaga namin ang nararamdaman ko! Pinalobo ko ang pisnge ko habang dahan-dahan ko ring niyakap ang braso ko sa baiwang niya para roon kumuha ng kaunting pwersa sa paglakad. s**t, parang magkayakap kami sa posisyon namin. Masakit man ang tuhod ko, nagdidiwang naman sa saya ang dibdib ko. "Salamat, Kai," ani ko nang marating namin ang labas ng gate. Ang tagal niyang nakatitig sa 'kin. Hindi tuloy ako makagalaw, medyo na-conscious dahil hindi pa siya umaalis. Nilipat niya ang tingin sa tuhod ko saka muling tumingin sa mga mata ko. "Gamutin ko na iyang sugat mo," aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD