// goals #7 //

1009 Words
STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #7// KULANG na lang ay itali si Zoe ni Jet sa bewang niya sa paglalakad nilang dalawa. Inis na inis na si Zoe dahil sumasakit na ang bewang niya sa pagpihit ni Jet sa kung saan sila pupunta. Konti na lang kukuritin na niya si Jet. Pero ito na nga siguro ang ibig sabihin niya nang bumulong ito sa kaniya kanina. "Since you don't wanna f*****g change your clothes, stick next to me or I swear to God, I'll rip your clothes in front of you." Psh, like she cares. Hell, she was almost n***d in her leaked photo. Not something someone hasn't seen. Pero sa totoo lang, at some part, ayos lang sa kaniya na nakakulabit ang braso ni Jet sa kaniya dahil kung hindi, baka kanina pa siya pinagpyestahan na ng mga lalaking nandoon. Ang lalagkit ng tingin. Akala mo ngayon lang nakakita ng baabeng nakasuot ng crop top at shorts. Lumayo muna sila saglit at naupo sa blue na hammock sa pagitan ng dalawang palm tree. Lumayo man, nakasabit pa din ang braso ni Jet sa balikat ni Zoe. "Hindi ka ba nangangalay?" "Considering na tama lang 'yung height mo para maakbayan kita? Hindi." "No, I mean, kanina ka pa nakahawak sa'kin. Maybe it's about time to let me go? Masyado ka na yatang nage-enjoy eh." Umiling na lang si Jet sa kaniya. "Kung hindi naman ganyan ang suot mo edi sana hinahayaan na lang kitang makipag-socialize do'n." "Ano ba kasing problema mo ha? Normal na damit lang naman 'to." Naramdaman ni Zoe ang ilong nito sa likod ng tenga niya at ramdam na ramdam niya ang mainit nitong pagbulong. "Kung sila nga gusto ka nang papakin. Ako pa kaya?" Mabilis na dumaloy sa katawan niya ang kilabot kaya naman napatayo siya. "Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo!" "No, really, Zoe. As much as I hate you, I'd be the happiest man for an hour if get to bring you in a bedroom." Agad na napatakip si Zoe sa dibdib niya nang makitang nanatili doon ang mga mata ni Jet. Tumungo siya at inabot ang tsinelas bago ibinato ito kay Jet. "Bastos!" at nag-walkout. Narinig niya pa ang pagtawa ng binata. OMG. I feel so violated. Na-r**e na ko ng mga mata ni Jet. Huhu. Hindi na ko virgin. Siniko niya si Jet nang maramdaman niyang malapit na ito sa kaniya ngunit agad naman itong nasalo. "Come on, babe," sabi nito sa kaniya at umikot ang mga braso at naramdaman na lang niya ang pagbagsak ng isang manipis na polo shirt sa balikat niya at kusa nang gumalaw ang mga braso niya para isuot ito nang maayos. Hindi siya makatingin kay Jet. Hiyang-hiya siya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Hinawakan ni Jet ang kamay niya at hinigit na siya pabalik sa party. Pero hindi na siya talaga siya makapagsalita. "Okay ka lang?" tanong ng isang babae sa kaniya. Tinanguan niya ito at nginitian. Naisipan niyang baka naiinitan lang siya kaya niya nararamdaman ito. "Jet," pagtawag niya dito at lumingon ito sa kaniya. "Doon muna ako sa kwarto, inaantok ako eh. Tsaka ang init." Kumunot ang noo ni Jet habang tumatayo si Zoe. "Samahan kita?" Mabilis siyang umiling. I'm trying to get away from you, asshole, ang sinabi ng mga mata ni Zoe habang ang sabi naman ng mga labi niya, "No. Dito ka na lang." At tuluyan na ngang nagpunta si Zoe sa kwarto at mabilis na nagpalit ng mga damit bago pa man kumapit ang amoy ni Jet sa balat niya. Eww. Kumuha siya ng pajamas at nagpakabalot sa kumot dahil pakiramdam niya expose na expose ang katawan niya sa mga mata ni Jet kanina. Kung tignan nito kasi ang dibdib niya kanina ay parang may x-ray eyes ito at kitang-kita na ang buong pagkatao niya. Mabilis na kinilabutan si Zoe. Psh, Jet probably saw a hundred pairs of boobies already. What more can her breasts do? Wala naman na di ba? It shouldn't be so special. But it is special. For goodness' sake it is Zoe Armamento's boobs. Of course, it is special. Psh. Everyone's dying to see it. What am I even saying? I'm not making any sense. Hindi niya mapagtanto kung bakit siya naiinis. Hindi niya alam kung ito ba ay dahil sa pagtingin sa kaniya ni Jet kanina na parang hinuhubadan na siya o baka dahil sa palaisipan na hindi na special ang katawan niya sa mga mata ng "boyfriend" niya. Pero imposible naman na 'yung second reason 'yun 'no? Just yuck. Like she cares what Jet says? Hanggang sa nakaramdam si Zoe ng basa sa pisngi at noo niya. Padami nang padami ang patak. Hanggang sa inalog na siya. "Gabi na, oy. Bumangon ka na." Pagdilat pa lang ng mga mata niya, isang masamang tingin na agad ang pinakawalan niya kay Jet na kumukuha ng panibagong damit sa bag nito. "Kanina ka pa tulog. Hinahanap ka na nila sa baba." Paghinga pa lang ni Zoe, nalaman na niya na hindi maganda ang pakiramdam niya. Naramdaman na niya ang init sa lalamunan niya at kahirapang makapasok ng hangin sa ilong niya. Nagtalukbong siya ng kumot at makakatulog na ulit nang marinig niya ang pagsara ng pintuan ng banyo. "Hoy, Zoe," pagtawag na muli ni Jet sa kaniya. "Bumangon ka na." Hindi niya ito pinansin dahilan para mas kulitin lang siya nito na tumayo. Inalis nito ang kumot at hinawakan siya sa paa hanggang lumapat ang mga ito sa sahig. Sumunod sa kamay at hinatak paupo. Dumilat na si Zoe dahil ayaw na niyang maistorbo pa. Mamaya na lang siya babawi ng tulog. "May sakit ka ba?" paghawak ni Jet sa leeg at noo niya. Mabilis itong tinampal ni Zoe. "Wala! Kakagising ko lang kasi kaya mainit. Lumayas ka na nga susunod na lang ako do'n!" "Alright, fine. Bilisan mo pwede? Masyado ka nang VIP daig mo pa 'yung may birthday." "Hindi ko naman siya kakilala kaya wala akong pakialam." Lumakad na si Zoe sa banyo at sinarado ang pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD