Grigori’s POV May nakita ako kaninang studio malapit sa palengke. Kaya pagkatapos kong kumain sa karinderya, doon ako tumuloy para mag-practice kumanta at mag gitara. Nag-park ako sa tapat ng studio. Pagbaba ko sa motor ko, sumulip ako sa loob ng studio. Salamin ang wall kaya kita ang loob nito. Sakto naman na walang customer ngayon doon, pero nakita kong may taong nagwawalis sa loob. Lumapit na ako sa pinto at saka kumatok. Napatingin sa akin ang lalaki nang marinig akong kumatok. Sumenyas ang lalaking nakasandong itim na pumasok na ako sa loob kaya tinulak ko na ang pinto para makapasok na sa loob. Sinalubong ako ng malamig na aircon. Mas ayos pala dito kasi malamig pa. “Sandali lang, magwawalis lang ako saglit,” sabi sa akin ng lalaki. Mukhang batak sa gym ang isang ‘to kasi malaki