Tatiana’s POV Mabilisang pagligo ang ginawa ko. Hindi ko na nakuhang magsuklay, pagkabihis ko ay tumakbo na ako papunta sa bahay ni Grigori. Pagdating sa loob ng bahay niya, natanaw ko na nakaupo na siya sa hapagkainan. Minadali ko ang paglapit sa kaniya kasi para siyang rebulto doon na hindi na gumagalaw. “Tamang-tama, gutom na ako.” Naupo na ako sa tabi niya. Hindi ako nagpahalata na alam kong galit siya para hindi masyadong akward. Kahit ang totoo ay nahihiya na rin talaga ako sa kaniya. “Ang taas ng energy mo ah! Palibhasa masaya ka dahil napakarami niyang pinamili sa iyo sa mall na ‘yon. Samantalang ako, heto lang, chicken tonkatsu lang ang maihahandog ko sa ‘yo ngayon. Walang-wala ito doon sa mga mamahaling kape at cake na kinain ninyo kanina sa mall.” Tinignan ko siya. Dismayad