Sa pag-alis ni Jabez sa kanilang lugar ay hindi siya nagdalawang-isip na bumili ng isang hacienda.Nagpatayo siya ng kuwadra kung saan ay may mga alaga silang baka, kalabaw, kambing at manok.
Naisipan niyang maglagay ng underground sa kanyang mansion patungo sa kulungan ng mga hayop para tuwing nagiging halimaw siya ay doon siya dadaan.Isa iyong secret door na nagmumula sa kanyang kuwarto.
Para kay Jabez ay hindi ganoong kadaling mag-adjust.Hindi siya normal na tao ngunit gusto niyang mamuhay tulad ng mga tao.Ngunit kaakibat na niya sa buhay ang kakaiba niyang sumpa.
Minsan ay naisip ni Jabez kung sino nga ba talaga siya sa mundo ng mga tao.Paano siya napadpad sa mortal na lugar kung gayong isa siyang halimaw. Sino ang tunay niyang mga magulang? Gusto niyang malaman ang kanyang pinagmulan.
"Sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot para umapak sa aking teritoryo?"
Imbis na sumagot ang babae para itong kandilang nauupos. Bumagsak ito na ikinakunot ng noo niya. Walang plano na lapitan niya ito.Hindi niya masabi kung ano ang nangyari.
She's wearing jeans.Pero nakapaa lang ito.Tapos ang blusa nito ay may punit sa tagiliran.Nagtaka siya kung ano ang nangyari rito. Pinulsuhan niya ang babae maliwanag na nawalan lang talaga ito ng malay.
Binuhat niya ang babae papasok ng bahay. Inihiga niya ito sa malaking sofa na nasa gitna ng sala. Sinalubong sila ni Yaya Gloria.Ang matandang babae na nakilala niya at nakakaalam ng pagkatao niya.
Nang nagtagpo ang landas nila ay alam daw ng matanda ang kanyang tunay na pagkatao. Anak raw siya ng isang halimaw. Dahil wala siyang mahanap na mapagkakatiwalaan para mag-alaga sa kanya ay kinupkop niya ito.
Si Yaya Gloria din ang tumulong sa kanyang ina noong pinagbubuntis siya nito. Ngunit hindi na alam ni yaya Gloria kung nasaan ang kanyang ina at ganoon din ang kanyang demonyong ama.
"Sino iyan, Jabez?"
"Hindi ko ho kilala. Nakita ko siya doon sa hardin.Bigla na lang siyang hinimatay pagkakita sa akin. Para bang nakakita siya ng halimaw, kayo na ho muna ang bahala sa kanya."
"Doon na lang sa kuwarto ko."
"Sa isang guest room na lang, yaya. Maiistorbo pa kayo roon."
Nilagpasan niya ito at nagpatiuna sa isang bakanteng kuwarto. Inilipag niya ang wala pa ring malaya na babae sa kama.
"Asikasuhin n'yo na muna siya, yaya."
"Sige, Hijo."
Iniwan niya roon ang dalawang babae. Inilabas niya ang cellphone at tinawagan ang kaibigan niyang doctor. Pinakiusapan niya itong tumungo roon sa kanila para masuri ang kalagayan ng babaeng nasa kanyang poder.
Malapit sa kalahating oras din siyang naghintay sa kaibigang doctor. Dinala niya ang kaibigan kung saan nagpapahinga ang babae. Naroon pa rin ang yaya Gloria niya at tapos na niyang linisan ito at napalitan na rin ng malinis na damit.
"Pakisuri mo naman siya, Andy."
Walang katanong-tanong na kumilos ang kanyang kaibigan. Binalingan naman niya si yaya Gloria at tinanong kung saan ito kumuha ng damit na ipinasuot sa babae alangan namang mga damit nito.
"Sa iyo"
"Yaya."
Tinapik siya nito sa balikat.
"Ano ka ba naman, iho. Matagal na ang damit na iyan. Saka alangan namang damit ko ang aking ipasusuot sa kanya. Ikumpara mo kaya ang aming katawan."
"W-wala na man akong sinasabi, yaya."
"Ikaw talaga!"
Napatingin sila sa doctor.
"She is fine. Normal naman ang vital signs niya. Mukhang nawalan lang talaga siya ng malay. Hintayin na lang natin siya na magkamalay."
"Ganoon ba?" hindi makapaniwalang sabi ni Jabez.
Tumango ang kaibigan niyang doctor. "By the way, who is she?"
"Ha? I don't know either."
Napatingin siya kay yaya Gloria.
"Hindi namin siya kilala,"sagot rin ng matandang Ginang.
"Ho?"
Nagkuwento ang Ginang, sinabi niya rito ang totoo at kitang-kita sa mukha ni Andy ang pagkasorpresa. Napabuntong-hininga na lang siya.
Alam niya kung ano ang naglalaro sa isipan nito at masaya siya nang gumuhit ang ngiti sa labi ng kaibigan.
"I can't bear to leave her in that condition. Kaysa naman hayaan ko na lang siyang nakahandusay sa lupa."
Lumabas sila ng kuwarto at naka kasunod nila si yaya Gloria. Mismong siya ang nagsara ng pintuan.
"You don't have to explain."
"Ang sama mo, ah."
"One thousand pesos,"ani Andy at saka inilahad ang palad.
"Para saan?"
"Ang slow mo, bro! Bayad sa akin."
"Ang mahal naman," nakakunot-noong turan niya.
"Mahal na rin naman ang gasolina, ah! Saka service ito,'no! Ako pa ang pumunta dito, ang layo kaya sa bayan. Kung dinala mo siya sa clinic baka nalibre ko pa ang check-up niya." Pero bago iyon ay binalingan niya si yaya Gloria.
"Magpa-merienda naman kayo, yaya."
"Prutas lang ang mayroon, kung gusto mo naman ay magluluto ako ng sopas. Manghuhuli ako ng manok sa kuwadra. Makakapaghintay ka ba, iho?"
Nginisian ni Andy si Jabez.
"Babayaran naman po niya ang oras ko, kaya hindi ko na kailangang magmadaling umalis. Naka-bounary na ako."
Nagpaalam na ang matanda sa kanila at sa teresa ng bahay sila pumuwesto. Kauupo pa lamang nila roon nang dalhan sila ni yaya Gloria ng kape. Iniwan rin naman sila kaagad pagkalapag nang maiinom.
"Trespassing siya." Simula niya.
"Nagkataon lang," ani Andy saka humigop ng kape. "May puso ka pa rin pala."
"Ayaw ko ng babae sa aking bahay, maliban lang kay yaya Gloria. You know me."
"Mabuti at hindi mo siya naisipang kainin," naisatinig ni Andy.
"Saan kaya galing ang babaeng iyan?"
"She fall from the sky. She's from heaven,"nakangising pagbibiro nito. "Malay ko! Why don't you ask her once she wakes-up."
"Oh, yeah! I forgot to think of that." Hindi pinansin ni Jabez ang pagbibiro ng kaibigan.
"You think to much, bro. Hayaan mo muna siyang magpahinga at kapag nagkamalay na siya at talagang malakas na paalisin mo agad. Mahirap magtiwala sa mga estranghero ngayon. You don't know what is she after you, mahirap na."
"I know."
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Sa tagal na niyang naninirahan sa hacienda ay ngayon lang siya uli nakakita ng magandang dalaga. She need to go, she need to leave as quickly as she could.
Ayaw niyang mapahamak ang babae sa bahay niya.Nagbago na siya hindi na siya kakain ng laman ng tao. Nalalapit na naman ang kabilugan ng buwan at bago sumapit iyon, dapat nakaalis na ang babae sa poder niya. Walang puwedeng makaalam ng sekreto niya.