Chapter 2

1073 Words
"Hi Kai!" bati ko kay Kairee nang maabutan ko siya sa pagjo-jogging niya. Hingal na hingal nga lang ako dahil sa haba ng biyas niya, ang hirap niyang habulin. Kung hindi nga bumagal ang hakbang niya ay baka hindi ko pa rin siya naabutan. He didn't say a word. Binalik niya agad ang tingin sa kawalan saka niya mas binilisan ulit ang takbo. Hingal na hingal akong pilit siyang sinabayan. Masasabi ko talagang swerte ako kahit papaano dahil na sa parehong subdivision lang kami ng crush ko kaya kahit walang pasok madalas ko pa rin siyang makita. "Kai, bagalan mo naman nang kaunti!" Hingal na hingal ako kakahabol sa kanya. Buti na lang ay nakinig siya sa 'kin, bumagal muli ang pag-jogging niya. Mahilig siyang mag-jogging kada umaga kaya kahit ayaw ko o tinatamad ako, siya ang naging motivation ko para tumakbo sa mga oras na dapat sana'y tulog pa ako. I wanted to have moment with him. "Water break saglit!" Huminto ako't uminom sa tumbler ko. Napabuga ako sa hangin nang 'di siya huminto. Hinabol ko nanaman tuloy siya hanggang sa magkasabay ulit kaming dalawa. "G na g ka talaga mag-jogging 'no? Di ka ba napapagod?" "Hindi." Tumutulo na ang pawis niya sa sentido niya; it looked hot though. "After nito, saan ka na punta?" Nakatingala ako habang mabagal na tumatakbo. Ngalay na nga ang leeg ko pero worth it naman dahil busog ang mga mata ko sa ka-freshg-an niya. "Uwi." I laughed. Napakatipid niya talagang sumagot. "Hindi ka naman maghihirap kapag marami kang sinabi." Natigil ako sa pagtawa nang hindi man lang siya tumawa sa joke ko. "Anong sasabihin ko?" "Na gusto mo 'ko." Natigil siya sa pagtakbo. Sa wakas, mapapahinga ko rin ang ngalay na ngalay kong mga binti. Kuminang ang mga mata ko sa tagal niyang nakatitig sa akin. Nakikita niya na kaya ang kagandahan ko? Sa wakas, siguro nama'y mapapansin niya na ang existence ko. "I don't." Parang may tumamang arrow sa akin na nagpahapdi sa dibdib ko. Napaurong ako habang pinagmamasdan ang likuran niyang muli nanamang tumakbo. "Soon, you will!" I shouted to him. Balang-araw, Kairee, magugustuhan mo rin ako. "Kamusta na kayo ng kinekwento mo sa 'king crush mo?" pang-aasar ni mommy habang naglu-lunch kami. I couldn't help but to laugh. Kung makipag-usap talaga sa 'kin si mommy, parang tropa ko lang siya. It was wonderful, I mean. Open ako sa kanya dahil hindi siya nakakailang. Well, hindi pa ba 'ko magiging open samantalang siya lang naman ang kasama ko sa bahay. "Wala pa ring progress, mommy. Suplado talaga eh." "Grabe naman; baka may girlfriend siya, anak." "Wala, mommy. Focus siya sa studies niya kaya I'm sure he's single." "That sounds great." Sosyal na sumipsip si mommy sa juice niya. "Wag ka lang masyadong mag-hope sa kanya, anak. Simplehan mo lang. Mahirap ang masaktan ng lalake." Naramdaman ko ang sakit sa hugot ni mommy. Siguro naalala niya nanaman ang daddy ko na ilang beses kaming niloko kaya at the end, naghiwalay na lang sila. Sumubo na lang ulit ako ng kanin, ayokong naalala ang daddy ko; makirot sa dibdib. First week of class have passed, tambak agad kami ng gawain. Medyo stressful kasi hindi ko nanaman alam kung anong uunahin; I wasn't that organized pa naman when it comes to school works. Kumain na lang muna kami ni Oliver sa kainan sa may tapat lang mismo ng school namin. "Ano? Nginitian ka na ba ni mister suplado?" Kumunot ang noo ko habang kinukuha ang lahat ng spaghetti sa tinidor ko. "Oo." I smiled proudly kahit kasinungalingan lang iyon. Sa panaginip ko, ngumiti naman sa 'kin si Kai. "In your dreams." Oli laughed. Binato ko nga siya ng isang fries. "Gago wag kang magsayang ng pagkain, girl!" "Kamusta iyong report mo? Pang-ilan ka?" I changed the topic. "Pang-pito pa, badtrip gusto ko na ngang mauna eh." "Pang-walo ako. Ayaw mo niyon? Matagal pa tayong magpe-prepare." Nagkibit-balikat ako. "Gaga, mas maganda nga iyong una para wala ng iisipin sa susunod na mga araw." "Ah basta, okay na 'ko sa slot ko." Napatingin kami sa maingay na magto-tropa na naupo sa gilid ng table namin. Muntik ko ng madura ang iced tea na nasa bibig ko nang makita si Kai. He with his friends, and the woman na lagi niyang kasama; Cassy. I puffed a breath. Medyo masakit ha, lalo na nang magkatabi pa sila sa upuan. Oli cleared his throat. He leaned on the table. Umusog din ako para suportahan ang bulong niya. "He's with Cassy again." Mapang-asar siyang tumawa. "And with Rimuel, and Adam, and Paulo." I rolled my eyes. At least hindi lang silang dalawa. It wasn't a date, after all. "Katabi niya si Cassy." "So? At least they aren't dating." "Sigurado ka?" "Focus siya sa studies niya." Sumipsip ako sa iced tea. "Bakit 'pag kay Cassy ang daldal mo, Kai?" Lumaki ang tainga ko nang banggitin sa kabilang table ang Cassy at Kai. Buti malapit sila sa amin, makaka-tsismis ako. Bumagsak ang balikat ko nang wala akong narinig na sagot ni Kai. Siguro hindi kasi talaga siya interested kay Cassy. "Rimuel, tuloy ba ang pa-party mo mamaya?" It was Cassy's voice. Siya lang naman ang babae sa kanila. "Of course. Don't miss out." "Punta tayo." Oli leaned on the table again. "How? We're not invited." Gusto ko mang sumama, ayoko namang maging party intruder. Balita ko nga ay palagi talagang may party ang magto-tropang iyon sa mga clubs. Somehow, naiingit ako kay Cassy kasi tropa niya sina Kai. Pakiramdam ko ang cool maging part ng circle nila. "Hey! You're Shazmin, right?" Napaangat ang tingin ko kay Adam na may bitbit ng tray. "How did you know my name?" Tinalikod ko ang I.D ko. I didn't remember saying it to him kahit noong tinanong niya ako. "Kai told me." "Kai talked about me?" Nagliwanag ang mga mata ko. "I asked about you." Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Akala ko type na ako ni Kai. "Hoy Adam! Mamaya na landi." Nagtawanan ang mga tropa niya sa kabilang table. "Gago, kausap ko lang iyong blockmate ni Kai. Uy Rimuel, party ka mamaya diba? Sama natin sila." Tinuro kami ni Adam. I bit my lower lip to stop myself from smiling. s**t gustong-gusto ko talagang makasama sa isa sa mga party nila. I wanted to see Kai kung ano siya kapag lasing siya. Baka madaldal siya, baka makulit, baka fuckboy? Hindi. Imposible iyon. "Why not. G! Sama kayo." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD