Tatiana’s POV Nandito na kami ni Wyatt sa tapat ng mall. Hindi mawala-wala ang tingin ko sa kaniya. Bakit kasi kahit puting t-shirt at simpleng pantalon lang ang porma niya ay napakalakas na agad ng dating niya. Siguro ay dahil sa laki ng katawan niya tapos fit na fit pa sa kaniya ang suot niya. Bakat na bakat ang matipuno niyang katawan. Pagbaba pa lang namin sa magara niyang kotse tinitignan na agad kami ng mga tao. Ay, hindi pala ako, siya lang pala. Dito kasi sa Pinas, basta guwapo, maganda ang katawan at mukhang model, tinititigan talaga. Nahihiya tuloy akong dumikit sa kaniya. Ang bango bango rin kasi niya tapos ang linis pang tignan. “Bakit pakiramdam ko ay masyado kang malayo sa akin, tapos ayaw mong dumikat?” tanong niya. “Ang totoo, mukha kasi akong katulong mo lang ngayon da