Tatiana’s POV “Diyosko, Prof Tati, anong nangyari dito?” tanong ni Olga na unang dumating dito. Sa kabilang room lang kasi siya nagtuturo ngayon. Niyakap niya agad ako nang makitang tuluri ako at saka ko naman tinuro sa kaniya si Grigori. “Nalaglag bigla ang kisame ng room namin habang nagche-check ako ng mga papel ng student ko. Kung wala si Grigori, baka wala na ako ngayon. Siya kasi ang sumalo ng mga kahoy na bumagsak galing sa kisame,” kuwento ko sa kaniya. Dumating na rin sa wakas ang mga guard. Sila ang bumuhat kay Grigori para dalhin sa clinic. Hindi agad ako nakasunod kay Grigori dahil shock pa rin ako. Narito na ako sa office room ko at kasalukuyan pa ring pinapakalma ni Olga. Nililinis niya ng wet wipes ang mga alikabok na napunta sa mukha at katawan ko. Mayroon din akong kau