Grigori’s POV “Diyan na lang po sa may tabi,” sabi ko sa tricycle driver na sinakyan ko. Hindi ko dinala ang motor ko kasi nasa pagawaan ito. Nasira kahapon gawa nang aksidente ko itong nabuwal. Eh, ayoko pa naman na nagkakaroon ng gasgas ang motor ko kaya agad ko itong dinala sa pagawaan. Pag-alis ng tricycle na sinakyan ko, sakto naman na nakita kong kakababa lang din ni Ava sa tricycle na sinakyan niya. Nagtama ang mga tingin namin. Ngumisi siya at saka kumindat. Sinusubukan niya akong akitin. Ang hindi niya alam, kasuka-suka na ang tingin ko sa kaniya. Ngayong nakakangiti ka pa, pero mamaya tignan ko na lang kung mangitian mo pa ako ng ganiyan, Ava. May salot nga palang nakatira dito sa Virak Street. At bago pa siya makagawa ng maraming pinsala sa mga taong nakatira dito, dapat pal