Tatiana’s POV Sabi niya, mauna na raw ako sa kuwarto niya. May ihahanda lang daw siya saglit. Katatapos lang kasi niyang mamili ng kakantahin niya para sa Norza college night at may napili na siya dahil sa tulong ko. Napangiti ako nang makita kong bagong palit ang sapin ng kama niya pati na rin ng mga unan pagpasok ko dito sa kuwarto niya. Maayos din ang buong paligid at mabango rin. Sa tingin ko ay tila naglinis siya kanina kasi alam niyang dito ako matutulog. Kaya pala napansin ko rin na tila may bago sa sala kanina kasi nag-ayos talaga siya ng buong bahay niya kanina. Sa tingin ko, sa ibang effort nag-e-effort itong si Grigori eh. At napapansin ko na may mga ginagawa na rin talaga siya para magpapansin sa akin. Nang maupo ako sa kama niya, may nakita akong papel na kulay pula. Kinuha