Tatiana’s POV May bagong bukas na kapihan malapit sa school kaya naisipan kong huminto roon para bumili ng kape. Tamang-tama, hindi pa ako umiinom ng kape dahil maaga akong umalis ng bahay. Gusto ko ring ma-try kung okay ba ang lasa ng mga kape dito kaya pumila na ako. Ang daming tao sa loob na nakapila pagpasok ko sa loob. Halo-halo, may mga teacher, professor at karamihan ay student. Buy one take one pala agad ang pa-opening effect nila. Maibigay na lang kung kanino ang isang mapipili kong kape, puwede rin na sa akin na rin kapag nabitin ako. ‘Yon nga lang, kape now, palpitate later. Puwede ring kape now, acid refluc later. Habang nakapila ako, narinig ko bigla ang mga student ko na nag-uusap malapit sa akin. “Buwisit na Grigori ‘yon, akala ko mapapapayag ko na siyang maka-s*x kagabi.