// goals #8 //

919 Words
STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #8// NAGLAKAD na si Zoe sa buhangin. Wrong move. Mali pa yata na nag-shower siya dahil mas lalo lang siyang gininaw at mas lalong naipon ang init ng katawan niya. Pero dahil hiyang-hiya naman na siya kay Jet dahil masyado na siyang VIP, tumayo na siya. Psh. She doesn't even give two shits about what's happening. "May LQ ba kayo?" tanong ng isang teammate ni Jet pagkadating ni Zoe sa bilog na ginawa ng mga tao palibot sa isang bonfire. "Huy." "Huh?" tanong ni Jet na halatang hindi nakinig sa tanong dahil akala niya hindi para sa kaniya. "Ah, wala ah." Wala siya sa mood magsalita dahil sa lalamunan niya at pakiramdam niya pagod na pagod siya kaya naman noong hinatak siya ni Jet para maupo sa hita nito, hindi na siya pumalag at sinamantala na ang pagsandal dahil sa bigat ng ulo niya. "Okay ka lang?" bulong nito sa kaniya. Pumikit siya para hindi makita ng ibang tao ang pag-irap niya sa sinabi ni Jet. Hindi na lang siya sumagot at inisip kung makakakuha ba siya ng tulog sa dami ng taong nandoon. "Speaking of Jet and Zoe, dahil sa relationship niyong dalawa mukhang nagkakasundo naman na ang dalawa niyong school. Wala na kayo masyado sa news at hindi na laging trending sa twitter," pagtawa ng isang babae. "Oo nga eh," pagsangayon ni Jet na may sariling ngiti. "But still napaka-unusual niyong dalawa," puna ng isang babae at napadilat si Zoe. What the hell is this girl talking about? "What do you mean by that?" pagtataray na ni Zoe ng slight sa babaeng hindi kakilala na mukhang pinapantayan ang pagiging masungit niya. "I mean, yeah, we can see you both together... is it just me or we have never really seen you two kiss?" Agad na napaubo si Jet sa tabi niya at hinawakan nito ang kamay niya at pumisil. Ngunit pumisil din si Zoe. Ako na. Masyado akong iniinis nitong babaeng 'to. "It's not like you guys have to see it, right? We don't need to prove ourselves to you, do we?" "You have a point," pero base sa tono ng kausap, she isn't going to let go of this so easily. "But... we can't help being suspicious. Being the new couple of the town, can't you just give us one smooch so we can let all this go?" She just did not dare Zoe into this. This is so stupid. But yes, she will do this. Simply because she can. And hopefully it will pacify this b***h. Kakatingin niya palang kay Jet, kumakalam na agad ang sikmura niya na pakiramdam niya masusuka siya sa gagawin niya. Lahat ng parte ng katawan niya sumisigaw ng "No! Zoe, don't do it!" pero ginawa niyang ngitian ang nagtatanong na mga mata ni Jet kung gagawin ba talaga nila iyon. We have to, sabi ng mga mata ni Zoe. Don't look at me like that. I will hate this too. Hindi niya alam kung paano niya napasunod ang kamay niya na hawakan si Jet sa batok at hatakin ito papalapit sa kaniya. She closes her eyes. Empty your mind, Zoe and think this is really not happening. But it is happening. Their lips touch and Jet's arm tightens on her waist, pulling her closer. She kisses him and he tilts her head so he can kiss her better. His lips immediately warm hers that it sends a chill down her spine in a beautiful tingling sensation she can feel throughout her body. Despite the harsh words... how can his lips be so soft like marshmallow? It is one kiss yet she feels numb when she pulls away. Hindi niya magawang tumingin kay Jet at humarap na lang sa babaeng nanghamon sa kaniya. "Happy?" tanong niya dito pero sa totoo lang in your face talaga ang sinasabi niya. Isang demonyong ngiti naman ang lumabas sa labi ng mga babae. This is not over, sabi ng mga ito. "Oh, yes. Of course." At salamat sa Diyos dahil nagpalit na sila ng topic at napunta sa susunod nilang lakad sa North. Pero hindi makapag-focus si Zoe sa mga pinagsasabi nila dahil sa kamay na pumisil sa tagiliran niya at ang kasunod na paghalik ni Jet sa gilid ng ulo niya na may kasamang tawa. Hindi pa nga siya nakaka-get over sa nangyari may pahabol na agad. "Tawa ka diyan?" pagsusungit na naman ni Zoe. Mabuti na 'yang mainis siya kesa mahiya. Tss. "Wala naman," pagtawa pa ni Jet sa may tenga niya na nagdala ng isang wave na naman ng kilabot sa katawan niya. "Lumayo ka nga sa'kin at baka mabigwasan kita diyan." At pasalamat na lang at marunong makinig si Jet sa kaniya at umatras ito. xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox HINDI siya makapaniwalang nahalikan na nga niya si Zoe. Natatawa siya sa isipan niya. Akalain mong sa palaging mapait at alat ng mga salita nito ang tamis pala ng mga labi niya. Parang natutunaw na cotton candy sa dila niya ang lasa ng mga labi ni Zoe. Akalain mo nga namang 'yung babaeng gusto niya lang makita noon naka-score na siya? Para na siyang baliw pero hindi naman niya maipagkait sa sarili niya ang ligaya na nararamdaman. Siguro dahil sa isip niya ay nakalamang na talaga siya sa mga kaibigan niyang pinagpapantasyahan pa rin si Zoe. Siya na ang tunay na kampeon. Hindi niya tuloy mapigilang ma-excite sa kakaisip kung anong mangyayari kapag matutulog na silang mamaya ni Zoe sa iisang kwarto. Sa iisang kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD