Episode 4 - Son of demon's born

1063 Words
Ayaw niyang matulad ito sa ama nito. May sungay at buntot. Ayaw niyang maging halimaw ang kanyang anak. Ngunit paano nga kaya kung ang hitsura nito ay hati-kalahating tao-kalahating demonyo? Bahala na!aniya. Sa ngayon ay paghahandaan na niya muna ang kanyang sarili at palalakasin ang katawan dahil mukhang napapalapit na ang araw na siya ay magsisilang. Hinaplos ni Mary ang kanyang tiyan. Napaimpit siya sa sakit. Naramdaman niyang manganganak na siya. Dahil siya lang mag-isa sa kanyang tinitirhan ay siya na ang napa-anak sa kanyang sarili. It was cold night before Halloween, when she had a terrible stomach pain. It started in the middle of the night, she was having a difficult labor. She was in a deep pain. The Son of Demons was born! May sungay...may buntot, mapupula ng mga mata at may pangil ngunit kakaibang nilalang dahil nalahain ito ng katawang tao. Umiyak ang sangol.Umiyak ng malakas. Ngunit hindi magawang buhatin ito ni Mary. "Hindi kita anak!Ayaw kitang maging anak," luhaang sabi niya. "Isa kang kampon ng mga Demonyo!" Nang masulyapan niya ang sanggo na bagong silang. Tumigil ang sanggol sa pag-iyak. Gumapang ito palayo kay Mary. Bagong silang palang ngunit nakatayo na ito. The son of Demon was staring at her own mother .Looking strange. Napaatras si Mary kahit na hirap na hirap siya dahil bagong panganak palang siya ay nagawa niyang igalaw ang kanyang katawan para makita ang bagong panganak niyang sanggol. "Huwag kang lalapit sa akin," ani Mary. "Hanggang diyan ka na lang bukas na bukas rin ay ibibigay kita sa ama mo. Hindi kita matatanggap bilang anak ko.Patawarin mo ako. Hindi ko matiim na magpalaki ng isang anak ng demonyo," sambit niya sa bata. Umupo naman ang anak ng demonyo sa harap niya. Siguro ay naintindihan naman nito ang nais niyang ipahiwatig. Maya-maya ay nahiga ito. Nawala ang sungay at buntot. Nagpalit ng anyo bilang totoong bagong panganak na sanggol. Nilapitan ito ni Mary at tinapik. Ngunit napakainosente ng anyo nito. Napakaguwapo at napaka-cute. Binalot niya ang sanggol ng isang kumot at inihiga sa isang malinis na higaan. Sa tingin niya ay pasikat na ang mahal na araw kaya naman nagbago na ito ng anyo. Ngunit paano na tuwing sasapit ng gabi? Babalik na naman ito sa pagiging demonyo.Kaya naman napagdesisyonan niyang itapon ang bata. At siya ay aalis na rin sa lugar na iyon at magpakalayo-layo. Habang wala pang nakakaalam at nakakakita sa bata ay naisipan na niyang itapon ang bata kinabuksan. "Patawarin mo ako.Hindi ka puwedeng mabuhay sa mundo ng mga tao. Kailangan mong umalis at pumunta sa inyong mga mundo," ani Mary. Dinala ni Mary ang sanggol sa gitna ng kagubatan kung saan natatandaan niyang nakakaramdam siya ng kakaiba noon tuwing dumadaan siya roon. Iniwan niya roon ang sanggol at walang sabi-sabing nilisan niya ang lugar. Kung masamang ina man siya. Para sa kanya ay mas nakakabuting kunin na lang ito ng demonyo kaysa naman manirahan sa mundo ng mga tao. Dahil kapag oras na matuklasan ng mga tao na ang anak niya ay isang halimaw baka papatayin nila ito. Tama lang ang naging desisyon niya.Tama lang na itapon niya ito at kunin ng mga demonyo. Nang makauwi siya sa maliit niyang tahanan ay nagbalot-balot si Mary ng kanyang mga gamit. Sa mismong araw na rin iyon ang kanyang pag-alis. Ayaw na niyang magkaroon sila ng ugnayan ng bata. Sa paglisan niya ay kakalimutan niya ang pangit na pangyayari sa kanyang buhay. Ang magkaroon ng isang anak na galing sa demonyo at ang itapon ang sarili niyang anak. Nang dalawang matanda ang naligaw sa kagubatan at narinig ang malakas na pag-iyak ng isang bagong silang na sanggol. Hinanap nila kung saan nanggagaling ang iyak na iyon. Hanggang sa natagpuan nila ang isang batang nabalot sa kumot. "Sino naman kaya ang masamang ina na nag-iwan ng anak dito sa gitna ng kagubatan?" tanong ng matandang babae sa kanyang asawa habang pinulot niya ito at pinaghele sa kanyang braso para patahanin. "Kaguwapong bata, oh. Iuwi na lang natin at ampunin,aniya. Sa tuwa at kagalakan ng dalawang matanda ay inuwi nila ang sanggol. Wala silang kamalay-malay na isa itong anak ng demonyo. Dahil sa labis nilang magkaroon ng anak ay tila biyaya sa kanila ang batang napulot. Pinangalanan nila ang sanggol sa pangalang Jabez. Ngunit sa paglaki nito ay natuklasan niyang hindi siya ordinaryong nilalang.Isang gabing maliwanag ang buwan at kabilugan ay bigla siyang naging malaking lobo. Tila napupunit ang balat niya nang biglang lumabas sa kamay niya ang matutulis na kuko sa kanyang kamay at paa. Napaimpit si Jabez sa sakit ng biglang nagbago ang kanyang mukha at lumabas ang mga malalaki at matutulis na ngipin. Ang kanyang katawan ay bumaluktot. Nagkaroon siya ng itim na balahibo. Hindi alam ni Jabez kung anong klaseng nilalang na siya. Tumalon siya sa bukas na bintana at doon nagtungo sa isang lugar. Ang anyo niya ay gutom na gutom na hayop habang tumutulo pa ang laway s kanyang bunganga. At ang unang naging biktima niya ay isang magandang dalaga at kinain niya ang laman nito. Hanggang sa tuwing sumasapit ang kabilugan ng buwan ay nagpapalit siya ng anyo. Hanggang sa paulit-ulit siyang bumiktima ng mga magagandang dalaga. Inakala ng mga tao sa kanilang lugar na may naninirahan doon na aswang dahil sa tuwing kabilugan ng buwan ay may namamatay. Ngunit nang isang gabing meron siyang bibiktimahin ay nakita nito ang kanyang pagbabagong anyo. "Ahhh! Demonyo! Isa kang Demonyo!" malakas na sigaw ng babae. "Wala kang awang pumapatay ng mga inosenteng tao. Isa kang demonyo! Hayop!" Naisipan ni Jabez ang magbago kaya naman nilisan nito ang kinalakihan at nagpakalayo-layo. Ayaw niyang patayin at kainin ang mga taong nag-aruga at nagpalaki sa kanya. Dahil minsan ay may isang parte nang isipan niya ang nag-uutos sa kanya. "Patayin mo sila Jabez! Patayin mo!Walang dapat nakakaalam ang totoong pagkatao mo!" paulit-ulit na utos ng isang mala-demonyong boses sa loob ng kanyang kuwarto. Nagtungo si Jabez sa isang Isla at ipinangako niyang hindi na siya kakain ng tao kundi mga hayop na lang ang kanyang kakainin tuwing siya ay magbabago ng anyo. Doon ay mapapanatag parin ang kanyang kaloobon. Hanggang isang araw ay nakilala niya si Aiden, ang babaeng laging nagpapansin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD