Tatiana’s POV Sampung araw na lang fiesta na dito sa bayan ng Norza town. Kapag ganitong magpi-fiesta, mayroong palabas sa park na malapit sa simbahan. Nung bata ako, gabi-gabi nanunuod ako ng palabas kasama ni Veronika. Gabi-gabi may hawak kaming popcorn habang nanunuod. Nakaka-miss din ‘yung lasa ng popcorn na ‘yon kahit minsan eh, lasang gaas tapos kung minsan din ay maalat. Ewan ko ba, nung bata kami ni Veronika, sarap na sarap kami sa ganoon. Tapos saka kami bibili ng palamig na taglilimang piso. Palamig na hindi rin namin sure kung malinis ba ang tubig na gamit. Basta, nung bata wala pa kaming kaartehan sa kinakain namin. Tapos kada palabas sa gabi sa park ay ang mga taga school, street, baranggay, munisipyo ang nagpe-perform. Kawawa nga ‘yung mga nagpapalabas na nata-timing-an ng p