Grigori’s POV Dahil sa nangyari sa school at sa akin, sinabi ni Miss Tati na puwede raw akong hindi pumasok ng tatlong araw o hanggang limang araw para mamahinga. Iyon daw kasi ang sabi ng doctor, ang mamahinga ako kahit wala namang naging pinsala sa katawan ko. Sa totoo lang, masakit pa rin ang katawan ko at parang lalagnatin ako dahil doon. Pero hindi naman masyadong malala, kayang-kaya ko namang tumayo. Kaya heto, maaga akong nagising para magluto ng almusal ko. Mag-uugas na sana ako ng kanin para magsaing na nang biglang dumating si Miss Tati. “Huwag ka nang magluto, Grigori. Heto oh, nagdala ako ng almusal,” sabi niya at saka nilapag sa lamesa ang mga tupperware na dala niya. Hindi na ulit uso sa kaniya ang kumatok ng pintuan. Agad-agad ay pumapasok na siya sa loob. “Ano po ‘yan?”