Grigori’s POV “Pssst,” tawag ko sa isang bakla. Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay-aliwan na madalas puntahan ni Ava. Dito ko nakita na kausap niya ang baklang ito na tila sobrang close niya. Wala si Ava dito kaya nilakasan ko ang loob ko na lapitan ang baklang ito. “Uy, ang pogi mo naman. Ang suwerte ko naman at ikaw pa ang tumawag sa akin, ako dapat ang gumagawa niyan eh,” masayang sabi ng bakla paglapit sa akin. Bigla siyang humawak sa braso ko. Hinimas-himas niya ito sabay piga. “Mag-usap tayo saglit sa tahimik na lugar,” aya ko sa kaniya. Lalo siyang napangiti. Kapag talaga guwapo ang kausap at lumalapit sa kanila sobrang saya nila. “Sure, sure.” Hindi na nawala ang ngiti ng baklang ito. Akala niya ata ay aalukin ko siya ng buking. Sa ilalim ng malaking puno na malapit sa baha