"Bakla! Ano iyang suot mo?!"
Tinignan ko ang suot ko nang tanungin ako ni Oli. Kakasakay ko lang sa kotse niya. Nagpasundo ako sa kanya bandang six p.m pero mga seven na siya dumating. Kaumay, sabi nina Rimuel, six daw eh. Baka hinahanap na 'ko ni baby Kai ko ro'n.
"Damit." Ang lamig sa katawan ng buckle ng seatbelt na tumatama sa tiyan ko.
"Ano ka si Winnie the Poo?" Tawang-tawa si Oli kaya hinampas ko siya.
"Malaki ba tiyan ko ha?" I rolled my eyes. Medyo binaba ko sa baiwang ang croptop kong damit.
Napakadalang kong magsuot ng mga ganitong pa-sexy na damit, pero baka sakali lang ganito ang type ni Kai. I would do anything para mapansin niya.
"Medyo." Pinisil niya ang bilbil ko.
"Bakla! Magmaneho ka na! Late na late na tayo oh." Tinutok ko sa kanya ang wrist watch ko.
Tawa siya nang tawa. "Ang kapal ng makeup mo. Pa'no mo nasiguradong ganyan ang type ni Kai?"
"Hula ko lang."
"Manipis lang mag-makeup si Cassy."
"Oli!" Kinurot ko ang baiwang niya. "Mag-drive ka na!"
Pagkatapos ng ilang minuto niyang pang-aasar, sa wakas ay nag-drive na rin siya. Umayos ako ng upo saka bumuntong hininga. Excited ako na kinakabahan. Hindi ko naman first time mag-club, pero napakadalang ko lang din namang mapadpad do'n.
"Lasing na kaya si Kai?" tanong ko sa kalagitnaan ng traffic. "Ang tagal mo kasi pota! Late na late tuloy tayo."
"Bakla, hindi naman iyon mahilig uminom diba? Hindi lasing iyon; kaloka 'to saka for sure Pilipino time rin mga iyon."
"Malay mo hindi!"
"Basta ako, maghahanap ako ng maraming gwapo mamaya. Gaga! Wag kang puro Kai; daming gwapo sa club na pupuntahan natin."
I crossed my arms. "Kai lang ako."
"Obsessed ampota."
"Loyal lang!"
Kinurot ko siya sa baiwang bago siya makapagmaneho ulit nang sa wakas ay umusad na ang traffic.
Puno lang ng pagtatalo ang buong byahe namin hanggang sa makarating na kami sa club. I couldn't stop giggling, nakikita ko pa lang ang iba't ibang liwanag sa entrance na nanggagaling sa loob.
Inayos ko ang croptop shirt ko at pinagpag ang denim skirt. Napatingin ako sa buong outfit ko. Akala ko revealing na 'tong suot ko pero grabe ang daming halos naka-bra na lang dito sa sobrang ikli ng damit, kundi maikli, kitang-kita naman ang cleavage.
"Bakla, dapat gano'n sinuot mo oh." May tinuro si Oli habang naglilibot na kami sa loob.
Isang babae na naka-vneck na halos lumuwa na ang malaki niyang dibdib, 'tapos iyong skirt niya kaunti na lang makikita na ang singit. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kausap nung babae, si Adam! Nilibot ko agad ang paningin pero hindi ko mahagilap si Kai at ang iba nilang tropa.
"Gaga si Adam pala iyon, tara!" Hinila ako ni Oliver palapit kay Adam at sa babaeng parang naka-bra't panty na.
Napatingin agad sa 'min si Adam. Ngiting-ngiti siya nang tignan ako mula ulo hanggang paa. Kinapa ko ang clip ko sa magkabilang side ng buhok ko, mukhang ayos pa naman. Maganda pa rin ako.
"Hi Oliver, hi Shazmin!" Tumingin si Adam sa silver Casio niya. "Late pa kayo sa late ah!" He laughed.
"Paano, late na 'kong sinundo nitong si Oliver 'tapos traffic pa!" Bumuga ako sa hangin.
Adam laughed. Napatingin ako sa babaeng kanina pa titig na titig sa 'kin. Mukhang pinagseselosan pa 'ko sa Adam niya. F.y.i kay Kai na ako 'no.
"By the way, Shaz, Oli, this is Kesha. Accountancy student. Kesh, nabanggit ko na sila sa 'yo. They're the med students."
Kesha, familiar, so siya pala iyong na-i-issue sa school na best friend ni Adam na palaging pinagseselosan ng mga babae niya. I see, kaselos-selos naman talaga ang hitsura ni ate girl, sobrang ganda lalo na ng tsokolate niyang mga mata.
"Oh right!" Hinawi ni Kesha ang strands ng buhok niya. "Kai's girl; nice to meet you."
Uminit ang pisnge ko. Kai's girl. I bit my lower lip as I accepted her hand shake.
"Wag mo masyado pakiligin kaibigan ko," tumatawang ani Oliver kay Kesha.
Siniko ko siya. "Panira ka talaga," I whispered to him.
"Come on! I'll bring you to our table." Hinawakan ni Adam ang kamay ni Kesha. Wow breezy, akala ko best friend lang?
"Oh nandito na pala kayo."
Napatingin kami kay Rimuel na biglang sumulpot. May bitbit siyang dalawang bucket ng alak.
"Akala namim 'di na kayo pupunta."
"Na-traffic lang." Pa-cute na ngumiti si Oli kay Rimuel.
Napairap ako. Lahat na lang talaga ay bet niya.
"Shazmin and Oliver are here!" Anunsiyo ni Adam pagkaupo namin sa table nila.
Ngumiti na lang ako kahit nakakahiya. Lumawak ang ngiti ko nang magtama ang mga mata namin ni Kai. Napanguso ako nang ibalik niya ang tingin sa table; hindi man lang ngumiti, sungit talaga! Lalo akong napanguso nang makita ang katabi niya, si Cassy na naman!
"Told you, may something sa kanila," bulong ni Oliver sa 'kin.
"Baka best friend lang." I shrugged.
Pinakilala kami ni Adam sa lahat ng tropa niya. Panay ang sulyap ko kay Kai pero hindi na siya muling tumingin pa sa 'kin. Badtrip naman.
Kahit badtrip ako, napapatawa pa rin ako dahil sa kadaldalan ng iba niyang mga kaibigan. Ang daming kwento; unlimited. Lalo na si Adam at Kesha na kinwento na ata halos buong talam-buhay nila pati iyong mga nang-aaway kay Kesh.
"Ta's sabi layuan ko raw si Adam," patuloy sa pagkekwento si Kesha. "Eh girl, kahit layuan ko si Adam, siya naman ang dikit nang dikit sa 'kin, what else could I do?!"
Natawa ako hindi dahil nakakatawa ang kwento kundi dahil sa tawa niyang parang baliw na ewan. Mukhang may tama na nga halos ang lahat sa kanila. Pulang-pula na si Adam, ang ilan naman ay parang wala sa sarili. Si Alexis nga ay nakadukmo na sa table 'tapos si Kai...
Napaiwas ako ng tingin kay Kai; ang kirot sa dibdib. Nakadukmo si Cassy sa table habang si Kai, hinihimas ang ulo niya.
"Sa'n ka punta?" tanong ni Oli nang tumayo ako.
"Restroom."
Napasulyap ako kay Kai; titig na titig siya sa ulo ni Cassy na nakadukmo sa lamesa. Napirap na lang ako habang naglalakad patungong restroom. Si Cassy ba talaga ang gusto niya? No! Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Never in my wildest dream.
Kinabukasan, abot tainga ulit ako nang maaubutan si Kai na nagja-jogging sa subdivision. Agad ko siyang hinabol.
"Kai!"
Napangiti ako nang parang bumagal bigla ang takbo niya. Finally, naabutan ko siya.
Chill lang ang pagjo-jogging namin nang sabay. Kakilig sa dibdib kong kalabog nang kalabog.
"Kai."
Sumulyap siya sa 'kin. I smiled, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko basta may nagtutulak sa 'kin na sabihin ang nararamdaman ko bago pa mahuli ang lahat.
"I like you." I bit my lower lip.
"I like Cassy."