Episode 6 -

1032 Words
Nagdilat siya.Unfamiliar ceiling greeted her at naramdaman niya ang pagkulo ng kanyang sikmura. Gutom siya, kailan ba siya huling kumain? Noong isang araw pa, she need to eat. Bumangon siya paupo, umikot ang paningin niya. Napansin niya ang suot at hindi iyon ang damit niya. Mayroong nagbihis sa kanya at napalunok siya. Noon sumagi sa isipan niya ang lalaking huling nakita bago tuluyang nawalan ng malay dahil sa labis na panghihina. Nakaramdam siya ng pang-iinit ng mukha. "Hindi kaya ito ang nagbihis sa akin?" May nakita siyang pitsel ng tubig sa mesita sa gilid ng higaan. Ang problema walang baso. Sa pamamagitan ng tubig, maiibsan ang kalam ng sikmura niya. Napalunok siya. Dapat na talaga siyang makainom, kumilos siya at inabot ang pitsel. Tutunggain na lang niya iyon at iyon nga ang kanyang ginawa. Ang problema, habang tumutungga siya bumukas ang pintuan. Huling-huli siya ng lalaki na tinutungga ang pitsel. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito hindi yata nito nagustuhan ang naabutan niyang iyon. "Pasensiya na, uhaw ako, eh," nahihiyang paliwanag niya. Napatanggo na lang si Jabez. "By the way, saan ako naroon?" "Sa hacienda ko," ani Jabez. Nahihiyang napatango siya, tinanong pa niya sa lalaki kung nasaan siya? Siyempre nasa bahay niya. Saan pa! "S-salamat sa pagtulong mo sa akin," aniya na may pinong ngiti. "Sandali lang." Iniwan siya roon ng lalaki. Sunod-sunod ang pakawala niya ng malalim na paghinga. Dalangin niyang bumalik itong may dalang pagkain. Hindi na biro ang pagkalam ng kanyang sikmura. Tuluyan na siyang bumangon at lumapit sa bintana.Kakahuyan ang sumalubong sa kanyang mga mata. Nalula siya sa kagandahan ng paligid. Ang lawak ng bakuran, tapos may kuwadra. May mga kalabaw, baka, kambing at ibat-ibang uri pa ng mga hayop. "Saan kaya ako naroon? Tinanong niya kanina ang lalaki ngunit wala siyang nakuhang specific na sagot mula rito. Basta na lang nitong sinabi sa kanyang naroon siya sa hacienda nito. Hindi rin sinabi kung saang lupalop ng Pilipinas. Malapit lang ba iyon sa lugar na pinanggalingan niya? Napalingon siya nang maramdamang bumukas ang pinto. Isang Ginang ang bumungad sa kanya at nakangiti at mayroong dalang tray. Lalo pa nga yatang kumalam ang sikmura niya pagkakita sa mga pagkain. Isang mangkok na sopas, may saging at mansanas at isang basong mainit na kape. "Kumusta ang pakiramdam mo, Ineng?" "Gu-gutom, ho..." nahihiyang pag-amin niya. Tumango ang Ginang. "Ito may dala akong pagkain para sa iyo.Kahapon ka pa walang malay. Halika na, kumain ka na muna para manumbalik na ang iyong lakas," nakangiti nitong sabi sa kanya. Kumilos siya at naupo sa gilid ng kama. Nakapatong sa side table ang tray. Nakalimutan na nga niyang yayain ang Ginang. Itinuon niya ang pansin sa pagkain at lalo siyang natakam. "Kayo po ang nagluto?" "Oo." "Ang sarap po." "Tawagin mo na lang akong yaya Gloria. Iyan ang tawag nila sa akin rito," nakangiti paring sabi ng ginang. "May pumasok pong lalaki dito kanina." "Si Jabez iyon. Pag-aari niya itong hacienda, siya ang nakakita sa iyo at dinala ka niya rito." "Siya ho iyong lalaking natatandan kung nanigaw sa akin bago ako nawalan ng malay. Trespassing daw kasi ako, yaya Gloria." Tumango ang Ginang. "Ganoon lang talaga si Jabez. Pag-aari niya kasi itong hacienda kaya pinoprotektahan lang niya ang teritoryo niya." Siya naman ang tumango. "Saang lugar po ito?" "Batangas, Nasugbo," sagot ng Ginang sa kanya. "Ho?" "Bakit?" "Malapit ba iyon sa Balayan?" tanong niya rito. "Sa pagkaka-alam ko Ineng, medyo malayo dito." Marahan siyang tumango. "Doon ka ba galing?" "Oho." "Ano ba ang nangyari at napadpad ka rito sa Nasugbo?" Tuloy lamang siya sa pagkain. "Bakasyunista po ako roon. Nag-swimming kami, nag-renta kami ng bangka para makapag-boating. Medyo umuulan. Iyon pala ay may bagyo. Iyon lang po ang huli kong naalala tapos pagkamalay ko ay nasa dalampasigan na ako." "May bagyo nga noong nakaraang araw." "Nabusog ka ba, Ineng?" "Opo. Salamat, ho!" nakangisi niyang sagot. "Ano pala ang pangalan mo, Ineng?" tanong nito sa kanya. Kanina pa pala sila nagkukuwentuhan ngunit hindi pa pala siya nagpapakilala sa matanda. "Aiden po." "Sige na, Ineng, magpahinga ka na muna uli, para manumbalik ang tamang lakas mo." Kinuha na nito ang tray. "Maiiwan na muna kita." "Salamat po, yaya Gloria. Napakabait niyo po, babawi po ako sa inyo kapag nasa maayos na po akong kalagayan." Tuluyan na siyang iniwang ng Ginang. "Hindi man lang ba niya naisip na mayroong mga taong nag-aalala sa kanya?" naisatinig ni Jabez sa kaharap. "Imposibleng 'di niya matukoy na mayroong may cellphone dito at maging landline." "Jabez, walang dudang magulo pa ang isipan ni Aiden.Hayaan na muna natin siya. Malay mo at bukas lang ay maisipan niyang kontakin ang sino man sa kanyang mga kaanak." "I want her out of here ASAP!" "Alam ko kung ano ang tinatakbo ng isipan mo huwag ka nang magkaila." "Yaya, she need to go hindi siya puwedeng magtagal rito, paano kung----" "Hindi mangyayari iyon. Magtiwala ka lang sa sarili mo, iho. Labanan mo ang nararamdaman mo," putol ni yaya Gloria sa sasabihan pa niya. "Natatakot ako, yaya. Natatakot ako sa mangyayari, ayaw ko nang ganito! Ayaw ko ng pumatay at kumain ng mga inosenteng kababaihan." "Alam kong gusto mong baguhin ang buhay mo, Jabez. Pero hintayin mo ang tamang panahon dahil makakamit mo rin ang ninanais mo." Mula sa mga payo ni yaya Gloria ay napapanatag ang kalooban niya. Ngunit mapaglaro talaga ang tadhana ng gabing iyon. Hindi inaasahan ni Jabez na magiging kabilugan ng buwan ng gabing iyon. Mag-alas dose nang gabi nang bigla siyang nagbagong anyo. Lumabas ang bilog na buwan sa langit. Kinakabahan si Jabez sa maaring mangyari sa dalagang nasa poder niya. Ilang minuto ang nagdaan at nagsimulang nagsilabasan ang ang mga pangil niya sa bunganga. Ang sungay niya at ang buntot at ang paghaba ng kanyang mga kuko. Muli ay nag-anyong halimaw siya. Umalolong si Jabez nang malakas. Nagtaka si Jabez na imbis sa kuwadra siya tutungo ay naamoy niya ang sariwang dugo ng isang babae na nasa guest room ng kanyang hacienda. Nangahas siyang pumasok roon at handa na niyang kainin ang babaeng mahimbing sa pagtulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD